***
Mabilis na lumipas ang mga buwan. Anumang oras ay maari na akong manganak. Siyam na buwan na ang kambal sa sinapunan ko at excited na ako sa paglabas nila. Kinakabahan ako at iyon ang totoo. Kaba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makita sila. Excited naman dahil gusto ko na silang makita at mayakap.
Kasalukuyang abala sina Arianne para sa nalalapit na paglabas ng kambal. Halos wala na akong gawin dahil kinuha na nila sa akin ang preparation. Noong isang araw pa sila aligaga sa paghahanda sa apartment ko. Plano pa nga ni Sebastian noong una na pansamantala muna akong mag-stay sa dati niyang bahay na caretaker na lang daw ang nakatira roon ngunit tumanggi ako. Bukod sa nakakahiya na sa kanya ay plano ko na rin namang bumili ng sarili naming bahay na mag-iina.
"How are you feeling?" Tumingin ako kay Sebastian na umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit akong kumapit sa kamay niya at naramdaman ko na marahan niya itong pinisil.
"I'm scared and excited," kabadong sagot ko sa kanya.
"I think that's normal for a first time mom like you."
"I'm excited to see them, Seb." Hindi ko napigilan ang tuwa sa boses ko.
"I know. I know."
Niyakap niya ako ganoon din ang ginawa ko. Naging panatag din ang loob ko kahit paano dahil wala man si Jaxon sa tabi ko ay nandito naman ang mga taong handang tumulong at mangalaga sa akin sa ganitong klase ng sitwasyon. Masasabi kong mapalad ako na may mga katulad nila Sebastian sa buhay ko.
"Lunch is ready!" Mula sa may kaliitan kong kusina ay lumabas doon si Arianne kasunod ang kapatid na si Hawk. Pareho pang nakasuot ng apron na may design na strawberry cake ang dalawa.
"Hindi pa ba kayo nagugutom na dalawa?" tanong sa amin ni Arianne. Sabay kaming natawa ni Sebastian pagkatapos ay tumayo na. Pumasok kaming apat sa kusina at nakita kong nakahain na ang pagkain. I mouthed 'thank you' kay Arianne at nginitian lamang niya ako.
"Ayos ba ang mga hinanda namin ni Hawk? Alam kong paborito mo ang ilan sa mga ito, Lhaurize."
Sinundan ko ng tingin ang mga pagkaing tinuro ni Arianne saka lumingon sa kanya.
"Salamat ulit," wika ko at this time ay yumakap na siya sa akin.
"Oh, baka magkaiyakan pa kayo niyan. Let's eat na." Pareho kaming natawa sa sinabi ni Hawk. Nilingon ko si Sebastian na hindi ko namalayang nakatingin pala sa akin. Nginitian ko naman siya bago naupo.
"Alam mo ba nung isang araw, nag-away pa kami ni Hawk kung ano ang ihahanda namin para sa lunch ngayon. As in, grabe yung sigaw namin sa bahay. Nakakahiya!"
"Masyado ka kasing excited ate. Sukat ba namang ubusin yung dalang pera para lang sa mga pagkain na alam naman nating hindi makakain ni ate Lhaurize."
Malakas kaming nagtawanan habang nagkukwento ang magkapatid sa naging away nila noong isang araw. Sila kasi ang nag-insist na magluluto. Sa kanila rin ang gastos. Gusto ko sanang bayaran ngunit pareho nila akong tinanggihan.
"She keeps calling me kahit nasa trabaho pa ako. Balak ko na sanang i-block ang number niya dahil minu-minutong nagtetext at message sa akin. Muntik pa akong pagalitan ng boss ko kung hindi ko sinabi na emergency."
"Emergency naman talaga ah. Panay ka pabili ng mga rare na spices. Pambihira, hindi ko alam kung saan maghahanap ng mga nasa listahan. Kulang na lang sabihin mong mangibang-bansa ako para mabili yung mga spices."
"OA ka lang talaga ate."
"Look who's talking."
Napailing na lamang kami ni Sebastian sa nakakatuwang pagtatalo ng magkapatid. Nasanay na kami sa dalawa na madalas mag-bangayan. Hindi naman dumarating sa punto na hindi sila nagpapansinan dahil pagkatapos naman ng 'away' nila ay sila pa ang nag-uusap kaysa sa amin.
Mayamaya pa habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay sumakit nang sobra ang tiyan ko. Naramdaman ko ang tila likido na umaagos sa may bandang hita ko.
"M-manganganak na yata ako." Pilit ko mang pigilan ang sarili ko na indahin ang sakit ngunit hindi ko na kinaya. Napasigaw ako sa sakit kaya tarantang lumapit sa akin sina Arianne at Sebastian na hindi pa tapos ang pagkain.
"Oh my God. Lhaurize, you're bleeding!" Tarantang wika ni Arianne habang hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kumuha ito ng malinis na tela at binigay kay Sebastian. Tiningnan ko ang reaksyon nito na nagtataka sa bagay na binigay ni Arianne.
"Ipunas mo kay Lhaurize. Gosh. She's bleeding. Takot ako sa dugo!"
"Calm down Arianne. Don't panic. Hindi natin maasikaso si Lhaurize kung ganiyan ka." Kahit iniinda ko ang sakit ay nagawa ko pa ring matawa habang sinesermunan siya ni Sebastian.
"Para akong hihimatayin. Lhaurize, you're still bleeding. What should I do? What should I do?"
"Arianne kumalma ka," utos ko rito. Uminom pa siya ng tubig habang pinapaypayan ang sarili.
"Hawk, pakihanda ang sasakyan. We'll bring Lhaurize to the hospital," pag-uutos ni Sebastian kay Hawk na agad ding sumunod. Binuhat ako ni Sebastian na hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas niyang iyon para lang madala ako sa sasakyan.
"Ang s-sakit.."
Hindi ko na napigilan pa ang maluha habang buhat ako ni Sebastian at marahang pinaupo sa shotgun seat.
"Hey, calm down. Makikita mo na sila. Ang mga anak mo."
"Seb.. I'm scared."
"Don't be. J-just hold my hand. You'll be fine. Okay?"
Marahan akong tumango bago mahigpit na humawak sa kamay niya. Parang gusto kong himatayin sa sobrang sakit.
"W-wala naman sigurong masamang mangyayari kay Lhaurize at sa baby niya, hindi ba?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Arianne na katabi ni Hawk na siyang nagmamaneho.
"Kumalma ka nga ate. Magiging okay din sila. I mean, ate Lhaurize and her babies will be fine. Daig mo pa ang nanay nila."
"Natatakot ako eh!"
"Arianne, I'm still okay. Normal lang ito," paniniguro ko at mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil tumahimik ito.
"Malapit na tayo sa hospital."
Natanaw ko na nga ang isang mataas na gusali na may hugis bituin sa tuktok nito. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa harap ng ospital ay nabasa ko ang pangalan niyon.
'Asteria Regional and Medical Center'
Naunang bumaba si Hawk at pumasok sa loob. Sumunod kami ni Sebastian habang buhat niya ako. Mayamaya pa ay may nakasunod na kay Hawk na isang doktor at mga nurse na may dalang stretcher. Pinahiga nila ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil halos mag-black out ako ngunit malinaw ko pang nabasa ang pangalan ng nurse na nasa may kaliwa ko.
'Nurse Atahliah Ramirez.'
"Don't sleep okay? Don't," bulong ni Sebastian sa akin. Kahit parang hinihila ako ng antok ay nagawa ko pa ring sumagot sa kanya at tumango.
"I-I won't."
Makikita ko na ang mga anak ko. Ang anak namin ni Jaxon.
BINABASA MO ANG
𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐒𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐄𝐒 [Completed]
RomantizmSa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa nito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asaw...