Chapter 8

3.1K 106 0
                                    

***

Kinabukasan habang maaga akong nag-aagahan ay isang hindi inaasahang tao ang bumalik sa bahay. Si Jaxon. Akala ko ay dalawang buwan siyang mawawala?

Nasa dining area ako nang makarinig ng pagbukas ng gate sa bandang garahe namin. Sa pag-aalalang bumalik si Rusty ay mabilis kong kinuha ang isang Benchmade 860 Bedlam knife na iniwan sa akin ni Sebastian noong nagdaang gabi. Noong una ay ayoko pang tanggapin iyon ngunit sadyang makulit si Sebastian kung kaya't napilit niya akong itago ang pocket knife na iyon. 

Dahan-dahan akong lumabas sa dining area at halos maibagsak ko ang hawak na kutsilyo nang makita ang asawa ko. As usual, magkasalubong ang mga kilay nito at parang laging iritable kapag nakikita ako. Pero hindi nakabawas ang magkasalubong niyang kilay sa kaguwapuhan niya. 

Mabilis kong tinago sa likuran ang hawak kong pocket knife pagkatapos ay sinundan siya nang pumanhik siya paakyat sa itaas ng bahay. 

"Napabilis yata ang uwi mo?" usisa ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tuloy-tuloy lang sa pag-akyat. 

"Kararating mo lang, gusto mo bang mag-almusal muna?" 

Then another silence. 

Basta ko na lang tinapon sa kung saan ang hawak ko saka mabilis na niyakap ang asawa ko mula sa likuran. Pumikit ako at dinama ang eksenang iyon. Iyong malapit siya sa akin. Ang yakap siya kahit pa alam kong hindi siya sang-ayon sa ginawa ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil kay Jaxon. Sabagay, kahit pa matagal na kaming ikinasal ay hindi pa rin nawawala ang 'butterflies in my stomach' sa tuwing malapit sa akin si Jaxon. 

"Let me go Lhaurize." 

Mula sa kilig na naramdaman ko ay napalitan iyon ng kakaibang guhit ng sakit matapos marinig ang sinabi ni Jaxon sa akin. 

Kaya kahit labag sa kalooban ay napilitan akong alisin ang mga braso kong nakayakap sa kanya pagkatapos ay humakbang paatras nang humarap siya sa akin. 

"Bakit may hawak kang kutsilyo? Plano mo bang patayin ako?" 

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam na napansin pala niya ang pocket knife na hawak ko kanina. 

Sira ka talaga Lhaurize!

"Akala ko kasi may masamang tao na nakapasok sa bahay," paliwanag ko.

"Sa ganito kaagang oras Lhaurize? Pinagloloko mo ba ako?" 

"Ha? No. I mean, nagsasabi ako ng totoo. Akala ko talaga may nakapasok na kung sino lang."

Dinamba ng kaba ang puso ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang nangyaring panloloob ni Rusty sa bahay at ang kung ano mang balak niyang gawin sa akin. At ang tungkol sa pagbubuntis ko. 

"Saan mo nakuha ang kutsilyong iyon?" 

Kay Sebastian. 

Gusto ko sanang isagot ngunit alam kong magtatanong siya kung sino si Sebastian. Tanging si Arianne at Hawk lang ang kilala niyang kaibigan ko. 

"Binili ko kahapon sa mall. Nag-grocery kasi ako tapos-"

"Enough."

"Ha?"

"Manahimik ka na. Ayokong marinig ang boses mo." 

Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon kaya tumahimik na lamang ako. Pumasok siya sa loob ng guestroom kung saan siya natutulog kapag nasa bahay saka malakas na binagsak ang pinto. Napabuga na lamang ako ng hangin upang pigilan ang nag-aambang luha na anumang oras ay tutulo na. 

𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐒𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐄𝐒 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon