***
"Jaxon are you sure it's okay with your wife?"Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang boses na iyon. Babae.
"Kahit hindi ayos sa kanya ay isasama pa rin naman kita rito."
Jaxon..
Marahan akong bumaba ng hagdan at sinalubong silang dalawa kahit pa isang sampal sa akin ang eksenang iyon. Ang asawa ko at isang hindi pamilyar na babae ay magkasama sa loob ng bahay namin.
"Nandito ka na pala," sambit ko. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay nilagpasan habang huminto sa harap ko ang babaeng kasama niya.
"Oh, so you're the wife? " Maarteng tanong ng babae at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng kanyang pagkakatingin sa akin.
"I-I'm Lhaurizeth. Jaxon's-" Hindi ko pa man natatapos ang ginawa kong pagpapakilala nang hilahin ni Jaxon ang babae.
"Let's go Bettina." Malamig na wika ni Jaxon at hawak ang kamay na isinama niya sa ikalawang palapag ng bahay namin ang babae . Sinundan ko na lamang sila ng tingin habang pinipigilan ko ang sarili na hindi maiyak.
I sighed.
'Hanggang kailan ba kami magiging ganito?'
Nanghihinang napaupo ako at pinigilang pumatak ang mga luha sa mata ko. Kailangan kong maging malakas sa mga sitwasyong gaya nito, ngunit hindi pala ako ganoon kalakas.
Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone ko. Saglit kong hinamig ang sarili bago sagutin ang tawag.
Si Arianne, ang college friend ko na parang kapatid kung ituring ako.
"H-hello."
"Hi Lhaurize! Are you free today?"
"Y-yes. Why?"
"I-invite sana kita sa bahay. Birthday kasi ni Hawk."
'Thank you Arianne,' anang isip ko.
Gusto kong makaalis pansamantala sa bahay namin ni Jaxon. Ayokong marinig ang kung ano mang bagay na ginagawa nila ng babae niya.
"Sure. I'll be there in 45 minutes Arianne," sagot ko at tinapos na ang tawag.
Muli akong bumalik sa itaas at nagtungo sa kwarto naming mag-asawa. Kwarto namin noon na ako na lang ang gumagamit ngayon simula ng magkaroon ng mga babaeng inuuwi si Jaxon sa bahay namin.
Saglit lang akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili bago muling bumaba. Dinig ko ang matinis na boses ng babae ni Jaxon mula sa katabing kwarto.
Saktong 45 minutes nang makarating ako sa bahay nila Arianne. Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa asawa ko dahil alam kong abala siya sa babaeng kasama niya. Nag-iwan na lamang ako ng note sa pinto ng kwarto.
"Glad you came Lhaurize!" Masayang bati sa akin ni Arianne at niyakap ako. Bumeso ako rito bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay nila.
"Wala naman din kasi akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta na lang dito," pilit ang ngiting tugon ko.
Mayamaya pa ay nakita ko na ang kapatid ni Arianne na si Hawk at may kasama itong hindi pamilyar na lalaki. Ngumiti ang lalaki nang makalapit silang dalawa sa amin.
"Ate Lhaurize!"
Masayang bati sa akin ni Hawk at yumakap nang makalapit sa akin.
"I thought you were busy with Kuya Jaxon kaya hindi na ako nag-abalang i-invite kayo. By the way, where is Kuya Jax?"
BINABASA MO ANG
𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐒𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐄𝐒 [Completed]
RomanceSa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa nito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asaw...