Chapter 10

3.2K 93 2
                                    

***

"Ito ang bagay diyan Lhaurize."

"Feeling ko mas maganda ang isang ito, Arianne."

"Ang maganda pa ay pareho na lang natin na bilhin ito. Tutal alam mo na ang gender ng twins kaya mas mabuting dalawa na ang bilhin mo." 

"Sige na nga."

Natatawang nilagay namin sa cart ang terno ng blue at pink na baby dress. Kanina pa kami nagtatalong magkaibigan sa mga pinagpipilian naming damit ng kambal. Sa huli ay binibili ko rin ang mga pareho naming napili.

Limang buwan na ang kambal namin ni Jaxon sa sinapupunan ko. Limang buwan na rin ang lumipas pagkatapos niya akong iwanang buntis. Hindi na niya nalaman pa ang tungkol sa anak namin dahil nga sa natanggap kong divorce paper na galing sa kanya at nakikipaghiwalay na. Ang mas masakit pa doon ay nabuntis niya ang babaeng kasama niya sa Hongkong. Nalaman ko rin iyon nang makita ang larawan ng ultrasound ng babae na isinend sa email ko kaya kahit ayokong tanggapin ay ako na ang kusang sumang-ayon sa desisyon ni Jaxon ngunit hindi ko pa ipinapadala ang divorce paper sa kanya. Maghintay siya kung gusto niya. O kung hindi man ay bumalik siya ng Pilipinas at kunin iyon sa akin. Wala akong balak ipadala iyon sa kanya. Ayoko.

Sa ngayon ay tumutuloy ako sa isang apartment malapit sa trabaho ko bilang isang editor sa isang publishing company. Umalis ako sa dating bahay namin ni Jaxon para kahit paano ay hindi ko maalala ang mga nangyari sa nakalipas na mga buwan. Naalala ko pa na umiyak si Arianne nang malamang nakikipaghiwalay sa akin si Jaxon. Si Hawk ay umalis ng Pilipinas at nagtungo sa Hongkong para magtrabaho at hanapin si Jaxon na pinigilan namin ngunit hindi nagpapigil. Hindi rin ako nakarinig nang kahit anong komento kay Sebastian na mas naunang nalaman ang tungkol doon. Iyon nga lang ay mas galit pa sila kaysa sa akin na asawang hiniwalayan at pinagpalit sa iba.

"Huy, Lhaurize may tinatanong ako sa iyo."

"Ha? Sorry ano ulit yon?"

"Nag-text si Sebastian. Tinatanong kung ayos lang daw ba na sunduin niya tayo ngayon? Nasabi ko kasi kung nasaan tayo. Malapit lang naman daw yung site nila sa mall."

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba plano mo naman talagang magpasundo dahil naha-haggard ka 'kamo sa pag-commute?" tanong ko sa kanya habang nakapila kami sa may counter. Inirapan naman niya ako sabay peace sign. 

"Kasi naman. Ako ba ang nililigawan nung tao? Bakit kasi hindi na lang ikaw ang i-text." 

"Sige na magpasundo na tayo. Marami rin tayong pinamili ngayon," sagot ko at napangiti naman siya. Kunwari pang ayaw. Gustong-gusto rin naman niyang hinahatid-sundo kami ni Sebastian tuwing nagpupunta kami sa mall para mamili. At oo, nanliligaw sa akin si Sebastian. 

Umamin siya sa akin dalawang buwan pagkatapos kong matanggap ang divorce paper. Ayon sa kanya ay na-love at first sight siya. Sinabi pa niyang nanlumo siya nang makita ang wedding ring na suot ko. Pero wala naman daw siyang balak na sirain ang relasyon namin ni Jaxon kaya kahit ang maging kaibigan ako ay tinanggap niya. 

Kung tatanungin ninyo ako kung pumayag ba akong ligawan niya? Ang sagot ko ay hindi. Bukod sa kasal pa ako, ay si Jaxon pa rin ang mahal ko kahit na nakipaghiwalay na ito sa akin. Wala akong ibang gusto kundi ang asawa ko lang. Bukal naman sa pusong tinanggap iyon ni Sebastian kahit pa alam kong nasaktan ko siya. Akala ko noong una ay lalayo na siya sa akin pero nagkamali ako. Hindi umiwas si Sebastian. Nanatili pa rin siya sa tabi ko hanggang ngayon.

Saktong natapos kami sa pagbabayad nang dumating si Sebastian. Humalik ito sa pisngi ko ganoon din kay Arianne na pasimple akong mahinang siniko. Tatawa-tawa na lang akong nginisihan ang kaibigan ko.

"Hey. How are you?" tanong niya pa sabay kuha sa malaking plastic bag na dala ko.

"I'm good." 

"And the babies?"

"They are both good also. Don't worry." 

"Ang daddy Seb nag-aalala," biro ni Arianne kay Sebastian kaya pinanlakihan ko ito ng mata. Madalas na niyang biruin si Sebastian ng ganoon matapos nitong malaman na nanliligaw sa akin ang huli. Akala ko nga ay magiging awkward kami sa isa't isa pero hindi iyon hinayaang mangyari ni Sebastian. Mas lalo pa kaming naging close na dalawa kahit pa hindi ko tinanggap ang panliligaw niya.

"What? Totoo namang nagwo-worry si daddy Seb." Defensive niyang sagot. Pareho naman kaming natawa ni Sebastian dahil doon. 

"Talaga ba?" pang-aasar ko sabay lingon kay Sebastian. 

"Oo na. Worried talaga ako sa iyo pati sa mga bata. Grabe. Kinakabahan talaga ako kapag hindi kita nakikita," sagot ni Sebastian sa akin na pareho naming tinawanan si Arianne. 

Inamin din sa akin ni Sebastian na natakot siya noong malaman niya na nakapasok si Rusty sa loob ng bahay at muntikan pang may gawing masama sa akin. Simula noon ay halos ayaw na raw niyang mawala ako sa paningin niya lalo pa at palaging wala si Jaxon para protektahan ako.

"Nako. Tara na nga," pag-aya ko sa kanilang dalawa. 

Nagpatiuna na akong lumabas ng store at sumakay sa nakaparadang sasakyan ni Sebastian.

"Pakipot talaga ano?" rinig kong pang-aasar ni Arianne nang makalapit silang pareho sa sasakyan. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Sebastian. 

"Okay lang. She's worth it."

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa sinabi ni Sebastian. Worth it bang matatawag ang babaeng iniwan at hiniwalayan ng asawa? Worth it ba ang katulad kong ipinagpalit sa iba? 

"Natahimik ka na." 

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansing kanina pa pala kami bumibiyahe pauwi. Nilingon ko si Arianne na abala sa cellphone niya kaya si Sebastian ang kinausap ko. 

"Marami lang akong iniisip."

"Katulad ng?"

"Marami. Hindi ko kayang isa-isahin."

"Si Jaxon ba?" 

Tumango ako. Naiisip ko pa rin sa araw-araw ang asawa ko. Kahit pa sabihing mukhang wala na siyang balak na makita ako ay siya pa rin ang laman ng isip at puso ko. Walang magbabago sa bagay na iyon. Nangako ako sa sarili ko na walang ibang mamahalin kundi si Jaxon Dela Vega lang. 

"Learn to love yourself Lhaurize. Hindi lang puro si Jaxon palagi. Ilang buwan na lang at lalabas na ang mga anak mo. Sila na lang ang isipin at pagtuunan mo ng pansin bukod sa sarili mo." 

"Alam ko naman iyon Seb. Hindi lang talaga siya mawala sa isip ko." 

"I understand." 

Katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa makarating kami sa apartment ko.

𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐒𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐄𝐒 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon