Napanganga ako sa nalaman ko. "Pepe? Dodong? Magkakilala po kayo?" tanong ko kay Sir V. Tumayo siya at lumapit sa amin.
"Oo, Penelope. Ipapaliwanag ko ang lahat mamaya. Maaari bang magkausap muna kaming dalawa?" pakiusap ni Sir V sa akin. Tumango naman ako at lumabas muna ng pinto.
Nakakaloka. Sumasakit ang ulo ko sa mga pangyayari. Parang natuyuan ang lalamunan ko dahil doon. Pumunta muna ako ng cafeteria at bumili ng maiinom.
Nang makabalik ako, nasa labas na si Joey. "Binibini, saan ka galing? Ikaw ay kanina pa namin hinahanap."
"Ay sorry, bumili ako ng juice. Nauhaw kasi ako," paumanhin ko.
"Halina sa loob," sabi niya sabay bukas ng pinto. Pagpasok namin, nandoon ulit at nakaupo sa swivel chair niya si Sir V.
"Nakwento sa akin ni Pepe kung paano kayo nagkakilala. Siguro ay nagtataka ka kung bakit kami magkakilala," pasimula ni Sir V. Tumango lang ako. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kagaya ni Pepe, nagmula din ako sa nakaraan, sa panahon niya. Matalik kaming magkaibigan. Dodong ang palayaw ko. Noong araw na natalo si Pepe sa isang contest, sinundan ko siya para damayan. Nakita ko siyang pumasok sa aparador. Hinayaan ko muna siyang mapag-isa. Nandoon lang ako sa labas ng aparador. Pero naka-tatlumpung minuto na ang nakalipas, hindi pa rin siya lumalabas. Kinatok ko na siya. Walang sumasagot. Binuksan ko na ang aparador at doon ko nakitang wala na si Pepe sa loob.
"Nagtaka ako. Nakita ko talaga siyang pumasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para pumasok din sa loob. Nang maramdaman kong parang nasu-suffocate ako, lumabas na ako pero laking gulat ko nang malamang wala na ako sa panahon ko. Iba na ang nakikita ko sa labas. Nasa isang Antique shop ako sa Pampanga. Hindi ko alam kung paano, bakit, anong nangyari. Nalaman ko na lang na nasa taong 1994 na ako."
Nakatitig lang ako ako kay Sir V the whole time. "Pero bakit po ganun, nauna si Joey, este si Pepe, pero earlier time kayo dumating?"
Hinimas ni Sir V ang baba niya, parang nag-iisip. "Hindi ko din alam. Hinanap ko siya noon, pero hindi ko siya makita. Kinupkop ako ng matandang mag-asawa na taga-Guagua sa pag-aakalang ulila na ako. Pinag-aral nila ako, at nakapagtapos ng B.A. History. Pinag-aralan kong mabuti si Rizal. At noong makita ko nga ang dokyu mo, kinutuban na ako. Tama nga ang hinala ko. Siya nga si Pepe, ang kaibigan ko."
"Kung sana'y sabay tayo ng panahong pinuntahan, maaaring kasing tanda na kita, Dodong. Ngunit hindi naman nagbago ang iyong anyo. Ika'y maihahalintulad pa rin sa mga makalumang tao," biro ni Joey. Natawa naman si Sir V. Nakitawa na rin ako kahit na medyo shocked pa sa mga nalaman ko.
"Sir, bakit ganoon? Kahit saan ko i-search si Joey, wala akong makita? Wala na siya sa mga books. Ang kilala ng mga tao, si Bonifacio ang national hero natin. Statue na din nito ang nakatayo sa Luneta. Parang tayong dalawa na lang din ang nakakakilala sa kanya."
"Napansin ko din iyan. Pagbalik ko, nagulat na lang ako na Bonifacio na ang nakasulat sa mga notes ko. Maaaring may kinalaman ang pagpunta ni Pepe sa kasalukuyan. Nabura na siguro siya sa history dahil wala na siya sa nakaraan," sagot ni Sir V.
Napanganga na naman ako. "Sir, you mean, tuluyan na siyang mawawala sa history? Hindi na siya magiging bayani?"
Napatingin naman ako kay Joey. Kita kong nalungkot siya sa sinabi ko.
"Ganoon na nga. Kailangan niya nang makabalik sa lalong madaling panahon."
"Pero paano po?"
"Kung paano siya nakarating dito."
"Nagawa na din po niya iyon, Sir. Hindi naman po siya nakabalik."
"Maaaring may bumabagabag sa puso't isipan ni Pepe kaya hindi siya nagtagumpay. Nagawa ko na iyon dati. Nakabalik ako."
Biglang napatayo si Joey sa nalaman. "Paano? Ano ang iyong ginawa? Kung ikaw ay nakabalik, bakit naririto ka pa?"
"Pumasok lang ako sa aparador na 'yon, malalim na nag-isip. Inaalala ko ang huli kong ginawa at mataimtim na nagdasal. Naniwala akong nakabalik ako. At naging totoo, bumalik ako sa atin. Hinuli ng mga Kastila ang Papa at napabalitang pinatay na. Alam mo namang siya na lang ang nag-iisa kong pamilya. At hinanap din kita, pero hindi ka pa rin umuuwi sa inyo. Kaya nagpasya na lamang akong bumalik, kung saan may mga magulang ako. Minahal nila ako na parang tunay nilang anak. Hanggang sa nakilala ko si Norma at naging nobya. Siya lang ang pinagsabihan ko ng sikreto ko. Tinanggap niya pa rin ako. Pero noong balak siyang ipakasal ng kanyang ama sa anak ng kumpare niya, binalak ko ulit bumalik pero hindi ko na nagawa. Gulong-gulo ang isip ko noon at mahal na mahal ko si Norma. Kaya siguro hindi na ako makabalik.
"Nagkabalikan kami ni Norma, nakiusap siya sa kanyang ama. Kinuwento ko ang naging buhay ko noong magkahiwalay kami. Pero wala na siyang maalala tungkol sa sinabi kong galing ako sa nakaraan. At ang masaklap pa, bigla-bigla na lang niya akong nakalimutan. Naging estranghero ako sa kanya. Nagpakilala na lang ako bilang bagong estudyante na nagtatanong ng daan. Sinuyo ko siyang muli, at buti na lang ay kami pa rin ang nagkatuluyan.
Sa huling pagkakataon, sinubukan ko ulit. Pero wala na, hindi na ako makabalik. Kaya bago pa man mawala si Pepe sa alaala mo, Penelope, ay dapat makabalik na siya sa nakaraan. Ang history at kasarinlan ng ating bansa ang nakasalalay dito."
For the nth time, nakanganga lang ako. "Pero Sir, bakit ako? Di naman niya ako girlfriend?"
"Hindi pa ba, Pepe?" nakangising tanong niya kay Joey. Tumawa lang ng mahina si Joey. I felt my cheeks are burning. Nang-asar pa talaga itong si Sir. Ang serious na ng mood eh.
"Oo man o hindi, ikaw lang ang nakakilala at nakakaalam ng totoo kaya for sure ay ikaw lang ang magiging basehan kung tuluyan na siyang mananatili sa panahong ito," balik serious-mode na sabi ni Sir V.
Napatango na lang ako. Nag-usap pa ulit sila saglit samantalang nakatingin lang ako sa sahig at malalim na nag-iisip.
"Binibini, nais mo na bang umuwi? Halata sa iyong mukha ang pagkapagod. Nakausap ko na si Dodong, sa kanila muna ako mananatili. Nais mo bang samahan kitang pabalik sa inyo?" tanong sa akin ni Joey. Ngumiti ako at sinabihan siyang hindi na kailangan. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
Pagkalabas ko ng office ni Sir V, nakasalubong ko ang isang pamilyar na mukha. Oh my. Siya na naman?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Marco na naka-smirk pa.
"Oh, alam ko ang iniisip mo. Akala mo sinusundan kita noh? Pwede bang pupuntahan ko lang ang tito ko at hindi ko naman in-expect na sa kanya ka galing?" sarcastic niyang sagot.
"Tito mo si Sir V?" tanong ko.
"Yes. May iaabot lang ako sa kanya. At teka, huwag na huwag kang aalis dito. May utang ka pa sa akin. Hintayin mo ako. Mag-uusap tayo," seryoso niyang sabi at tuluyan nang pumasok sa loob.
Hay naku, wala ako sa mood kausapin siya kaya lakad-takbo ang ginawa ko papuntang parking lot. Nang nakasakay ako, pinaharurot ko na ang kotse pauwi.
Information overload ang araw na ito. Too much events happened. I need a break. Itutulog ko muna ito.
BINABASA MO ANG
Ang Modernong Maria Clara ni Rizal
Fiksi SejarahSi Penny ay masasabing isa sa mga modernong kababaihan ng panahon ngayon - moderno sa dahilang isa siyang drummer ng isang all-female rock band. Mula sa isang one-sided love, pinangako niya sa sariling hindi niya papakawalan ang taong magpapakita sa...