Chapter 26

33 8 13
                                    

Mia's POV

Nabigla ako sa salitang lumabas sa bibig ko.... Shhhiiittt bakit ko ba nasabi yun?

Lahat sila nakatingin sa kin.....

"Ha? Ah eh.... Sorry Chen oppa... Exo-L po talaga ako.. Normal lang naman po diba na sabihan ko kayo ng Saranghae???" Bahala na... Yun na ang sinabi ko.

"Eeehheeemmm.. O-okay lang naman kaso, Hindi lang ako Sanay na isang Exo-L na co-artist din namin ang nagsasabi ng ganoon sa min.... Tama na lang siguro yung isang beses mo sinabi sa kin. Wag mo na lang ulitin.. Baka may ibang makarinig, iba pa ang isipin." Sabi na lang ni Chen oppa Sabay smile (kitten smile nya).

Omg!!!!!! Hindi ko maiwasan na tumitig sa kanya!!!!!!

"Exo-L ka pala, Mia. Pumupunta ka ba sa concerts namin?" Tanong ni Xiumin oppa.

"O-oo... Uhmmm lagi..." Nahihiya Kong sabi... Ang hirap pala... Ang hirap pala kapag personal mo nang nakakausap ang mga idol mo... Kinakabahan na nahihiya na naeexcite ka.... Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko..

"Si Jongdae ang favorite nya sa tin. Ayieeehhhh ayan ang dream boy mo oh... Katabi mo....." Nagsisimula nang maging Malang asar si Baekhyun.

Umunok na lang ako dahil alam ko sa sarili ko na namumula na ako na parang kamatis....

...............

Stella's POV

Masaya ang bonding namin with exo at Jimin. Feeling ko, close na kaming lahat eh. Umabot pa nga na nagkainuman na at sa tingin ko ay lasing na yung iba.... Tulog na nga si Kai, Sehun, Suho, Baekhyun, Na Eun at Mia....

Alam nyo ba na nakasandal si Mia sa balikat ni Chen at tulog... Pinicturan ko nga Buti Hindi napansin ni Chen.

May tama na rin kami ni Chunhua at Xiumin. Matitibay sa alak tong sila Chanyeol, Chen, D.O. at Jimin.

"Yahhh, lasing ka na Stella. Tama na ang inom." Saway ni Chanyeol sa kin.

"Hindi pa ako lasing (hik)" sagot ko.

"Chanyeol-ssi, buhatin na natin tong mga to sa van. Ang sasarap na ng tulog oh." Sabi ni Xiumin.

Nagtulong silang mga lalake na buhatin yung mga kamiyembro nila sa van.

"Salamat Jimin-ssi sa tulong." Sabi ni Chanyeol Kay Jimin.

"Okay lang yun. Ako na lang maghahatid sa High5." Presenta ni Jimin.

Dahil sa kalasingan kung ano ano na ang NAsasabi ko at Hindi ko na nakokontrol ang sarili ko.

"Hindi! (Hik) Kay Chanyeol ako sasama! (Hik)" sabi ko pa. Napatingin naman sa kin yung dalawa. Nakita ko din na lumapit Kay Chanyeol si D.O.

........................

Chanyeol's POV

"Hindi! (Hik) Kay Chanyeol ako sasama! (Hik)" biglang sabi ni Stella. Aissshh lasing na to.. Bakit sa kin naman nya gustong sumama?

Lumapit sa kin si D.O.

"Chanyeol, ikaw na lang bahala Kay Stella. Kanina ko pa naririnig na binubulong nya pangalan mo. Mukhang baliw sa yo yan katulad nung Mia na baliw din Kay Jongdae." Bulong ni D.O.

Siniko ko naman si D.O. "ano ka ba, kung ano ano sinasabi mo." Sabi ko.

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Sagot nya at pumunta na sila ni Xiumin sa van. Si Chen ay inaayos pa ang pagkahiga nung fan nya na si Mia.

"Mukhang sa yo gusto sumama ni Stella bro." Sabi ni Jimin. "Sabagay tatlo lang masasakay ko sa kotse ko."

"Ako na lang at si Nae Eun at Chunhua ang sasakay sa kotse mo Jimin-ssi. Si Stella at Mia ay Kay Chanyeol." Sabi ni So Eun. Si So Eun lang ang naiwang NASA katinuan pa sa High5.

"Chanyeol-ssi, dito ka muna (hik.)" Sabi ni Stella sabay lapit sa kin at tapos sa braso ko. "Alam mo (hik), ang pogi mo pala sa malapitan (hik)."

"Ha? Matagal na akong pogi." Sagot ko. "Tara na nga ihahatid ko na kayo ni Mia. Jimin ikaw na lang bahala sa iba."

Binigay sa kin ni So Eun ang address ng dorm nila. Nauna na pati kami sa kanila...

Habang nasa kotse kami, Hindi ako komportable dahil nakatitig lang sa kin si Stella.

NAsa likod si Mia nakahiga habang si Stella naman ay NASA tabi ko sa unahan.

"Yahh, Stella baka naman ako matunaw sa kakatitig mo." Sabi ko.

"Hayaan mo na lang ako, oppa. (Hik)" sagot nya.

"O-oppa?" Tanong ko. Hindi ako Sanay na tinatawag nya akong oppa.

"Oppa, gusto mo ba ako? (Hik)" wala na talaga sa sarili nya itong si Stella. Ano ba naman yung mga tinatanong nya? Totoo kaya yung sinabi ni D.O. na may gusto sa kin to?

"Ano ba yang tanong mo." Sabi ko na lang.

"Seryoso, gusto mo ba ako.?" Ulit nya.

Hininto ko ang kotse at humarap ako sa kanya. "Lasing ka na Stella. Mas mabuti pang itulog mo na yan."

"Chanyeol-ssi, gusto kita." Diretsong sabi nya habang titig na titig sa kin.....

Nanigas ang buo Kong katawan sa sinabi nya at sa titig nya... Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman sa dibdib ko....

Unti unti syang pumikit at lumalapit ang mukha nya sa kin. Nanatili ako sa pwesto ko at Hindi ko namalayan na dumampi na pala ang labi ni Stella sa labi ko....

May kung anong kuryente akong naramdaman at Hindi ko alam na pumikit na ako st sinagot ang balik ni Stella.......

....................

So Eun's POV

"Sorry sa abala ha. Bakit kasi sinobrahan ng mga to ng inom." Sabi ko Kay Jimin nang matapos na namin ilagay sa kotse si Na Eun. Si Chunhua ay nakapaglakad pa papasok ng kotse pero nakatulog naman agad..

"Okay lang yun." Sagot ni Jimin. Napapansin ko na kanina pa sya silip nang silip sa parking lot.

"Hinahanap mo ba yung kotse ni Chanyeol? Nauna na sila." Sabi ko.

"Ah ganoon ba.. Sige Tara na rin." Umalis na kami at habang nagdadrive parang nag aalala si Jimin.

"Buti mataas ang tolerance mo sa alak." Sabi ko para mabasag ang katahimikan.

"Ah madali lang rin g malasing. Hindi lang ako masyadong uminom." Sagot nya. "Mukhang lasing na rin Stella kanina, kung ano ano na ang sinasabi at ginagawa."

Tinutukoy nya siguro yung kanina with Chanyeol... Naku, di ba sabi nga lumalabas ang katotohanan pag lasing.... Eh gusto ni Stella si Chanyeol eh...

Nagulat ako nang bigla na lang huminto Si Jimin sa pagdadrive.

"Anong problema?" Sabi ko. Tumingin ako sa tinitingnan nya. Kotse yun ni Chanyeol at naaninag namin na naghahalikan yung dalawa....

OMG!!!!!!!!!!!! Stella!!!!!!!!!!! I'm not expecting this!!!!!!!!!!?!!!! Akala ko, magpapahatid ka lang!!!!!!!?!

Napatingin ulit ako Kay Jimin. Napansin ko na humihigpit ang hawak nya sa manobela at medyo nanginginig ang kamay nya.

No way!!!!!! Nagseselos ba sya???? May gusto ba sya Kay Stella?????

Parang kumirot ang dibdib ko. Bakit ganito??

END OF CHAPTER TWENTY-SIX


I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon