KABANATA 05

56 3 0
                                    

Haim's POV



[KINABUKASAN]



Salamat at Sabado na ngayon. Nag chat nga pala sakin si mama kagabi pinapapunta kaming tatlo sa bahay niya nagdadalawang isip pa ko kung pupunta ba o hindi...

Ang ending pumunta ko. Ako lang mag isa pumunta dahil busy sila ate at kuya sa trabaho.

Kumatok ako sa pinto pagkarating ko sa tapat ng bahay ni mama, kanina ko pa chinachat si mama na nasa labas na ko ng bahay niya pero di nagrereply. Nakailang katok pa ko sa pinto at nakailang chat kay mama bago niya binuksan ang pinto. Mali pala akala ko siya pero hindi dahil ang nag bukas ng pinto ay yung kalive in partner niya. Alam mo yung pakiramdam na excited ka makita yung isang tao kaso may panira. Yung saya at excitement sa muka ko napalitan ng lungkot at disappointment. Hindi ko inaasahan na andito 'tong lalaking 'to.

"Pasok ka" nakangiti niya pang alok sakin pero para lang siyang hangin na dinaanan ko.

"Oh Haim andito ka na pala bakit hindi ka man lang nag chat" napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi ni mama

"Chinat po kita hindi ka nagrereply" nararamdaman kong nakikinig lang sa usapan namin yung lalaki

"Ah ganon ba pasensya na naghuhugas kasi ako ng plato"

"Teka paghahain kita kumain ka muna" kumuha siya ng plato, kutsara at tinidor

"Damihan mo ang kain ng tumaba ka" dagdag ni mama

Habang nakain ako alam kong pinapanood ng kalive in partner ni mama ang bawat galaw ko.

"Ma, sino pong nagluto nitong adobong baboy? ang tigas po kase"

"Si Tito Joel mo" sagot ni mama

"Tito? sa pagkakaalam ko wala kong tito na Joel ang pangalan" sabi ko sa isipan ko

"Ah kaya pala" mahinang sabi ko sabay tingin dun sa Joel na sinasabi ni mama na hindi ko inaasahang narinig niya

"Matanda na kasi yung baboy kaya makunat" depensa niya. Sa isip ko; oo parang ikaw lang. Hindi pa naman talaga matanda yung Joel kaso naiinis ako sa kaniya kaya ko yun nasabi.

Pagkatapos kong kumain pakiramdam ko nasa isa kong tv interview pano kung ano-ano tinatanong sakin ni Joel. Wala ba kong galang? wala kasi akong pake sa kaniya. Humantong yung usapan sa...

"Sana naiintindihan niyo sitwasyon ng mama niyo" ah so kami mag aadjust sa ginawa niyang katarantaduhan 10 years ago?

Hindi ako sumagot kahit kating-kati na yung bibig ko na mag salita. Kinakalma ko sarili ko hanggat may natitira pa kong respeto sa kanilang dalawa.

"Halata sa muka mo na malungkot ka" wala kong pake at mas lalong WALA KANG PAKE!

"Kanina pa kita tinitingnan sa salamin" paliwanag niya. Nasa tapat ko lang kasi yung salamin kaya kitang-kita expression ng muka ko. Dahil sa sinabi niya hindi na nakapagtimpi yung bibig ko.

"Para naman maging aware ka PO na kanina pa rin ako naiinis sa kadaldalang taglay mo. Di mo ba kayang itikom yang makati mong bibig!?" napalingon samin si mama na naghuhugas ng pinagkainan ko

"Haim!" saway niya sakin

"Ayaw po kasing tumahimik! di marunong makiramdam na kanina pa ko naiinis sa pagmumuka niya!" lumapit sakin si mama at hinablot ang braso ko sabay hawak ng mahigpit

"Ganyan ba pagpapalaki ng papa mo sayo!?" galit niyang sabi

"Wow dinamay pa si papa" sarcastic kong sabi

"Atleast si papa nasa tabi namin habang lumalaki kami hindi katulad mo na walang pake!" nasampal ako ni mama dahil sa sinabi ko. Ang sarap sa feeling nakakamanhid lalo ng pakiramdam.

"Wag mo kong masagot sagot ng ganyan!"

"Pinapunta mo lang po ba ko dito para saktan!? para isumbat kung paano ako pinalaki ni papa!? sana 'di mo nalang po ako pinapunta!"

"Tama na yan" awat nung Joel

"Hindi! ang talim ng tabas ng dila nitong batang 'to!" ayaw paawat ni mama

"Wow feeling super hero" pang-iinsulto ko sabay tingin sa Joel na yun

"May anak din ako pero hindi sila ganyan kabastos" ayy! wow ibang level na 'to kinumpara ko sa anak niya

"Pakihanap muna ng pake ko" deretsong sabi ko sa kaniya. Halatang nainis siya sa tugon ko

"Kung anak lang kita baka nasaktan na rin kita dahil sa walang modo mong pananalita"

"Kaso hindi mo ko anak at HINDING HINDI MANGYAYARI NA MAGIGING TATAY KITA!" pagdidiinan ko

"Aalis na ko baka mag hiwalay pa kayo dahil sakin pero mas mabuti nga sana kung maghihiwalay kayo, ang sakit niyo kasi sa mata"

Bago pa ko masaktan ulit ng magaling kong ina umalis na ko. Umiiyak akong naglalakad pasakay ng jeep. Pwede ng pang MMK o kaya MPK buhay ko. Pahid ako ng pahid sa muka ko habang nag aantay ng masasakyang jeep pinagtitinginan na pa ko. Pagkasakay ko ng jeep nakatungo lang ako para 'di masyadong halatang naiyak ako. Pagkababa ko muntik pa kong mahagip ng sasakyan dahil sa pagiging lutang ko habang natawid kahit may over pass naman. Salamat sa humablot saking MMDA officer at hahaba pa ang buhay ko.

"HOY MAGPAPAKAMATAY KA BA!? KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY WAG KA MANDAMAY!" sigaw sakin nung driver na muntik ng makabangga sakin

"Mga kabataan talaga ngayon" naiiling na sabi ng MMDA

"Alam naman kasing may over pass tumatawid pa" dagdag nitong sinabi bago ako tinulungan tumawid

Habang naglalakad ako pauwi biglang sumulpot ang isang tao na ayokong makita at makausap sa ngayon.

"Nakita kong muntik ka ng mahagip ng sasakyan" sabi ni Yohan

"Malamang kasi may mata ka!" see? nakuha ko pang mamilosopo sa lagay kong 'to

"Sige lang iiyak mo lang lahat ng sakit" nilingon ko siya dahil sa sinabi niya

Ewan ko kung nang iinis ba siya o ano, pagkalingon ko kasi sa kaniya nakangiti pa siya pero yung ngiti niya nakakagaan ng pakiramdam. Pagkasabi niya nun ako naman 'tong uto-uto umiyak nga.

Ilang araw na kong malungkot. Nag consult ako sa isang doktor online at sinabing depress daw ako at kailangan kong uminom ng gamot na anti-depression. Pumasok na rin sa isip ko na magpatiwakal kaso natatakot ako mamatay, ang weird ko di ba.

"Buti naman hindi mo yan naisipang ituloy" napatigil ako sa pag iyak dahil sa sinabi ni Yohan

Kung weird ako mas weird siya, kaya siguro naging magkaibigan kami.

"Hindi ako mind reader" at syempre ayan lagi niyang sunod na sinasabi

"K-Kapag ba n-nagpakamatay ako mapupunta kaluluwa ko sa i-impyerno?" siguro oo? kasi demonyo kong anak

"Hindi ko alam" maikli niyang sagot

Habang tumatagal mas nawiwirduhan ako kay Yohan. Bigla-bigla nalang kasi siyang nawawala pero darating lalo na sa oras na kailangan ko siya at malungkot ako. Siguro nga sarado lang ang puso't isipan ko para intindihin ang saloobin nila para sakin. Sa tingin ko naman kasi tinutupad niya ang pangako niya na handa siyang makinig sa lahat ng hinaing ko, salamat sa kaniya.







A/N: Hmm... siguro weekly ako mag uupdate (Sabado o Linggo) kaso depende kung wala kong gagawin.

Don't forget to vote and comment to this story, salamat♡

Help Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon