♡Chapter 37- Feel Something♡

63 16 0
                                    

Kisha POV

I don't know why pero bigla nalang nanikip 'yung dibdib ko ng kumapit si Love Samantha 'daw' kay Dereck pagkatapos tinawag niya pa 'tong babe.

Pero ang ikinagulat ko eh 'yung bigla nalang hinawakan ni Dereck 'yung kamay ko saka niya ko....kinulit!

"Ah-ano diba wa-wala namang meeting 'yung SSG ah?" Tanong niya

"Ah-ano akala ko meron" saka ako kumamot sa batok.

Dun ka sa babe mo

Eh? Bakit ba? Ano ba paki ko sa kanila? Kisha umayos ka nga!

"So, sa'n ka pupunta?" Tanong niya sa'kin pero 'yung puso ko mabilis padin 'yung pagtibok dahil hawak niya padin ang kamay ko.

"Luh ang kapal naman niya"

"Oo nga, look oh sila ba?"

"Why Dereck's holding her hand?"

"I don't know too but it's so ewwy!"

Dinig kong maarteng usapan ng mga dumadaan at masama ang mga tingin nito sa'kin, ang ilan eh may pairap-irap pa. Dukutin ko mata niyo eh.

"Pwede ba huwag mo na 'kong hawakan pinag-uusapan ako dahil sa'yo eh." Inis kong sabi dito kaya binitiwan niya na 'ko.

Te-teka, tama ba 'yung sinabi ko? Hindi ba nakaka-offend? Ah bahala na nabubusit padin ako sa kanya!

"Ede sorry, psh mauna na nga ko." Naiinis na sabi niya din sa'kin saka siya nag-cross arm at bumalik na patungo sa room. Napanguso't napairap nalang ako sa inis.

Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Saad ko habang nagpapapadyak papunta sa di ko alam kung saan.

Nakarating ako sa cr. Bat dito pa ko dinala ng paa ko? Hayst. Tinitignan ko ang maganda kong pagmumuka sa salamin *chin-up*.

Di ko alam pero nakaramdam ako bigla ng insecure! Ano bang nangyayari sa'kin?! Hindi naman ako ganito ah.

Ang tangkad niya, bagay sa kanya 'yung long hair, ganda ng buhok niya akala mo rebonded pero mukang natural (hala sige ang gulo ko), ang tangos ng ilong, maputi, pinkish and kissable ang labi, rosy cheeks, mukang mayaman, at higit sa lahat...sexy huhuhu eh ako? Wala pa sa kalingkinan ng kagandahan niya.

Eh bakit ba? So what kung wala?

Ano ba self?! Why do you care?!

Bwiseeeeet!!!!!

Nakabusangot akong lumabas sa C.R. at nagdesisyong bumalik na sa room.

Masasabi ko sa itsura ko ngayon? 'Sabog' hayst kasi naman eh!

Grrrrrrrrrr!!!!

Kathy POV
'Yung teacher namin para sa chemistry subject namin eh hindi pumasok! May importante daw gagawin.

Me be like: weeeeeeee

Tinatamad lang 'yun eh pero okay na din atleast free time bwahahaha.

Ang ganda nung babaeng lumapit kay Dereck kanina, ano niya kaya 'yun? Girlfriend? At saka, nasaan na ba si Kisha eh nakita ko 'yung ibang member ng SSG hindi naman magkakasama eh tapos tinanong ko kung tapos na 'yung meeting sabi nila wala naman daw. Luh?Kisha umaano ka?May sariling meeting ateng? 'Yung babaeng 'yun talaga.

And hehehe pang 5 days na pala since ligawan ako ni Benjie ahihihi shhhhh binibilang ko talaga 'yun hahahaha.

"Who's she?"

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon