Chapter 13
Hawak ko ngayon ang aking cellphone, nag-iisip kung tatawagan ko ba si Reynan at ipapaalam na nandito ako sa Maynila. I was so hesitant to inform him because his actions might be monitored. But I miss him so much. Maybe we could meet somewhere na hindi matao. Tingin ko naman ay hindi naman ako madaling makikilala dahil sa itsura ko ngayon.
I'm also thinking of calling ate Karing to pack me my things. Sa lahat ng kasambahay namin sa bahay, kay Ate Karing lang ako may tiwala. I won't have to buy other necessities in Cebu if I got some of my things from our home. At least the money i'll earn from my paintings will go directly to my savings.
In the end, I decided to call them both.
Una kong tinawagan si Reynan and ask him to meet me in a coffee shop near this building.
"Gaga ka! Matapos ng ilang araw na walang paramdam bigla ko nalang malalaman na nandito ka pala sa Maynila."
Ilang minuto rin niya akong sinermonan sa telepono. Hanggang ngayon ay hindi parin niya nalilimutan ang pagtawag ko sa kanya noong nalasing ako.
This is what I love about Reynan, he could be a parent to me and best friend at the same time. Papagalitan niya ako at first, pero sa huli ay susuporta parin siya.
He has a full schedule today kaya ipinagpabukas niya ang pagkikita namin. May gusto rin daw siyang ibalita sa akin na panigurado ay tungkol sa nabiling paintings.
Sunod kong tinawagan si Ate Karing. Pagkarinig niya ng boses ko ay halos mapatili siya.
"Ate! Shhhhh! Baka may makarinig sayo!"
[Wag kang mag-alala, wala ko sa bahay niyo ngayon. Nasa supermarket ako. Jusko Aviana, ano ng balita sayo?]
I told her a little bit of what I did and what I have been through during the time I'm in Cebu. Gusto ko mang ikwento sa kanya lahat pero pinutol ko agad iyon. Tsaka nalang kami mag-uusap sa mas maayos na pagkakataon. Ang mahalaga ay masabi ko sa kanya ang dahilan ng pagtawag ko. Sumang-ayon agad siya. Madali raw niyang magagawa iyon dahil kasalukuyang wala si Mommy sa Pilipinas.
If only our home isn't surrounded by CCTVs, I would gladly visit home at ako mismo ang kukuha ng mga gamit ko. But i'll let Ate Karing do the work since she knows very well my things inside my room. I just don't know how she'll take those out of there. Bukas ay magpapasama nalang ako kay Reynan para makuha ang mga gamit ko sa kanya.
I was so bored in Edward's condo, I decided to go out. I wore his jacket and my cap. I walked around the area and even ate in a fast food store. Pumasok din ako sa malapit na mall para mamili ng mga art supplies. Naging mapayapa ang pag-iikot ko dahil walang nakakilala sa akin. Masaya rin ako dahil ngayon ay malaya kong nagagawa ang mga ganitong bagay.
Bago umuwi ay naglibot pa ako. Nang unti-unti ng dumidilim ay bumalik na ako sa building. Pero sa entrance ay hinarang ako ng guard at pinatanggal ang suot kong sumbrero. Nag-alinlangan akong tanggalin iyon pero ginawa ko parin. Nang makapasok sa lobby ay tinawag naman ako ng receptionist.
"Good afternoon, ma'am. May I know the unit number you're about to visit?" Probably, I looked suspicious. Sa suot ko palang ay pwede na akong mapagkamalang may masamang binabalak.
I removed my cap as a way of gaining her trust. Medyo napatitig pa siya sa aking mukha na unti-unti kong ikinabahala. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero bahala na.
"Hi. Uhm, I actually forgot the unit number but the owner gave me this." Ipinakita ko sa kanya ang key card.
Bahagya siyang nagulat noong makita niya iyon. "O-okay ma'am. I'll just verify this with the owner. Please take a seat for a moment."
BINABASA MO ANG
Beautiful Redemption
General FictionThis is a story of a woman who wants her freedom to live her life and a man who will give her the most beautiful redemption.