♡Chapter 22-Dinner Date♡

62 22 0
                                    

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
A/N: Hello my dear readers!Don't forget to vote if you like this part and it's free to comment your reaction/opinion.Thank you so much.I love you always mwah!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Austin (The Birthday Boy) POV

Nandito ngayon si Dereck sa bar namin.Pilit kong pinapakalma 'to,ay hindi lang pala ako halos lahat kaming magtotropa.Pano ba naman kanina pa nagwawala dito.Tinawagan ko pa lahat ng tropa naming nakikipagdate para lang dito.Ika pa nila,istorbo daw ako sa date nila.

"AAAARGH!G*GO SIYA!LINTEK NA LALAKING YUN!"galit na galit na sabi ni Dereck.Kanina pa yan ganyan.Di naman namin alam kung sino ba yung lalaking yun at nagkakaganito si boss Dereck.

"Uy Reck Tol tama na yan."saad ni Cedrick medyo kumalma naman si Dereck.Eh?Bat sa'min di siya nagpapatinag.Sabagay sila yung pinaka magkasundo sa'ming lahat eh.

"Napano ka ba boss Dereck?"tanong ni Xander,tinignan naman siya ng sobrang sama ni boss Dereck.Ayan kasi,chismoso.

"WALA KANG PAKEALAM!"sigaw niya.

"Okay okay!Chill!"saad ni Xander na may paharang-harang pa ng dalawa niyang kamay kay boss.

Kaya hindi ako sumasabat eh.Kumakain nalang ako dito,baka mamaya ako pa pag-initan.Inom lang din ako ng inom huhu lagot ako kay Daddy ang daming nabasag sa bar niya.Ubos allowance ko neto.

Kisha POV

Nakauwi na kami sa condo unit ni Lee.Dito muna kami tumuloy kasi pagkukwentuhan pa namin yung nangyari kanina.Baka mamaya may ginawa 'to kay Unggoy kaya nagalit.

"Haist!Ano bang ginawa mo kay Unggoy?"

"Ano?Wala nga!Ang kulit mo naman eh.Di ko naman sinasadyang magkabangga kami bibili nga lang ako dapat ng inumin natin nun eh,tapos bigla nalang niya dinaklot yung kwelyo ko!"inis na sabi ni Lee.Pareho sila ni Unggoy,ang iinit ng ulo.

"Bakit ba hindi ka nalang nagsorry saka umalis?"

"Sha-Sha kinuha niya nga agad yung kwelyo ko!Wala naman sa bokabularyo ko ang makipag-away kaya lang,iba eh.Uminit dugo ko sa lalaking yun,masyadong mayabang at maangas yung dating."inis parin na sabi niya.

"Osige na,magpahinga ka na.Uuwi na 'ko.Huwag mo ng intindihin yun si Unggoy."saad ko saka tumayo na sa sofa.

"Teka,uuwi ka na?Ihahatid na kita."prisinta niya.

"Ah hindi,wag na ayos lang.Wag ka na makulit.Babye!"sagot ko pero bago ko pa maabot yung doorknob tinawag niya uli ako.Ano bang problema nito at ayoko paalisin?

"Sha-Sha bakit mo nga pala kilala yun?at bakit unggoy ang tawag mo pfft."natatawa niyang tanong.Tignan mo kanina naiinis ngayon tumatawa.Bipolar!

"Classmate ko siya eh.Saka muka kasi siyang unggoy."

"HAHAHA"sabay naming tawa.

"Pero teka?ano?classmate?Ede lagi kayong nagkikita?"

"Tsk!Malamang!"

"Baka ano gawin sa'yo nun!Paano kapag pinagtripan ka?"hay naku...kung alam mo lang na nag-umpisa na siyang gawin yan.

"Kaya ko naman yung unggoy na yun,kaya lang pag pinatulan ko baka sabihin animal abuse pa 'ko."natatawa kong sagot pero huhu kaya ko ba talaga?

"Osige,sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?"tanong nanaman niya.Ang kulit talaga eh.

"Oo nga huwag ka ng makulit.Sige na babye!"saad ko saka kumaway sa kanya at lumabas na ng condo niya.

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon