KABANATA 07

45 2 0
                                    

Haim's POV



[KINABUKASAN]



Linggo ngayon kaya puro mga homeworks ginagawa ko. Katulad ng nakagawian andito ko sa kwarto kasama si Yohan na busy sa binabasang libro.

Hindi pa siya nakikita ng pamilya ko. Baka nga kapag pinakilala ko siya sa mga yun isipin nila may relasyon kami, jusko -_-

"Sa ilang weeks nating magkakilala hindi ko pa alam exact na location ng bahay niyo pati hindi ko pa nakikilala parents mo" sabi ko sa kaniya. Sinara niya ang binabasa niyang libro bago sumagot.

"Gusto mo bang makapunta samin para ipakilala kita sa mga magulang ko bilang girlfriend?" nakangisi niyang tanong kaya hinampas ko siya ng nadampot kong libro

"Luh? assuming lang?"

"Sabihin mo lang kung gusto mo, handa naman kitang ipakilala bilang girlfriend ko haha" pinanliitan ko siya ng mata kahit malaki talaga mata ko, pake niyo ba!

"Ayy ang landi ah"

"May nanligaw na ba sayo o nanliligaw?" tanong niya sakin

"Wala" tipid kong sagot

"Bakit wala? maganda ka naman" sabay titig niya sakin yung tipong maglalaway ka, rawr

"Wag ka nga" hampas ko sa balikat niya

"Hindi ako maganda ok, aware naman ako dun kahit papano"

"Lahat ng babae may angking kagandahan magkakaiba nga lang" see? sinong hindi magkakagusto sa katulad niya!? >.<

"Naks halatang babaero ka ah" biro ko sa kaniya

"Totoo ang sinabi ko, maganda ka hindi mo lang alam dahil naiinggit ka sa taglay na gandang meron ang ibang kapwa mo babae" seryoso niyang sabi

"Oo na po, walang nanliligaw sakin hindi ko alam kung bakit at kung meron man hindi rin ako papayag na maloko"

"Maloko?" tanong niya sa huling sinabi ko

"Yohan... Oo, nakikipagbiruin at harutan ako sayo pero takot akong mag tiwala sa mga lalaki lalo na kapag usapang pag-ibig. Alam mo ba simula ng mag hiwalay ang mga magulang ko pakiramdam ko lahat ng tao lolokohin ako kaya wala kong kaibigan bukod sayo. Sa oras na sirain mo ang tiwalang binigay ko... wag ka ng umasang magtitiwala ulit ako sayo" seryoso kong sabi sa kaniya

"Nakakalungkot isipin na dahil sa nangyari sa magulang mo naging ganyan ang pananaw mo, natakot kang mag tiwala"

"Hindi naman lahat lolokohin ka, tandaan mong may iba't-ibang uri ng tao sa mundo. Buksan mo ang puso mo para sa iba, wag kang matakot mag mahal dahil kaakibat ng pagmamahal ang sakit" dagdag niya

"Sana ganyan lang kadali mag tiwala. Sana isang sabi lang kaya ko na mag tiwala kaso hindi... Hindi yun ganon kadali. Isang proseso para sakin ang pagtitiwala na hindi ganon kadali maibigay sa iba. Natatakot kase ako masaktan, natatakot ako maloko, at natatakot ulit akong umiyak dahil sa walang kwentang tao. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang maloko lalo na kung ang nanloko sayo ay yung taong napakaimportante. Hindi mo alam ang pakiramdam, oo kaya kong sabihin ang mga sakit at pighating naranasan ko para malaman niyo ang nararamdaman ko pero hindi niyo alam ang pakiramdam kahit sabihin niyo pang naiintindihan niyo ko hindi ako maniniwala na nararamdaman niyo rin ang nararamdaman ko"

"Pasensya na" nakayuko niyang paumanhin

"Ayos lang, medyo immune na rin naman ako sa sakit" mapakla akong ngumiti sa kaniya

"Alam mo ba sobrang thankful ko na nakilala kita. Siguro kung hindi tayo nagkakilala nung bagong taon baka naisipan ko ng tapusin ang buhay ko"

"Sobrang swerte mo na nagkaroon ka ng gwapong kaibigan na katulad ko" sabay kindat niya sakin

See? alam niya kung pano i-enlighten yung mood. Sana ganito lahat ng lalaki.

"Nag iisa lang ako sa mundo, wala ka ng mahahanap na katulad ko maliban sakin hahaha" ang lakas din ng self confidence nito

"Minsan talaga iniisip kong mind reader ka"

"Sabing hindi ako mind reader" sabay pisil niya sa ilong ko kaya tinapik ko yung kamay niya

"Papatayin mo ba ko!?" sinamaan ko siya ng tingin

"Hindi, baka marape lang ako sa kulungan kung sakaling makulong ako dahil sa pagpatay sayo" napakataba talaga ng utak nito

"Kasing taba ng pagmamahal ko sayo" boom! panes! mga banat nito nakakapagpatigil ng heartbeat ko

"Napakalandi mo talaga"

"Sayo lang lalandi" tinusok niya pa tagiliran ko

"Ano ba! may kiliti ako diyan!"

"HAHAHAHA kinikilig ka lang eh" kinikilig muka mo

"Napaisip tuloy ako kung ilang babae na naloko mo" nag kunwari pa talaga ko na nag iisip kahit wala naman talaga kong isip

"Wala pa naman, ikaw palang kauna-unahang maloloko ko HAHAHAHAHA" ano pa nga bang aasahan ko sa isang katulad ni Yohan na wirdo na abnormal pa -_-

"Pikon ka na niyan? hahaha" pang-aasar niya sakin

"Hindi naman... mapipikon palang" sarcastic kong sagot

"Libre kita ice cream gusto mo" shems! ice cream

"Yiiieee ang bait mo talaga" sabay yakap ko sa braso niya

"Crush mo talaga ko noh?" napahiwalay tuloy ako sa pagkakakapit sa braso

"Lilibre kita basta aminin mo munang crush mo ko" arrrggghhh napakasama talaga nito ginagamit niya ang kahinaan ko huhuhu

"Basta ang mahalaga mabait ka, kaya tara na sa 7/11" hinatak ko yung kamay niya patayo sa kama pero lintik hindi ko siya mahila patayo, ice cream wait for me huhuhu

"Magsasayang ka lang ng lakas mo. Sabihin mo muna ang magic word bago kita ilibre" WAAAAAAHHHHHHH ayoko nga!

"Wag na kasi pakipot sige na" kiniliti ko siya sa bewang, leeg, paa at ibang pang bahagi ng katawan niya pero waepek!

"Yohan wag na pa-choosy makuntento ka na sa sinabi kong mabait ka para sakin"

"A.Y.A.W." nakanguso niya pa yang sinabi

Aww shems! sarap halikan dinidemonyo nitong lalaking 'to ang aking inosenteng pag-iisip >.<

"Wag ka nga ngumuso, di bagay" biro ka sa kaniya na ikinaseryoso niya O_O OHHH EMMM GEEE galit ba siya? Pusang gala naman oh!

"Hoy joke lang" sabay sundot ko sa tagiliran niya. Hindi siya umimik at nakapokerface pa rin.

"Yohan naman eh" kabado kong sabi. So ganito siya mainis? feeling ko tuloy mag jowa kaming may LQ

"Sorry na... Sige na crush na kita" nakita kong sumilay ang ngiti sa mga labi niya nung sabihin ko ang mga katagang yun

"Alam ko naman, gusto ko lang marinig mula sayo yan hahaha" sarap kutusan!

Ang ending nilibre niya ko pero ewan ko kung libre ba yung matatawag kasi binigyan niya lang ako ng pera pagkaabot sakin sa may kwarto ko sinabi niyang uuwi na muna siya sa kanila.







A/N: Hindi ko alam kung makakapag-update ako weekly this month dahil marami akong gagawin, may Play kasi sa school na intersection tapos may miniature pang bahay na gagawin, feeling college lang hahaha. Pero i'll try my best na makapag-update weekly

Don't forget to vote and comment to this story, salamat♡

Help Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon