KABANATA 12

38 2 0
                                    

Third Person's POV


Dahil sa natuklasan nila nag desisyon ang mag-ama na lumiban nalang muna sa trabaho para makapaghanda sa pakikipag-usap kay Haim.

Dumaan muna sila Kate sa room ni Haim bago umuwi sa kanila.

"Pa bakit andito pa kayo?" tanong ni Haim

Hindi alam ng papa niya kung ano ba ang dapat isagot. Tila nagpipigil sa pagbabadya na pagpatak ng luha sa mga mata.

"Dumaan lang kami dito para magpaalam ni Papa. Umuwi ka ng maaga, hihintayin ka namin" sabi ng ate niya na may malungkot na ngiti sa mga labi

"Di ba kayo papasok sa trabaho?"

"Hindi na muna" tipid na sagot ng papa nila

"Mag-aral ka ng mabuti" huling sinabi ng ama nila kay Haim bago umalis sa paaralan


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Kate's POV


"Pa! ano ba! tigilan mo na po yan!" awat ko sa kaniya

Pagkauwi kasi namin sa bahay pinagsusuntok niya yung pader.

"Kasalanan ko 'to! kung totoo man yun o hindi naging pabaya pa rin akong ama!"

"Ginawa mo lang po yung sa tingin mo tama!"

"Sa tingin ko tama! pero ang totoo mali!"

Napaupo nalang ako sa sofa habang pinagmamasdan si papa na sinusuntok ang pader. Pati ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ilang oras ang lumipas biglang dumating si Klent galing trabaho, night shift ngayong week kaya kakauwi niya lang. Ako ang panganay, pangalawa si Klent at bunso si Haim.

"Ate anong nangyari?" naguguluhan niyang tanong pagkapasok sa bahay

Nadatnan niya kasing gulo-gulo na ang ibang gamit tapos naiyak ako sofa habang si papa nakaupo sa kabilang sofa na duguan ang kamay.

"Si Haim kasi..." sana mali ang hinala ng teacher niya

"May nangyari ba sa kaniya?" nag-aalala nitong tanong habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay tila may hinahanap.

Lumapit siya sa pwesto ko at naupo sa tabi ko.

Sinabi ko sa kaniya lahat ng nagpag-usapan namin sa teacher's faculty kanina, maski siya hindi makapaniwala.

"Anong balak nating gawin?" tanong niya

"Ewan ko Klent, hindi ko alam kung paano natin siya kakausapin sa ganitong bagay" pumatak na naman ang mga luha ko

"Totoo man yun o hindi kailangan natin maging malakas para sa kaniya kasi kung pati mismo tayo panghihinaan, saan nalang siya kukuha ng lakas?" tahimik lang na kapatid si Klent, tipong hindi mo aakalain na may maririnig kang mga word of wisdom na ganito sa kaniya

"Susubukan ko" sagot ko

"Wag mong subukan gawin mo, hindi ito ang oras para panghinaan tayo ng loob" napatango nalang ako bilang pagsang-ayon

"Kumain na ba kayo ni papa?" tanong niya

"Hindi pa tsaka wala rin akong gana" pagkasagot ko nun bigla siyang tumayo sa pagkakaupo

"Magluluto ako, kumain kayo" sabi niya bago umalis papuntang kusina

Alam kong pagod si Klent at dapat nagpapahinga siya kasi kakagaling niya lang sa trabaho pero ayun siya ipagluluto niya kami ng kakainin.

Help Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon