Chapter 14
"Ava, pasensya ka na talaga. Hindi ko alam na uuwi agad ang mommy mo. Ang sabi kasi niya matagal siyang mawawala. Sorry talaga..."
Nakatingin lang ako sa labas mula sa bintana ng kwarto ko. I'm back here in our home. Akala ko kahit papano ay mamimiss ko itong kwarto ko at itong bahay. But Mom made me loathe this house so much. Now I am a prisoner in my own room, in my own house.
Daddy was not home when we got here so I'm feeling so hopeless. Hindi ko alam kung papaano ako makakatakas. Lots of CCTVs and guards are roaming around this house.
"Tutulungan kitang makalabas dito..."
"Ate, ako na ang bahala. Wag mo na ipahamak ang sarili mo." Mahina kong sabi. I just...can't trust the people in this house anymore.
"Ava, sorry talaga." Bumuntong hininga at pagod akong ngumiti sa kanya. Kahit na ganito ang nangyari ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya.
"Okay lang, Ate." And she went out of the room.
Kahapon lang ay naiiyak ako sa sobrang tuwa. Ngayon naman ay gusto kong maiyak dahil sa sama ng loob. How could she do this to me? Parang hindi niya ako anak. She even locked me in this house para lang hindi ako makatakas.
Imbes na magmukmok ay nag-isip ako ng paraan para makaalis dito. I checked the baggage Ate Karing prepared for me. Nagdagdag ako ng iba pang gamit na kakailanganin ko.
I was about to change my clothes when I noticed the jacket I was wearing. Naalala ko si Edward. It's past 10 in the evening, malamang ay nakauwi na siya. Paniguradong malalaman niya ang nangyari sa akin kapag tinawagan niya ang phone ko at sinagot siya na Reynan. How I wish. Knowing him, for sure he'll look for me. And I have a feeling that he'll find his way here.
Suddenly, I heard my father's voice thundered. Bigla akong nabuhayan ng loob. As of now he's the only one who can save me from Mom. Tumaas ang boses ng dalawa at tumagal iyon ng ilang minuto. Maya-maya ay bigla nalang bumukas ang pinto. And there he was. Bakas sa mga mata niya ang awa ng makita niya ako.
"Hi, Dad." Matamlay kong bati.
"Aviana." Bumuntong hininga rin siya ng makita ang maleta sa harap ko. He knows what I'm planning to do. Nilock niya muna ang pinto bago siya lumapit sa akin.
"Babalik ka ba ng Cebu?" Mahinang tanong niya. Sinisiguradong kaming dalawa lang ang makakarinig.
"Opo." tipid kong sagot.
"Can you stay here just for a few days?" he asked with a voice full of pleading and when I heard of it, I felt guilty for everything. I felt guilty for loathing this home and for leaving him. Dahil kahit papaano, mayroon parin pala akong dahilan para bumalik dito. And it's Dad.
"I'm sorry Dad. I don't think I can still live with Mom anymore."
"I understand. I heard what she did to you. Tinawagan ako nina Reynan at Karina." Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagiimpake ng mga gamit ko.
Tinitignan lang ako ni daddy sa ginagawa ko. I don't really want to be rude to him, but the more we talk, the more I'll be convinced to stay here in this house for him. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang at lakas ng loob. Ang alam ko lang ay kailangan kong umalis dito para matupad ko ang mga pangarap ko. Kahit na ang kapalit pa noon ay ang pag-iwan ko sa kanya.
When it comes to his daughters, he's been through a lot. Lalo na noong umalis si Ate Giselle dito sa bahay. It's also our mom's fault and dad is still the most affected one. His too much love for mommy cost him Ate Giselle's departure. Hangga't maaari ay ayokong maranasan niya ulit ang nangyari noon. Pero sa ginagawa sakin ni mommy ngayon ay hindi ko na alam.
BINABASA MO ANG
Beautiful Redemption
Fiction généraleThis is a story of a woman who wants her freedom to live her life and a man who will give her the most beautiful redemption.