Ikaapat Na Kabanata #Joaquin

34 5 0
                                    

November's POV

Nagliwanag ang madilim na paligid ng sinimulan kong sindihan ang mga tuyong kahoy na nakapalibot sa katawan ni Nanay.
Kaagad kumalat ang apoy.

Napapikit nalang ako kasabay ng muling pagbalahaw ng iyak ng makita kong unti unti nang nilalamon ng apoy ang ang katawan in Nanay.

Buong araw akong nag isip kong ano ang pwede kong gawin sa bangkay ni Nanay at ito lang ang naisip kong paraan.
Ayaw ko namang ilibing lang siya sa kung saan saan kaya kahit masakit sa loob ko na sunugin ang katawan niya ay wala akong mapagpipilian. Patawad, Nanay.

Matagal din akong nakapikit at saka lang ako dumilat ng maramdaman unti unti nang humihina ang apoy, dahil wala na akong maramdaman na init sa balat di tulad kanina.
Ang kaninang nagliliyab na apoy ngayon unti unti nang nawawala. Ang kaninang katawan ni Nanay na nandoon ngayon ay wala na. Diko na makita.
Nanghihina at hilam sa luha na napaluhod ako sa buhanginan.
Wala na nga,si Nanay. Tuluyan niya na nga akong iniwan.

Muli na naman akong bumalahaw ng iyak kasabay ng pagsigaw na pumuno sa madilim at tahimik na lugar.

"Naaaaaayyyyyyy!!!!"

*****

NANG muling dumilim ang paligid dahil sa tuluyang pagkawala ng apoy ay saka lang ako tumayo. Nanginginig ang mga tuhod at hilam parin sa luha na sinimulan kong maglakad palapit sa maliit naming bahay.
Paisa isa at dahan dahang paghakbang ang ginagawa ko dahil anumang oras ay pakiramdam ko babagsak ako buhangin.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay dumeretso ako sa kwarto namin ni Nanay.
Sumiksik ako sa isang sulok at doon muling humagulhol ng iyak.

Paano na ako ngayon?
Paano ako makakatulog tuwing gabi gayong nasanay na akong ang paghili ni Nanay ang nakapagpapatulog sakin?
Paano ako haharapin ang bawat umaga gayong nasanay na ako na siya kaagad ang una kong nakikita ?
Paano ako kakain gayong nasanay na ako na lagi ko siyang kasabay?

Paano na ako ngayon?

"Meow!"

Mingming?

Nag angat ako ng mukha mula pagkakasubsob sa mga tuhod ko saka hinagilap ng tingin si mingming sa paligid.

Mukhang kakapasok lang din ni mingming dito sa kwarto. Kaagad itong lumapit sakin.
Kinarga ko ito at niyakap.

"Mingming, iniwan ni tayo ni Nanay. Magkasama na sila ni tatay." Muli na naman akong napahagulhol. "Wag mo rin akong iwan, mingming ah? Kasi ikaw nalang ang meron ako." Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap dito.

****

Shannon's POV

"Hi, sis!"

Kaagad kong sinamaan ng tingin ang taong bagong dating.
Sa wakas nagpakita din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NOVEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon