Kabanata 5: Pagbabago

533 20 6
                                    

Kabanata 5: Pagbabago

Nagising ako sa magkakasunod ngunit may kahinaan namang mga katok sa pintuan. Medyo bad trip ako noon dahil no'ng pagtingin ko sa phone ko, 6:10am pa lang. Kulang na kulang pa ang tulog ko dahil mag-2am na ako nakapuntang memeland.

Kahit na yamot na yamot ako, bumangon na rin ako at pinagbuksan ang kung sino mang napakaagang magising na 'yon. Nahimasmasan naman ako ng makitang si Joey pala iyon.

"Joey? Ang aga mo namang magising, 6 pa lang ng umaga," medyo inis ko pang sabi sa kanya.

Napayuko naman siya ng makita ako. "Ako ay iyong pagpasensyahan, binibini. Ang ibig kong sabihin ay Penny. Ang totoo nito'y nakakailang oras na ako ay nagising sapagkat sa aking panahon ay maagang matulog at magising ang mga tao. Ang inaakala ko'y ganoon rin sa panahong kasalukuyan."

Sa buong pagsasalita niya ay hindi siya nakatingin sa akin. Bakit kaya? Tiningnan ko naman ang suot ko, pero, pero! Naku! Nakalimutan kong naka-sando at undies lang ako! Ano bang pumasok sa kukote ko at lumabas akong naka-ganito? Oh my goodness. I'm so stupid.

"Sorry Joey magpapalit lang ako," mabilis kong sabi sa kanya at sinarado na ang pinto. Hay naku. Bakit ba kasi ang naisip ko ay nasa Parañaque pa kami, kasi all-girls lang naman kami nina Mama at Colleen sa bahay dahil wala naman lagi si Papa, nag-abroad. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Kaya pala ganoon ang inasta ni Joey kanina dahil nahihiya sa nakita niya. Grabe ka talaga, Penelope!

Mabilis naman akong nakapagpalit at pinapasok ko na si Joey sa kwarto. Nag-sorry naman ako kaagad at nakakagulat na pati din siya ay nag-apologized. Iniba ko naman agad ang topic para hindi namin both na ma-feel ang awkwardness.

"Ano nga palang kailangan mo, Joey?" tanong ko sa kanya.

"Nais ko lamang ay malaman kung paano magagawan ng solusyon ang ating problema, ang aking problema. Ang nais ko ay magkaroon tayo ng talakayan tungkol sa usaping ito," sabi niya.

Napapa-pikit ako habang nagsasalita siya. Naririnig ko naman pero parang ayaw ng gumana ng mga mata ko. Feeling ko kinukuha ako ni Lord at that moment. Antok na antok pa talaga ako.

"Penny?" nagsalita siya ulit kaya bigla naman akong nabuhay mula sa hukay.

"Sorry, Joey. Antok na antok pa talaga ako eh. Madaling araw na kasi ako nakatulog. Gusto naman talaga kitang tulungan kaso di pa gumagana ang mga brain cells ko at this very moment dahil talagang kulang ako sa tulog. Ganito na lang. Matutulog lang muna ako ng kahit mga 1 hour lang. Then," kinuha ko ang notebook ko mula sa drawer malapit sa kama, "Heto. Basahin mo muna kung paano mo i-aact ang scenes na 'yan for my documentary, para may ginagawa ka rin while waiting. Sorry ah. You can sit by the window. Okay? Bye!"

Automatic na humiga na ako at nakatulog.

***

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Bigla na naman akong nahimasmasan ng may isang pair of eyes na nakatitig sa akin.

"Joey! You scared me! Bakit ka naman nakatingin sa akin nang ganyan?"

Bigla naman siyang tumayo. "Ako ay iyong patawarin, Penny. Ako lamang ay lubusang nagalak sa mapayapa mong pagtulog. Lubos din akong humanga sa angkin mong kagandahan."

Ako? Maganda? I felt my cheeks turned to red. Nakaka-flatter naman na isang national hero ang nakapansin sa kagandahan ko. "Thank you po," ang tangi kong nasabi dahil medyo nahiya na ako. Napatingin naman ako sa digital wall clock at ang nakalagay doon ay 10:15 na. Hala! Halos 4 hours akong nakatulog! Bakit kasi di ako nag-alarm eh!

"Oh my! I'm sorry! 'Yung 1 hour naging 4 hours! Naku. Ang tagal mo tuloy naghintay," bigla kong nasabi kay Joey.

"Ako nama'y naaliw sa pagbabasa ng iyong isinulat at nakapag-isip ng ilang mungkahi na nawa ay iyong tanggapin. Ako ay nakalabas na rin mula sa iyong kuwarto sapagkat kumatok ang iyong ina para sa almusal. Aking sinabi na ikaw ay nakatulog habang tayo ay nag-eensayo, kaya nama'y ako na lamang ang kanyang pinababa upang kumain," kwento niya. Buti naman pala kung ganoon.

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon