***
"How's their food? Mukhang mauubos mo na yata ang inorder mo." Tumigil ako sa akmang pagsubo nang marinig ang sinabi ni Sebastian. Nilingon ko siya pagkatapos ay nahihiyang nginitian.
Paalis na sana siya kanina nang mabangga ko kaya lang ay hindi inaasahang nagkita sila ni Rusty. Sa huli ay niyaya na lamang siya nila Arianne na sumama sa amin. Akala ko nga noong una ay tatanggihan niya ang imbitasyon ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag siya.
"Masarap yung pagkain nila," sagot ko pagkatapos ay itinuloy na iyon. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay inabot ang isang plato ng crab dish. Kumuha ako ng kaunti at inilagay sa plato ko saka inilapag sa lamesa ang bowl pagkatapos ay inabot naman niya sa akin ang hot sauce.
"Thank you," pasasalamat ko at tumango naman siya.
"Taste good," sagot ni Arianne na katabi ni Rusty sa upuan.
"Good to know."
"You love seafood dishes?" tanong pa sa akin ni Sebastian. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Rusty.
"Yes. She loves seafood. Kaya karamihan sa mga in-order ko ay mga paborito ni Lhaurize."
Nagkatinginan kami ni Arianne bago nalipat ang atensiyon namin kay Rusty. Malapad ang pagkakangiti niya habang nakatingin kay Sebastian. He has this grin on his face while looking at Sebastian. Ipinagtaka ko naman ang sinabing iyon ni Rusty. Bukod sa hindi ako ganoon kahilig sa seafoods ay hindi ko rin naman paborito ko ang nasa lamesa namin ngayon.
"I see." Iyon na lang ang tanging nasabi ni Sebastian bago lumingon sa akin at tipid na ngumiti.
"Eat well," dagdag pa niya bago nagpunas ng bibig.
"Anyway, thanks for the food but I need to go. May importante pa akong aasikasuhin."
Tumayo na si Sebastian at hindi sinasadyang napatingin ako kay Rusty. Hindi ko malaman kung natutuwa ba siya na aalis ito o ano. Nakita ko rin ang pasimpleng pag-ngisi niya. Inaamin kong may kakaibang kilabot akong naramdaman sa mga inaasal ngayon ni Rusty o baka pakiramdam ko lang.
"Aalis ka na agad? Marami pang pagkain, ‘bro."
"Thanks but I really need to go-"
"Can you take me home Sebastian?"
Alam kong kahit ako ay nagulat sa biglaan kong pagtayo at pag-insist na magpahatid kay Sebastian pauwi. Napatingin sa akin si Arianne at Hawk samantalang kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak ni Rusty sa gamit niyang tinidor.
"Sigurado ka Lhaurize?" tanong sa akin ni Rusty. Napalunok ako bago marahang tumango.
"Ayos lang ba sa inyong mauna na ako? Medyo nahihilo na kasi ako," pagsisinungaling ko. May pag-alala sa mukha ni Arianne nang tumayo siya at akmang aalalayan ako.
"Hindi ba nakakahiya sa'yo?" may alinlangang tanong ni Hawk kay Sebastian. Akala ko ay tatanggi ito ngunit naramdaman ko ang maingat na paghawak ni Sebastian sa may bandang siko ko.
"It's alright. Ako na ang maghahatid sa kanya."
"Thank you Sebastian."
"Just call me Seb. Masyadong mahaba kapag Sebastian," pagbibiro pa niya.
Nagtawanan kami bago dumako ang paningin ko kay Rusty. This time ay hindi na kilabot ang naramdaman ko kundi kaba. Kaba dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Hindi siya napapansin nila Arianne dahil na kay Sebastian ang atensiyon nila.
"Pwede na ba tayong umalis?" tanong ko. Napatingin sa akin si Sebastian ng may pagtataka sa mukha. Sa huli ay nagpaalam na siya kina Arianne ganoon din ako. Kabado man ngunit pilit kong pinasigla ang boses ko habang nagpapaalam kay Rusty. Tinanguhan lamang niya si Sebastian habang kakaibang ngiti ang ibinalik sa akin ni Rusty.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐒𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐄𝐒 [Completed]
RomanceSa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa nito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asaw...