KABANATA 13

42 2 0
                                    

Haim's POV



Pag-akyat ko ng kwarto nilock ko ang pinto para masiguradong walang makakapasok. Sinundan nila ko at katok sila ng katok sa pinto. Asa naman silang bubuksan ko yan.

Sabi ni papa mahal niya/nila ko? pero sa simpleng pagbibigay lang ng oras hindi pa nila magawa. Alam mo yung feeling na kulang nalang mamalimos na ko ng oras nila? tapos ngayon ang lakas ng loob nilang sabihing hindi totoo si Yohan!

Sa sobrang inis ko nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.



[KINABUKASAN]



Pagkagising ko si ate at papa lang nadatnan ko sa sala, panigurado nasa trabaho pa yun si kuya.

"Kumain ka muna bago pumasok" sabi ni papa sakin pero nag tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ang gate

Hindi ko pinansin ang paulit-ulit nilang tawag sa pangalan ko. Akala ko ba wala silang pakialam? eh bakit feeling concern sila sakin ngayon? tsk!

Dahil maaga kong pumasok ngayon, hinintay ko si Chiara sa hagdan ng library na dumating. Nasa second floor kasi ang library. Ilang minuto ko siyang hinintay at sa wakas dumating din siya.

"Hiii Ate Haim" masigla niyang bati sakin

"Di ka po ba papasok ng library?" tanong niya

"Hinihintay kita" sagot ko

"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong niya

Hinablot ko ang braso niya at hinawakan ng mahigpit.

"A-Ate na-nasasaktan po a-ako" sabi niya na pilit kumakawala sa pagkakahawak ko

"Alam ko, hindi ako kasing kitid mo mag isip" naiinis kong sabi

"Ano po bang kasalan ko sayo?" naiiyak niyang tanong

"Kung itinikom mo yang bibig mo siguro mas maganda, kaso sa sobrang kati ng bibig mo hindi mo nagawang ilihim ang napag-usapan natin at pinalabas mo pa kong nababaliw!"

"H-Hindi po t-totoo yan!"

"Gusto mong patahimikin kita? tipong ihuhulog kita dito sa hagdan, ganon? wag kang mag-alala hindi ka naman mamamatay agad kasi nasa second floor lang tayo, mababalian ka nga lang ng buto"

Konti lang napunta sa library kaya maswerte akong walang nakakakita sa ginagawa ko.

"Parang a-awa mo na p-po wag po" pagmamakaawa niya

"Pasensya na wala kasi akong awa"

Nung itutulak ko na siya biglang may pumigil sakin. Guess who? yung isa pang sumbungera.

"Jusko hija ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" nangungunsimi niyang sabi habang pinapatahan si Chiara

"Hulaan mo" pang-iinis ko sa kaniya

"Tama nga ang sabi ng adviser mo, nababaliw ka na!" nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya

"Alam niyo bang nangangati ang kamay kong pumatay ng tao ngayon?" lumapit ako sa kanila habang sila nalayo sa bawat paglapit ko

"Hmm... ano kaya kung unahin ko si Chiara, isusunod kita, ihuhuli ko ang adviser ko na makati ang dila. Ano sa tingin niyo, magandang ideya di ba?" ngiting tagumpay kong sabi sa kanila

Kita ko ang takot at pangingilabot sa muka nila.

"Wala naman siguro kayong balak mag sumbong, di ba? kasi sa oras na gawin niyo yun malamig na bangkay na kayong makikita ng pamilya niyo" tumango sila bilang sagot

"Good, itikom niyo yang makati niyong bibig kung mahal niyo pa ang buhay niyo" umalis na ko pagkasabi ko nun saka ko pumunta sa teacher's faculty

Pagpasok ko konti lang ang tao sa loob at medyo malayo sila sa adviser ko, sumasang-ayon sakin ang tadhana.

"Good morning Ma'am" nakangisi kong bati sa kaniya

Dahil busy siya sa kaniyang ginagawa napaangat ang tingin niya sakin na nanlalaki ang mata na tila nakakita ng multo.

"Gusto lang po kitang makausap kaya ko nagpunta dito"

"Sorry but i'm too busy right now" hindi mo mahahalatang natatakot siya habang nagsasalita pero bakas ang takot sa muka niya

"Hmm... Ok mukang mas importante pa yang ginagawa mo kaysa sa buhay mo" sabay kuha ng gunting na nasa table lang niya at pinaglaruan ko

"But I can do this later" pagbabago niya ng isip

"Siguro naman aware ka kung bakit ako nandito, right?"

"Yes" sagot niya

"Pinuntahan ko na si Chiara at yung librarian. Sinabi ko sa kanilang manahimik sila kung ayaw nilang ako mismo magpatahimik sa kanila. Ganon din sana ang gusto kong gawin mo" babala ko sa kaniya

"You're insane! you have a guts to threaten us!" aba! palaban kapag ako napikon sa kaniya morge bagsak niya

"Ayoko sa lahat yung nangingialam sa buhay ko. Do you want me to cut your tongue? just tell me I'll do it" sabay lapit ko sa kaniya habang binubukas sara ang gunting

Halos mawalan siya ng kulay sa ginawa ko.

"Better shut up your mouth or else your family will see you in a cold corps"

Bago ko umalis ibinato ko pa malapit sa kaniya ang gunting na pagmamay-ari niya.

Hindi ako pumasok sa kahit na anong subject. Tumambay lang ako sa library magdamag, yung librarian takot na takot sakin kaya halos hindi na siya huminga.

Nung oras na ng uwian, umuwi na rin ako. Pagbaba ko ng jeep malungkot na muka ni Yohan ang bumungad sakin.

"Nabalitaan ko ang pananakot na ginawa mo sa teacher, isang estudyante at librarian ng school natin. Hindi tama yung ginagawa mo. Pwede kang mapatalsik sa school dahil sa ginawa mo" sermon niya sakin

"Mas hindi naman tama na sabihan nila kong nababaliw at hindi ka totoo! At wala kong pake kung makick-out ako!"

Nilingon ko siya kasi akala ko sumasabay siya sakin sa paglalakad hindi naman pala.

"Badtrip ako ngayon kung may balak ka mag stay dito bahala ka!" inis kong sabi

Hinabol niya ko at pinigilan sa paglalakad.

"Bakit!?" inis kong tanong

"Haim..."

"Tama sila imahinasyon mo lang ako hindi ako totoo..." natahimik ako sa sinabi niya. No! nagbibiro lang siya

"Patawad" naramdaman ko nalang na pinupunasan niya ang luhang pumatak sa pisngi ko ng hindi ko namamalayan.

"Sa sobrang lungkot mo nung new year na buo ako ng isip mo. Hindi ko akalain na pahahalagahan mo ko ng husto. Ito yung matagal ko ng gustong sabihin sayo, kaya alam ko ang nararamdam mo kasi likha ako ng isipan mo, halos iisa lang tayo. Ang pinagkaiba natin tao ka imahinasyon mo lang ako" paliwanag ni Yuhan

Para kong nabingi sa mga sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Nakakalungkot isipin na ang kaisa-isang pinapahalagahan ako, imahinasyon ko lang pala. Pwede bang time first muna? parang di ko na kasi kaya kung may malalaman at maririnig pa ko tungkol kay Yohan.







A/N: 2 chapters to go tapos na! Susubukan kong tapusan 'to this week kung di ako busy. May ginagawa rin kasi akong bagong story ngayon na 10 chapters lang kaya balak ko talaga 'to tapusin ngayong week, sana matapos ko, aja!

Don't forget to vote and comment to this story, salamat♡

Help Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon