Beautiful Redemption

39 0 0
                                    

Prologue

Isang salu-salo ang inihanda para kay Manong Sol para sa kanyang ika-65 na kaarawan dito sa SVR Grand Resort. Ginanap ito sa tapat ng resort, di kalayuan sa tabing dagat. Halos lahat ng tauhan ay narito upang makisalo sa pagdiriwang lalo na ang mga empleyadong matatagal na ring nagtatrabaho dito. Kaming mga baguhan ay nakasama na din dahil tapos na ang duty namin.

Isang linggo palang ang lumipas simula ng magtrabaho ako sa resort kaya hindi ko pa masyadong kilala ang karamihan sa mga empleyado maliban sa mga kitchen staff na kasama ko simula ng magsimula ako dito.

Si Manong Sol at ang kanyang asawa na si Manang Tilde ay matagal ko ng kilala dahil matalik silang kaibigan ng grandparents ko. Sa kanila ako kasalukuyang tumutuloy. Isa siya sa tumulong para makapasok ako dito at isa rin siya sa nakakaalam ng tunay kong pagkatao.

Isang masigabong palakpakan ang iginawad sa kanya pagkatapos niyang magspeech ng pagpapasalamat.

Habang nagkakasiyahan ay tumutulong ako sa paghahain ng mga pagkain para sa bisita ni Manong. Bukod kasi sa mga katrabaho ay nandito rin ang kanyang kamag-anak at iba pang kakilala.

"Lara!" lumingon ako kay Sonya. Siya ang naging malapit kong kaibigan dito. Magtatatlong taon na siyang nagtatrabaho sa resort kaya kabisado na niya halos lahat ng gawain. Siya rin ang nagorient sakin sa lahat ng bagay na dapat kong malaman. Pati mga tsismis alam din niya.

"May naghahanap sayo!"

"Sino?" Tanong ko paglapit ko sa kanya.

"Hindi ko alam basta lalaki. Nandun siya sa gate naghihintay." Bigla akong kinabahan dahil maaring tauhan iyon ni Daddy na kasalukuyang naghahanap sakin.

Kahit nagaalinlangan ay pinuntahan ko ang lalaki sa may gate. Malamang naman ay hindi niya ko makikilala dahil sa hitsura ko.

Pagkarating ko malapit sa gate ay nakita ko lalaking naghahanap sakin. Hindi ko siya makilala dahil nakasumbrero siya, nakaitim na t-shirt at maong pants. Binagalan ko ang lakad ko at inintay na lumingon siya sakin. Kalaunan ay napangiti ako.

"Reynan!" Sigaw ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap!

Si Reynan ang pinakamatalik kong kaibigan. Bestfriends since childhood. Alam niya lahat ng kalokohan ko sa buhay dahil sa lahat, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko at nakakaunawa sakin.

"Baklang 'to! Anong nangyari sayo? Nakakadiri ang hitsura mo!" sabi niya ng makita ang ayos ko na walang kamake-up make-up sa mukha. "I like your hairstyle, tho! You look younger."

"Mas natural, mas maganda!" Sagot ko sa kanya. "Bakit ka nandito? Baka may nakakita sayo papunta dito ha!"

"Ako pa ba? Magaling akong magtago, no! Anyway, pumunta ako dito para ibigay sayo 'to." Sabay abot niya sakin ng isang nakatuping papel. "Hanggang ngayon wanted ka pa din sa Manila at sabi sa nabasa ko balak pa ng Daddy mo na palawakin pa ang paghahanap hanggang sa Mindanao."

Napabuntong-hininga ako. "Hindi naman nila ako makikilala."

"Tingin ko nga. Ang chaka mo eh. Hindi bagay sayo walang make-up. Mukha kang gusgusin. Buti nalang maganda hairstyle mo." Inirapan ko siya.

"Hanggang kailan mo ba balak magtago?"

"Hindi ko pa alam. Siguro hanggang sa makaipon ako."

"Aba Aviana, naguumapaw sa yaman ang pamilya Mendez!"

"It's not my own money, Reynan! It's my parents'. Ayoko ng umasa sa kanila tapos mamanipulahin nila ang buhay ko."

"What about your money from modeling? Halos apat na taon ka ding nagmomodelo."

Beautiful RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon