***
"Sinubukan kong sabihin kaso nagmamadali siyang umalis eh. Mukhang hinahabol ang flight niya. Importante kasi."
For the second time, I lied.
"Kahit saglit hindi kayo nakapag-usap?"
Umiling ako.
"Actually, gusto ko ng sabihin kaso nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo," dagdag kong pagsisinungaling.
"Kaya hindi mo na sinubukang sabihin?"
"Hindi na. Ayoko ring ma-stress."
"And then what happened after?"
"H-he left me."
Marahang tumango-tango si Sebastian nang ikwento ko sa kanya ang nangyari bago umalis si Jaxon. Dumating siya mga ilang minuto pagkatapos makaalis ng asawa ko. Balak ko pa sanang habulin si Jaxon para sana makilala nito si Sebastian ngunit hindi na umabot. Wala na ang sasakyan niya paglabas ko ng bahay. Talagang ganoon kagusto ni Jaxon na makalayo sa akin.
"Lhaurize, be honest with me. Maayos ba ang relasyon ninyong mag-asawa?"
Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ni Sebastian. Wala rin naman akong balak aminin kay Sebastian ang totoong estado ng relasyon namin ng asawa ko. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang totoo. Ayokong makialam sila at ayoko ring maawa sila sa akin. Mahal ko si Jaxon at sapat na iyon para manatili ako bilang asawa niya.
"Lhaurize?"
"Ha?"
"Nevermind. Anyway, anong gagawin mo ngayon?"
"Wala naman. Siguro, sisimulan ko ng ayusin ang magiging kwarto ng anak namin."
That was true. Wala naman akong gagawin at ayokong isipin muna si Jaxon. Balak ko nang ayusin ang isa pang guestroom habang wala ang asawa ko. I want to surprise him pagbalik niya.
"I can help, then. Hindi rin naman ako busy ngayon."
"Sigurado ka?" Nahihiyang tanong ko. Masyado na akong nagiging abala sa kanya at ang laki na rin ng utang na loob ko kay Sebastian. Ilang araw pa lang kaming nagkakilala at kung tutuusin ay hindi niya ako responsibilidad.
"Fifty-fifty."
Pareho kaming natawa sa isinagot niya sa akin. Napapailing na lang akong iniligpit ang platitong nasa glass table. Tinulungan naman ako ni Sebastian na magligpit ng ilang gamit at dalhin sa kusina. Siya pa mismo ang naghugas ng mga iyon habang ako naman sa pagliligpit ng mga ginamit sa pagluluto.
"Ilista mo na lang ang kakailanganin sa magiging kwarto ng mga bata. Ako na ang bahala sa mga iyon," prisinta niya. Tumanggi ako ngunit sadyang makulit siya at talagang ipinilit niya na siya ang gagastos para sa mga gamit. Nakakahiya man ay wala na akong nagawa para pigilan siya.
"Magiging ninong din naman nila ako kaya ito na ang paunang regalo ko sa kanila."
"At sinong may sabi?" pabirong tanong ko habang kumukuha ng papel at ballpen sa drawer.
"Ako. Paladesisyon ako Lhaurize," sagot niya pa.
"Ewan ko sa iyo."
Pagkatapos naming maglinis ay naghanda na si Sebastian para umalis. Binigay ko na ang listahan ng mga bibilhing gamit dahil balak ko ngang gawing kwarto ang isa pang guestroom na katabi ng tinutulugan ni Jaxon. Hinatid ko pa siya sa labas ng bahay habang iwinawagayway niya sa harap ko ang listahan. Natatawa ko namang binaba ang kamay niya dahil sa ginawa.
"Sige na. Para hindi ka rin masyadong ma-late. Bilhin mo lahat ah," pagbibiro ko pa.
"I will. Kung para rin lang naman sa mga bata, why not?" sagot naman niya sa akin bago sumakay sa sariling sasakyan.
"Don't be so excited Seb. Hindi pa sila lumalaki."
"I know. Sige na. I have to go. Lock the door pag-alis ko. Mahirap na."
"Thanks. Pasok na ako sa loob."
Matapos kong magpaalam ay pumanhik na rin ako pabalik sa loob ng bahay. At katulad ng paalala ni Sebastian ay inilock ko ng mabuti ang pinto. Ayoko rin namang maulit ang ginawa ni Rusty. Baka ikapahamak ko pa at ng mga anak ko.
Minabuti kong umakyat sa itaas at tinungo ang guestroom na tinutulugan ni Jaxon. Hindi iyon nakasara kaya pumasok ako sa loob. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa kama. Hindi ko napigilang maluha nang isipin kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Bakit ko pa ba tinatanong ang sarili ko? Kasalanan ko ang lahat. Napilitan lang na magpakasal sa akin si Jaxon dahil sa utang na loob ng pamilya niya sa amin.
Humiga ako at hindi ko namalayang nakatulog ako. Nang magising ay ingay ang bumungad sa akin kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Pasado alastres na ng hapon at kung bibilangin ay halos apat na oras akong nakatulog. Siguro ganito talaga ang mga buntis. Palaging inaantok at parang pagod lagi kahit wala namang ginagawa.
"Hey Lhaurize. Nagising ba kita?"
It was Sebastian wearing a white t-shirt full of paint.
"Hindi naman. Kanina ka pa ba?" usisa ko. Sa nakikita ko sa ayos ni Sebastian ay mukhang kanina pa nga siya dumating. Naamoy ko ang pintura na nagmumula sa loob ng guestroom.
"Yes. Hindi na lang kita ginising para magkaroon ka ng mahabang tulog at pahinga. Pasensiya na rin kung pinakialaman ko na ang kwarto. Hindi rin naman maganda para sa kalusugan mo ang amoy ng pintura," paliwanag sa akin ni Sebastian.
Nakita ko na inilapag niya ang hawak na brush at kinuha ang isang paper bag malapit sa pinto saka binigay sa akin. Nasa labas kasi ng kwarto ang wooden table at nakapatong doon ang paper bag.
"Hindi na ako nakapagluto kaya binilhan na lang kita ng pagkain galing sa favorite Filipino restaurant ko."
"Salamat dito Seb," wika ko pagkatapos kunin ang paper bag sa kanya.
"No need to thank me Lhaurize. I am just doing this for you and the kids."
Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya kaya nagtanong ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing. Don't mind me. Kumain ka na baka nagugutom ka na."
Hindi na ako nagsalita. Saglit akong nagpaalam kay Sebastian na aasikasuhin ko ang pagkaing dinala niya para sa akin. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Ilang minuto lang ay natapos ko na rin ang paghahanda ng mga iyon. Hawak sa magkabilang kamay ang plato ay muli akong lumabas sa kusina. Habang paakyat ay hindi sinasadyang napatingin ako sa nakasarang pinto. Napadako ang paningin ko sa isang brown envelope na nasa sahig. Mukhang inilusot ang envelope sa ilalim ng pinto.
Inakyat ko muna saglit ang pagkain habang abala si Sebastian sa kabilang kwarto. Pumasok ako saglit sa kwarto namin ni Jaxon pagkatapos ay muling bumaba ulit para kuhanin sana ang envelope. Ngunit wala na iyon sa sahig dahil hawak na iyon ni Sebastian gayundin ang laman ng envelope.
"Anong nakalagay sa envelope?" tanong ko saka lumapit sa kanya.
Hindi ko alam pero base sa reaksyon ni Sebastian ay hindi maganda ang nilalaman ng envelope. Umiwas siya ng tingin sa akin bago marahang binigay ang papel na hawak niya.
"Alam kong hindi makabubuti sa iyo ang mababasa mo pero hindi naman pwedeng itago ko hindi ba?"
Kinuha ko ang papel at binasa ang nakalagay doon. Daig ko pa ang sinabugan ng nuclear bomb matapos basahin ang nasa papel.
Dumating na ang bagay na kinakatakutan ko. Napapikit ako habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Isang divorce paper ang papel.
Deserved ko ba ang ganitong bagay?
Ganoon ba talaga kalabag sa loob ni Jaxon ang pagpapakasal sa akin?
"Lhaurize.."
I avoided Sebastian's eyes. I don't want him to see me in this situation. I feel hurt and betrayed at the same time.
"I want to be a-alone. Please."
"Baka makasama sa baby mo."
"Sebastian please. Gusto kong mapag-isa."
I am sorry Sebastian. Ayokong makita mo kung gaano ako kamiserable ngayon. Patawad.
"Sa labas lang ako. Tawagin mo ako kung hindi mo na kaya."
BINABASA MO ANG
𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐒𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐄𝐒 [Completed]
RomanceSa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa nito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asaw...