Alice POV
Malalim na ang gabi pero nanatili parin akong gising. Ayaw kong matulog. Ayaw Kong pumikit. Dahil pakiramdam ko sa oras na pumikit ako ay diko na magagawa pang dumilat.
Alam ko. Ramdam na ramdam ko na hindi na ako tatagal pa.
Pinagmasdan ko si November na payapa ng natutulog sa papag na kawayan. Habang nakatitig sa maamo nitong mukha ay diko maiwasang maiyak.
Pano nalang ang anak ko sa oras na mawala na ako?
Sino na ang mag aalaga at gagabay sa kanya?
Sino na ang magpapaintindi sa kanya sa mga bagay na Hindi niya alam?Mula sa pagkakahiga ay pinilit kong bumangon kahit pa parang mawawalan na ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit ng sugat ko sa likod.
Nang matagumpay na makaupo ay pagapang akong lumapit sa kawayang kabinet kung saan nakalagay ang mga damit naming mag ina.
Mula sa silong ng kabinet ay inilabas ko ang isang maliit na kahon na kahoy.
Binuksan ko iyon at mula sa loob nun ay inilabas ko nmn ang isang kulay itim na karton na kahon.Nang buksan ko iyon ay kaagad tumambad ang isang kumikinang na kwentas.
Mahigit 20 taon na ang lumipas pero di manlang nabago ng panahon ang kinang ng kwintas.
Sabagay, di naman kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na isuot ito, maliban don sa araw na mismong si Henry ang nagsuot nito sakin.
Inilabas ko sa karton ang kwintas at itinaas ko iyon gamut ang isa kong kamay.
Sa tulong ng liwanag buwan na pumapasok mula sa bukas na bintana ay sinipat ko ang kwintas.Sa kabila ng samot saring nararamdaman ay diko maiwasang mapangiti ng mabasa ko ang katagang nakasulat sa kwintas.
Maliban kay November ay isa rin ang kwintas na'to sa mga alaalang naiwan sakin ni Henry. Kaya naman nung araw na nanganak ako at tanungin ng midwife kung anong ipapangalan sa baby ko ay dina ako nagdalawang isip pa na ipangalan sa kanya ang katagang nakasulat sa kwintas.
Nung araw na isinilang ko si November ang siyang pinakamasayang araw sa buhay ko.
Pero isang linggo pagkatapos kong manganak ay bigla nalang may bangungot na nangyari.
At sanhi ng bangungot na yon ang iniinda ko ngayong sugat sa likod.-Flashback 20 years ago-
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapadede Kay November ng biglang may di inaasahang bisita ang dumating.
Si Donya Margarita. Hindi ito nag iisa dahil may kasama itong dalawang bodyguards.Kaagad akong nabalot ng kaba sa isiping baka ang anak ko ang kanyang sadya.
"Anong kailangan mo?" Sa kabila ng kaba ay nagawa kong magsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.Nagpunta ako dito para kunin ang apo ko."
BINABASA MO ANG
NOVEMBER
General FictionShe is November. Isang inosente at npakagandang dalaga na lumaki sa isang tagong isla kung saan malayo sa moderno at magulong mundo ng siyudad. At ngayon in her 20th year of existence ay kinakailangan niyang lisanin ang nakalakihang lugar. Para magt...