KABANATA 04

68 3 1
                                    

Haim's POV



[KINABUKASAN]



Naghihintay ako ng masasakyang jeep papuntang school, hindi kami mayaman kaya nag cocommute lang ako araw-araw kapag napasok.

Kakasakay ko palang ng jeep mga ilang minuto tumigil yung driver kasi may mga sasakay. Ako walang pake at nakaearphone pa habang nakikinig ng kanta at nakatulala sa labas ng bintana. Umayos ako ng upo kasi marami palang mga pasaherong sasakay, saktong napatingin ako sa harapan. Nakakatuwang tingnan yung mag ina. Yung bata kasi nagkwekwento sa mama niya ng ginawa nila sa school na may ngiti sa labi pero habang tumatagal ang pakikiusyoso ko sa mag ina unti-unting nanunubig ang mga mata ko. Hindi ako mabilis mainggit pero yung may makita kong mag ina/mag ama o buong pamilya na magkakasama hindi ko mapigilang mainggit. Para kong siraulo na naiiyak, siguro iniisip ng mga nakapansin sakin broken hearted ako dahil nakipagbreak jowa ko, sana nga ganon lang di ba kaso hindi.

Para kong patay na wala ng buhay habang naglalakad sa hallway ng school papuntang library. Gusto kong umiyak pero ayokong may makakita ng kahinaan ko. Ayokong may makakita ng pag-iyak ko dahil pakiramdam ko oras na may makakita sakin na umiiyak ako kakaawaan lang nila ko! Hindi ko kailangan ng awa ninuman, hindi ako namamalimos ng awa!

Pagkarating ko sa library sumalampak ako agad ng upo at tumungo sa mahabang mesa kasabay ng pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Siguro kapag may nag tanong kung ok lang ako baka masampal ko dahil ang tanga ng tanong niya. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko sa aking mga mata habang pigil sa paghikbi dahil bawal maingay sa loob ng library. Sa may dulo ko naupo para walang makakita/makakapansin sakin kaso iba 'tong isang 'to...

"Haim..." mahina niyang bulong sa may tainga ko na boses lalaki kaya napaangat ako ng tingin

"Y-Yohan" mahina at nauutal kong sabi

Hinablot niya ko palabas ng library. Muntik ko pa maiwanan gamit ko.

Yinakap niya ko ng mahigpit katulad ng ginawa niya sakin nung unang araw kaming magkakilala.

"B-Bakit ganon? p-pinagsisihan ko naman yung m-masama kong hiniling na sana m-mawala na si mama pero ito pa rin ako nagdurusa" reklamo ka sa kaniya habang napadyak pa ang mga paa ko sa sahig

Wala kong narinig na anuman mula sa kaniya kaya humiwalay ako ng kusa sa kaniya para makita ang reaksyon niya.

"Handa kong makinig anuman ang nais mong sabihin" isa 'to sa mga masarap marinig kapag may problema ka

Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa pisngi ko bago ako muling nag salita.

"Buhay ko ba ang kailangang kapalit sa lahat ng kasamaang nahiling ko?" deresto kong tanong

"Napapagod na ko sa totoo lang para kong sinasaksak ng ilang libong beses kapag may nakikitang masasayang pamilya"

"Gusto ko ng sumuko" napatakip ako ng muka dahil sa nagbabadyang mga luha

"Haim, makinig ka..." tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay ko sa aking muka

"Ano man ang mangyari mabuhay ka" sobrang lungkot ng pagkakasabi ni Yohan nun tipong daig pa ang namatayan

"P-Pero p-paano?" ganito ko kapag malungkot tipong hindi na gumagana ng maayos utak ko pati simpleng bagay pinapahirap ko pa

"Mabuhay ka para sa pamilya mo"

"Paano ko mabubuhay para sa kanila kung isa sila sa pumapatay sakin!"

"Hindi totoo yan, mahal ka nila"

"Huh! mahal?! ah oo nga pala kaya wala silang oras sakin kasi mahal nila ko. Nagbago na pala definition ng pagmamahal bakit di ako nainform?" sarcastic kong sagot

"Sarado lang ang puso't isipan mo kaya mo yan nasasabi" mahinahong sagot niya

"So ako pa? alam mo ikaw akala ko kakampi kita kasi sinabi mong handa kang makinig sa lahat ng problema ko! Bakit mukang mas kinakampihan mo pa sila?!" napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya pati yung mga nadaan papuntang library napapatingin sakin

"Subukan mong pakinggan kami para maunawaan mo rin lahat ng sinasabi namin sayo"

"Hindi niyo ko naiintindihan! Bakit sila inintindi ba nararamdaman ko di ba hindi!"

"Paano ka nila maiintindihan kung hindi mo naman sinasabi sa kanila ang saloobin mo"

"Sige nga paano ko rin gagawin yun kung wala silang oras para sakin! Mag sama kayong lahat!"

Iniwan ko si Yohan sa labas ng library pagkatapos kong mag walk out. Ayoko muna siyang kausapin dahil mas kinakampihan niya pa ang pamilya ko kaysa sakin, ano ba namang klaseng kaibigan siya!

Bago ko pumunta ng classroom pumunta muna ko sa washing area para makapag-ayos. Napatingin ako sa salamin at nakita ang namumugto kong mata pati ang muka kong walang buhay.

Habang nag klaklase nakatungo lang ako ng biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari 10 years ako. Sa mga oras na yun pakiramdam ko mawawalan na ko ng hininga sa sobrang sama ng loob at pagsisisi.

Nakapagturo na ang ilan naming teachers ng wala kong naintindihan. Nung break time hindi ako lumabas ng room para bumili ng makakain nanatili lang ako sa loob habang naiyak. Wala kong kaibigan na matatawag sa eskwelahang 'to dahil sa nangyari sa pamilya ko natakot ako mag tiwala kaya wala kong kaibigan. May mga kumakausap sakin pero hindi ko pinagtutuunan masyado ng pansin dahil alam ko sa huli iiwan din nila ko katulad ng ginawa ni mama. Sa mundong 'to walang permanente lahat iiwan ka kaya bakit pa ko mag-aaksaya ng oras at lakas para lang makipagkaibigan o makihalubilo sa kanila. Si Yohan? ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at pumayag akong makipagkaibigan sa kaniya at mag tiwala.

Hanggang sa mag uwian wala kong natutunan. Inayos ko lang saglit ang mga gamit ko bago lumabas ng room para umuwi. Pagkalabas ko ng school napangiwi ako sa mga magkarelasyon na nakikita kong magkahawak kamay pa at sobrang sweet sa isa't-isa na akala mo sila na pang habang buhay pero syempre walang forever kaya hindi yun mangyayari. Aaminin ko na ang generation namin akala mo mamamatay kapag walang karelasyon habang nag-aaral. Bilang na nga lang sa daliri yung mga estudyante na kayang mag-aral na walang karelasyon at bilang lang din sa daliri ang mga katulad ko na nag-aaral palang na wala pang nagiging karelasyon since birth.









A/N: May load si Author kaya siguro maraming updates ngayon. Pasensya na kung biglang gumulo ang update ko inayos ko na

Don't forget to vote and comment to this story, salamat♡

Help Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon