Ikatlong Kabanata #Paglisan

34 6 0
                                    

November's POV

Araw na naman ng linggo at kagaya ng nakasanayan ay maaga akong nagising.

Pag ganitong linggo kasi ay umaalis kami ni Nanay para magtungo sa maliit na kapilya na nasa kabilang Isla.
Nagtatagal kami doon ng Isang oras at minsan naman ay dalawa , depende kung gaano kahaba ang dasal ni Nanay.
Minsan nga diko maiwasang magtaka kung bakit àng tagal tagal magdasal ni Nanay.
Ako kasi isa  lang naman ang ipinagdadasal ko at maiksi lang din.

At yun ay ang sana ,Hindi magkasakit si Nanay at sana hindi kami maghiwalay. Yun lang.
Sa linggo linggo naming pagpupunta sa kapilya yun at yun lang ang paulit ulit kong ipinagdadasal.

Bumangon na ako sa pagkakahiga saka iniligpit ang kumot at unan na ginamit ko.
Sinulyapan ko si Nanay na mukhang himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

Nakapagtataka. Ngayon lang ata hindi gumising ng maaga si Nanay. Nasanay na kasi akong sa tuwing magigising ay wala na ito sa tabi ko.
Nakasanayan na kasi ni Nanay na gumising lagi ng maaga para magluto ng almusal naming dalawa.
Lalo na pag ganitong araw ng linggo.

"Magandang umaga, Nay!" Yumuko ako at Hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati.

Napakunot noo ako.

Ganun ba kahimbing ang tulog in Nanay para Hindi siya magising sa ginawa Kong paghalik

Di bale na nga lang.

Umayos na ako ng tayo at naglakad palabas ng kwarto. Tinungo ko ang maliit naming kusina para magluto ng almusal para saming mag-ina.

Mamya ko nalang gigisingin si Nanay pag tapos na akong magluto. Maaga pa naman masyado ei.

Matapos kong itali ang kulot at hanggang balikat kong buhok ay inabala ko na ang sarili sa pagluluto.
Nagprito ako ng tatlong itlog at tuyo. At
dahil maraming tirang malamig na kanin kaya  isinangag ko nalang iyon sa mismong mantika na pinagprituhan ko para parehong hindi masayang.

__

"Nay, gising na po kayo!. Kakain na po tayo.! Nay!" Diko na napigilang sumigaw.

Bakit ganito? Bakit ayaw magising ni Nanay? Kanina ko pa siya ginigising pero bakit ayaw niyang dumilat?

"Nay, wag naman kayong magbiro ng ganito oh. Parang niyo na po nay, gumising na po kayo." Niyakap ko siya kasabay ng pagbagsakan ng mga luha sa mga mata ko.

"Ang daya niyo, Nay." Singhot."Magdadasal pa tayo,Nay diba?"Singhot. "Nay,naman ei!" Singhot. "Nay, nangako kayo sakin na niyo hindi niyo ako iiwan. " Singhot. "Nangako kayo, Nay ei. Nangako kayo!."Ang kaninang tahimik kong pagluha ay tuluyan ng nauwi sa malakas paghagulhol.

NOVEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon