♡Chapter 29♡

68 18 0
                                    

Kisha POV

Dahil nga wala akong kasama ngayon, mag-isa akong kumakain ngayon sa canteen. Wala si Cedrick, wala akong silay :( de joke lang.

Wala siya kaya talagang wala akong kasama, kasi for sure kung nandito 'yun at nalaman niyang wala akong kasama baka kasabay ko kumain 'yun, oh diba ang lakas ko mag-assume? Kaya nasasaktan eh. Wala siya dahil may inutos nanaman daw sa kanya 'yung mama niya. Sabi lang sa'kin nila Jacob.

Speaking of Jacob habang kumakain ako ng kanin at chicken. Nakita ko sila ni Dereck na papalapit sa pwesto ko.

Huminto sila sa harap ko kaya napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanila.

"Why?" Mataray kong tanong na nakataas pa ang kilay.

Ang mga mata ng mga kumakain dito sa canteen ay nasa amin... mga chismoso't chismosa.

"Sabayan ka na namin!" Masiglang bati ni Jacob kaya napangiti ako sa kanya.

"Sige upo ka." Nakangiting sagot ko dito, nang makaupo siya kita ko na uupo din dapat si Dereck ng pigilan ko siya.

"Hep-hep! Ang sabi ko si Jacob lang, bakit ka uupo?" Kunot- noo niya naman akong tinignan, si Jacob naman nakangiting umiiling.

"Ang arte mo talaga! Ikaw na nga sinasabayan para hindi ka magmukang kawawa ikaw pa itong choosy." Mayabang na sagot niya sa'kin saka umupo.

"Kayo ang kusang lumapit at hindi ako. Wala akong sinabing sabayan niyo ko tsk." Saad ko saka ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Hindi niya ko pinansin at umorder nalang siya ng pagkain, habang si Jacob eh iniwan niya dito, salbaheng kaibigan.

"Grabe, hindi niya ba alam na ang swerte niya kasi kasabay niyang kakain sila Fafa Dereck?" Rinig kong sabi noong babaeng nasa bandang likod ko. Hindi ko ito nilingon at nakinig lang sa usapan nila, ganon lang din naman ang ginawa ni Jacob.

"Oo nga ang arte-arte, akala mo naman kung sino maganda. " dagdag pa nung kasama niya.

This time nilingon ko sila ng nakataas ang isang kilay, binulungan pa ako ni Jacob na huwag sila pansinin pero siya ang hindi ko pinansin. Sumusobra na sila. Hindi naman nagpatinag ang mga babaeng 'to.

Nakita ko ang mga muka nilang mukang clown dahil sa kapal ng kolorete nila sa muka. Kita ko din ang mga buhok nila na may kulay. Diba bawal 'yun sa school?

Tinarayan nila ako at may nagsalitang isa pa na kasama nila.

Bale tatlo sila, isang morena na isinubsob ang muka sa harina dahil sa puti gawa ng foundation tapos ang isa naman ay maputi na akala mo pinigaan sa muka ng kamatis dahil sa sobrang pula gawa naman ng blush on at ang isa pa ay ang tama lang ang kulay na ang itsura ay parang pinagsama ang pagmumuka ng dalawa niyang kasama.

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Mataray na tanong ko sa mga iyo habang nakataas parin ang isang kilay.

"Obvious ba? Sabi ng maputi.

"So ako ang sinasabihan niyo ng maarte?" Paniniguro ko sa mga 'to.

"Malamang! Wala kang kwentang kausap, napakaboblaks!" Inis na sabi nung morena. Tumayo ako pinalo ang lamesa nila, gulat naman silang napatayo din at hinarap naman ako ng sakto lang ang kulay.

"Hoy ang bastos mo ah! Kita mong kumakain kami tapos papaluin mo 'yung lamesa namin?!" Saka ako dinuro. Kinuha ko ang daliri nitong nakaduro sa'kin at inikot. Rinig ko ang daing niya at pagtunog ng buto.

"Bitawan mo nga siya!" Sabi pa ng mga kaibigan niya at tinutulungan ang kanilang kaibigan. Tinulak ko siya sa dibdib gamit ang kamay ko na nakahawak sa daliri niya. Napaatras naman siya. Ay sus mahina!

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon