Chapter 9
The next day I decided to stay at Manong and Manang's home. It's been a while since I visited them. Pagkatapos maghapunan ay nakipagkwentuhan muna ako sa kanilang dalawa.
It suddenly came to me why I'm still staying at Edward's villa. Manang Fe said that the villa is exclusive for his family. Obviously, I don't belong there. Sa tingin ko naman ay wala ng naghahanap sa akin. Maybe I should move out and go back here.
"Bakit? Hindi mo ba gusto roon sa villa? Mas komportable ka roon at mas malaki ang espasyo." Ani ni Manang Tilde noong sinabi ko ang kagustuhang bumalik sa bahay nila.
"Kumportable rin naman po ako rito. Baka lang kasi naaabala ko na si Edwa— Sir Edward."
"Sinabi niya ba sayong inaabala mo siya?" Tanong ni Manong Sol. Umiling lang ako. "Kung hindi naman ay wala kang dapat ipagalala. Kagustuhan ni Eduardo ang manatili ka sa villa niya, ibig sabihin ay hindi ka magiging abala sa kanya.
Pero kung gusto mo talagang bumalik dito ay ayos lang naman sa amin basta ay ipagpaalam mo muna kay Eduardo."
Bakit kailangan kong magpaalam pa sa kanya? I know he's given me a lot of help but I didn't even ask for it. He's not gonna decide how I'm gonna live my life here.
Doon natapos ang usapan namin noong gabing iyon.
Kahit na pagod mula sa trabaho at sa pagtulong sa paghahanda sa kaarawan ni Edward ay hindi kaagad ako nakatulog. Nagmuni-muni muna ako.
Bukas makalawa gaganapin ang pagdiriwang ng kaarawan niya rito sa San Isidro. They said it isn't that grand but it is something everyone is excited about. May mga kakilala at kaibigan raw siyang pupunta dito sa Cebu para makidiwang. Isa ito sa pinakapaboritong pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil nasa tabi ito ng dagat at nakakapagbakasyon ang kanyang mga panauhin.
Dadalo rin kaya si Natalia? Malamang ay narito rin siya. Alam kaya ng mga kaibigan ni Eduardo ang relasyon nilang dalawa?
I shrugged that thought off. Bakit ko ba siya iniisip? Basta pag balik ni Eduardo ay sasabihin ko na sa kanya ang plano ko.
—
Kung abala ang mga taga opisina noong mga nakaraang araw ay mas abala na sila ngayon pati halos lahat ng empleyado ng hotel at resort. Unti-unti nang nagaalisan ang mga turista dahil kinabukasan, Sabado hanggang Linggo, ay magsasara na ito pansamantala. Bukas na rin ang balik niya kasabay ng kanyang panauhin.
Muli ay naiwan ako sa opisina para tapusin ang trabaho at umantabay ng mga tawag para kay Eduardo. Tinapos ko ang lahat ng dapat na tapusin dahil dalawang araw kaming mawawalan ng trabaho.
Sumapit ang alas tres ay saktong natapos ko ang mga papeles. Lahat ng iyon ay inilagay ko sa loob ng opisina ni Eduardo.
Pagkabukas ko palang ng kanyang opisina ay amoy ko na ang pamilyar na halimuyak ng kanyang pabango na parang dumikit na sa bawat sulok ng silid.
Bago ako lumabas ay napukaw ng pansin ko ang boookshelf sa kaliwang banda ng kanyang lamesa. Sa ilang beses kong pagpunta rito ay ngayon ko lang iyon napagtuunan ng pansin. Ang mga libro ay purong pang abugasya.
At nakita ko nga roon ang kanyang student nameplate na ikinagulat ko.
Alexander Edward V. Rivas
College of LawHindi ko alam kung graduate siya ng Law but I saw his resume once at ang educational attainment lang na nakalagay roon ay MBA degree holder siya. Maybe he hasn't finished it yet.
Businessman and Lawyer. This man is something...
Bukod sa mga libro ay may mga litrato ring nakadisplay doon. Iilan lang iyon at purong mga kuha niya at ng mga taong malamang ay kaibigan o kamag-anak niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Redemption
General FictionThis is a story of a woman who wants her freedom to live her life and a man who will give her the most beautiful redemption.