Kabanata 7: Mga Katanungan
Humahanap ako ng magandang venue para sa first scene ni Joey sa gagawin kong dokyu. I put my camera on the tripod and took a shot of Lola's garden. Inayos ko nang konti ang zoom at kukuha pa sana ulit ng isang shot nang makita ko sa screen ang paglalakad nina Colleen at Kristoff nang magkahawak-kamay. Napatingin naman silang dalawa sa akin at kumaway. I just gave them a smile that obviously was fake.
Nang makalayo na sila, hindi ko mapigilan ang mag-monologue. "Gawin bang Luneta ito? Sige lang, diyan kayo masaya eh. Tse!"
"Sino ang iyong kausap, binibini?" muntik na akong magka-mini heart attack noong biglang sumulpot si Joey sa tabi ko.
"Ha? Ano 'yun? Wa...wala ah! Nakakagulat ka naman!" medyo high pitched kong sabi.
"Patawad, binibini. Ngunit narinig kong ika'y nagsasalita na para bang ika'y nagagalit," he said while his eyes roamed the area. He stared at something so I followed it. Ayun, 'yung dalawa pala ang tinitingnan niya. Napairap naman ako. I can't help it.
"Penny, please. Let's get to work na po," sabi ko.
"Huwag mo sanang masamain ang aking obserbasyon, ngunit aking napapansing ikaw at ang iyong kapatid ay hindi gaanong nag-uusap," sabi niya sabay upo sa bench doon.
Umupo na din ako. "Hindi kasi kami close. Lumaki kami na magkalayo. Ako, nasa parents namin. Siya, dito kina Lola. Lumipat lang siya sa amin noong nasa high school na siya."
"Ganoon ba. Bakit hindi ikaw ang makipaglapit sa kanya?" tanong niya.
"Wala akong time. Tara na. Nasaulo mo na ba ang script mo?" pag-iiba ko ng topic.
Tumango naman siya. Hindi na siya ulit nagsalita pa kaya nagsimula na kaming gumawa ng dokyu.
-----
Everything's fine during the first set. I swear, kinikilabutan ako habang pinapanood si Joey. Siyempre, panoorin mo ba naman in flesh si Dr. Jose Rizal na binabanggit ang mga lines niya?Half day kaming nagtrabaho at tumigil na before lunch. After that, nagpahinga na lang ako sa kwarto ko at gumawa ng kasunod na script. Eh kaso, paano naman ako gagawa kung wala akong reference? Una, wala nang nakasulat sa book ko. Second one, 'yung sa internet. Wala talaga akong mahagilap ni isang information about Joey. Weird talaga.
I heard knocks on my door. Binuksan ko naman iyon. Si Joey iyon. Pinapasok ko naman siya.
"Penny, nais ko lamang mahiram muli ang iyong aklat tungkol sa aking buhay. Nais kong malaman kung saang dako ng mundo ako nakarating," bungad niya.
Napabuntung-hininga ako. "Joey, kasi... Ewan ko kung anong nangyari, tingnan mo na lang," sabi ko at kinuha ang book. Inabot ko sa kanya iyon at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
"Nakakapagtaka at walang nakasulat! Ikaw ba'y sigurado na ito ang aking aklat na hinihiram sa iyo?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, 'yan iyon. Nagtataka din talaga ako. I'm sure na iyan ang book na pinahiram ko sa'yo. Actually, hindi lang iyan. Wait, ipapakita ko sayo."
Kinuha ko ang laptop ko mula sa bag ko at binuksan iyon. Ilang saglit lang, nakaconnect na ako sa wifi so I clicked google chrome. I typed Jose Rizal in the search tab at wala ni isa man na information about kay Joey ang lumabas.
"Joey, ito ang internet. Isa siyang modern technology na kung may gusto kang malaman na information, ita-type mo lang at lalabas na ang mga results," sabi ko sa kanya habang siya naman ay titig na titig sa computer screen.
"Napakagandang kagamitan naman ito! At bakit ang pangalan ko ay naririto?" tanong niya sa akin sabay turo sa may search tab.
"I told you na ikaw ang national hero namin di ba? So basically, maraming information tungkol sayo ang lalabas sa internet. Heto nga, I typed your name pero...walang lumalabas na results. But I swear, meron yan dati, bago ka dumating dito," I explained to him.
Malalim siyang nag-isip at matagal ang pagtitig sa akin na parang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.
"What I meant is, di kaya magka-connect 'yung pagkawala ng mga sulat ng nasa book at 'yung sa internet? It's just a wild guess pero, bakit nga kaya?" I felt myself explaining again to him.
"Hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang sinasabi mo, binibini," he said.
I actually don't get it too, gusto kong sabihin sa kanya. So I just dismissed the idea of explaining this kind of phenomenon and told him to just never mind about it. Mukhang hindi siya kumbinsido pero I assured him na in the right time, baka ma-explain ko na nang maayos sa kanya iyon. Lumabas na siya ng kuwarto pagkatapos.
This whole thing really intrigues me. Bakit kaya nangyari iyon? I want to find out. Hindi ko man malalaman ang sagot ngayon, maybe soon. At isa pa, I really wanna help him go back to the past. Pero paano?
BINABASA MO ANG
Ang Modernong Maria Clara ni Rizal
Fiksi SejarahSi Penny ay masasabing isa sa mga modernong kababaihan ng panahon ngayon - moderno sa dahilang isa siyang drummer ng isang all-female rock band. Mula sa isang one-sided love, pinangako niya sa sariling hindi niya papakawalan ang taong magpapakita sa...