Unang Kabanata #Sugat

45 6 0
                                    

-Taong Kasalukuyan-

"Mingming! Mingming! Mingming, asan ka? Lumabas kana mingming.!" Sunod sunod na tawag ni November sa alagang pusa.

Lakad dito, lakad doon. Silip dito, silip doon. Pero bigo siyang makita ang alagang pusa.

"Mining, sige na lumabas kana. Pangako Hindi na ulit kita papagalitan. At pangako rin na Hindi na kita pipiliting maligo sa dagat sa susunod." Lintanya ulit ni November habang patuloy parin sa paghahanap sa alaga.

Ang alagang pusa ang nagsilbi niyang kaibigan at kapatid kaya naman ngayong hindi niya ito makita ay gusto na niyang maiyak.

Sinisisi ng dalaga ang sarili dahil sinama niya ang alagang pusa na maligo sa dagat at nasigawan niya pa ito dahil takot sa tubig at hndi marunong lumangoy.

Sa isip ni November:
Baka nagtampo na sa kanya ang alagang pusa at umalis na ito.

"Mingming, lumabas kana oh. Hindi na talaga kita papagalitan." Mangiyak ngiyak nang tawag ni November sa alagang pusa.

Nang hindi parin lumabas ang alaga ay pabagsak na umupo si November sa puting buhangin saka walang deriksyon na pinunasan ang mga luha sa pisngi.

Di alintana nang Dalaga kung ano ang itsura niya. Di niya alintana ang maganda niyang katawan na nakabakat dahil sa suot niyang basang bestida.
Di niya alintana ang init nang araw na tumatama sa kanyang makinis at maputing niyang balat.

**********

Mula sa bintana nang maliit na bahay ay kanina pa pala pinapanood ni Alice ang Anak nitong si November.

At ngayong nakaupo ito sa lupa at parang batang umiiyak ay hindi maiwasang mahabag ni Alice para sa Anak. Hindi dahil sa umiiyak ito kundi dahil sa inaakto nito.

Dalaga na si November. Isang napakagandang dalaga. Pero kung kumilos ito ay para pa ring bata at yun ang ikinakabahala ni Alice para sa Anak.
Dahil ang kainosentehan ng Anak sà maraming bagay ang posibleng magdala dito sa kapahamakan. At alam alam na iyon ni Alice.

Kaya nga sa abot ng kanyang makakaya ay tinuturuan niya si November sa mga bagay na dapat nitong matutunan. Katulad nang pagsusulat ng sariling pangalan, pagbibilang at pagbabasa.
Matiyaga ring ipinapaintindi ni Alice sa Anak ang mga bagay na dapat nitong maintindihan.

Katulad nalang ngayon.

Umalis si Alice mula sa bintana saka lumabas nang bahay. Nilapitan niya si November na nakasalampak parin sa buhangin at tahimik na umiiyak.

"Anak?." Tawag niya dito.

Kaagad nadurog ang puso ni Alice nang mag angat nang mukha si November at makita niyang hilam sa luha ang maganda nitong mukha.

Talagang mahal na mahal ng Anak ang alaga nitong pusa.

Umupo si Alice sa harapan ni November at gamit ang dalawa niyang kamay ay pinunasan niya ang mga luha nito sa pisngi.

"N-nay si m-mingming. D-diko siya m-makita kanina pa." Putol putol ang boses na sabi ni November kay Alice.

Hinaplos ni Alice ang pisngi ni November.

"Nasa kwarto siya, Anak. Basang basa siya kanina at nilalamig kaya binalot ko siya sa kwarto at binalot ng kumot." Sagot ni Alice sa Anak .

NOVEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon