Stella's POV
Imposible naman ng iniisip ko. Anong gagawin ng isang artista sa lugar na to eh madalas puntahan ng tao ang lugar na to eh. Binalewala ko na lang ang iniisip ko at kinuha ang ice cream na binili ko.
Napatingin ang lalake nang kumilos ako at kinuha ko ang ice cream. Tiningnan nya din ang ice cream na hawak ko.
"Ah eh... gusto mo po?" alok ko baka kasi gusto nya.
"Ah h-hindi" bulong nya sabay iwas ng tingin.
"Chanyeol?" basa ko sa nakasulat sa picture nung ice cream. Bigla na naman napatingin ang lalakeng katabi ko. Ano ba to? Masyadong magulatin si kuya. Kanina pa to. Ang weird nya.
Chanyeol's POV
Nagulat ako nang biglang may nagbaba ng kung ano sa tabi ko. Isang babae na may mahaba at itim na buhok.
"Kkamjjagiya!" gulat kong sabi sabay napatayo ako.
"Sorry po kung nagulat ko kayo. Binaba ko lang po yung mga pinamili ko dahil mabigat. Pwede po ba akong umupo?" magalang na tanong nung babae. Hindi ba nya ako nakikilala? O nagkukunwari lang sya para mapalapit sa kin? Baka isang saesaeng fan ito.
Napansin ko na kumunot na ang noo ng babae kaya nagresponse ako.
"O-oh" sabi ko at tumango na rin ako.
Umupo sya at umupo na rin ako pero alerto pa rin ako. Nagkukunwari lang ako na busy sa cellphone ko pero ang totoo, alerto ako sa mga kilos nya.
Napapansin ko na sumusulyap sulyap sya sa kin. Kinikilala nya ba ako? o sinisigurado na ako yung iniisip nya na artista?
Bigla syang parang nagulat. Nakilala na yata nya ako. Kumilos sya kaya naman bigla akong tumingin sa kanya. Alerto lang ako para sa kaligtasan ko.
May kinukuha sya sa plastic bag at isang ice cream na may picture ko ang kinuha nya.
"Ah eh... gusto mo po?" tanong nya. Kilala ba nya ako o hindi?
"Ah..h-hindi" sagot ko at umiwas na ako ng tingin.
"Chanyeol?" Bigla akong napatingin sa babae. Tinawag ba nya ako sa pangalan ko? Nakilala nya ba ako? Siguro kailangan ko nang umalis dito.
"Chanyeol? hmmm pangalan ba nya ay Chanyeol?" mahinang sabi ng babae habang binabasa ang nakasulat sa rapper ng ice cream. Kumunot naman ang noo. Seryoso ba sya? Hindi nya ako kilala?
Bigla tumingin sa kin ang babae.
"Kuya, kilala mo ba ang exo?" tanong sa kin nung babae.
What the? Hindi nya kami kilala??? Seryoso ba talaga sya??? Mukhang bata pa naman sya ah. Sikat kami sa mga kabataan ngayon pero mukhang ang isang to, napag iwanan na ng henerasyon.
"Hindi mo kilala ang Exo?" mahina kong tanong. Total hindi naman nya ako kilala.
"Hmmm kilala ko yung grupo pero yung mga miyembro, hindi eh." sagot nya habang kumakain na ng ice cream. Wow ha walang anumang panghihinayang na pinunit ang picture ko sa rapper.
"Kung ganoon, hindi ka nila fan?" tanong ko ulit.
"Fan ng konti pero hindi ganoon kabaliw. Fan siguro nila ako or maybe hindi... hehehe ewan ko." sabi nya. Matino ba ito? "Gusto ko yung kanta nila na Lucky, For Life at Universe ang sarap pakinggan". Dagdag nyang sabi. Ah okay, at least pinapakinggan nya ang kanta namin kahit papaano at nagustuhan nya.
"Hindi ka ba interesado sa kanila?" tanong ko. Okay lang naman siguro makipagkwentuhan dito sa babaeng ito. Safe naman ako.
"Konti. Interesado ako ng konti. Mukhang magagaling eh." napangiti ako ng konti. Buti na lang may suot akong mask. Hindi nya nakita na nakangiti ako.
"Sino lang kilala mo sa kanila?" dagdag ko pang tanong.
"Si.... sino nga ba yun?...... hmmmm... si Kai!! oo Si Kai!!! Yung magaling sumayaw!" masiglang sabi nya. Wow si Kai talaga? sa bagay sikat sa mga babae yun.
"Eh yung nasa picture sa rapper ng ice cream, hindi mo ba sya kilala?" Nag iinterview na ako dito.
"Ah si Chanyeol? Kilala ko." agad nyang sagot. Kilala? eh bakit hindi mo ako makilala? "Nakilala ko lang kanina nang mabasa ko ang name nya sa rapper hehehehe." sabi nya sabay tawa. hahahahaha nakakatawa.... Kumirot yata dibdib ko dun ah...
"Sige kuya, alis na ako, nagpahinga lang ako ng konti. Kailangan ko nang umuwi eh." sabi nya sabay tayo at kinuha ang mga binili nya. Tumango na lang ako.
"Salamat sa time nang pakikipagkwentuhan. Akala ko pa naman weird ka." Sabi nya at umalis na sya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Ano raw? weird ako? Aba, sya nga tong weird eh. tsssk" Bumalik ako sa pagkakaupo at napansin ko na may isang bracelet sa lupa. Mukhang nahulog nung babae ang bracelet nya na kulay sky blue. Pinulot ko na lang ito at nilagay sa bulsa.
Stella's POV
Okay naman kausap yung lalake kanina kahit medyo weirdo lang. Mukha syang pamilyar pero nevermind na lang. Dumating na ako sa dorm at naabutan kong tulog na si Chunhua pero gising pa si So Eun. Nanonood sya ng tv. Mag teten na nang gabi ah... wow ganoon ba ako katagal naglakad?
"Oh Stella, nandyan ka na pala. Halika manood muna tayo ng Music Bank." Yaya sa kin ni So Eun.
Tumabi ako kay So Eun. "Ano yan?" Ako na.. ako na ang walang alam sa mundo... hehehe....
"Music Bank... Music program ng KBS ... Pinapalabas nila yung mga comeback ng mga kpop idols. Saka pinapakita nila kung sino ang nanalo sa K-chart." explain ni So Eun.
"Ah okay." tanging nasabi ko.
"Alam mo dapat malaman mo na ang mga ganito. Paano na lang kung nadebut na tayo. Dapat Stella magstart ka nang gumawa ng account sa twitter at instagram tapos manood ka minsan ng mga palabas at talk show." Advice sa kin ni So Eun.
Sa bagay mukhang kakailanganin ko nga yatang maging updated at maging active sa social world.
Maya maya lang, biglang napasigaw si So Eun. "Ah!!!! Exo Stella oh!!!" sabi nya?
Exo?.... na naman??? Gusto ba ng mga tao ngayong araw na ito na ang topic ay EXO? Bakit kahit saan ako pumunta may Exo na word akong naririnig?
"Oh bakit?" tanging sabi ko.
"Haiiissstttt alam mo Stella, kapag may nakarinig sa yo na fan ng exo na ganyan lang ang response mo, magagalit sa yo."
"Hala, bakit? Wala naman akong ginagawang masama?"
"Eh kasi sobrang sikat ng exo tapos ganyan ang ipapakita mong reaksyon?"
"Eh syat hindi ko sila kilala" sabi ko.
"Ewan ko sayo. Oh heto panoorin mo ang Exo na magperform dyan sa Music Bank" Iniharap ni So Eun ang ulo ko sa Tv para mapanood ang Exo na sumayaw.
"Love Shot?" bulong ko. Bagong kanta nila?
Tinutukan ko ang performance nila at nang matapos na... napanganga ako.... Wow! ang sexy ni Kai!
END OF CHAPTER TWO

BINABASA MO ANG
I am in love with an idol!
AcakThis is a story of a girl who dreamed to be loved by many and to be known on Kpop industry. She is not a fangirl of any kpop group. She just only wants to feel important and loved because since she was born, she never met her parents or any part of...