Kabanata 6: Dati

587 20 2
                                    

Kabanata 6: Dati

"Marco?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

"Buti naman at naalala mo pa ako, teh," sabi naman ni Marco sa akin. Kahit kailan talaga hindi ko matatapatan ang katarayan nito.

"Sorry naman! Bakit ka ba kasi nanggugulat? At saka bakit ka nandito?"

Napataas naman ang kilay niya. "Feeling mo naman sinusundan kita? Duh! After mo akong hindi pansinin for almost 3 years. Tapos dito pa kita makikita."

Napailing naman ako. Di pa rin talaga siya nakakalimot. Muntik ko nang makalimutan na may kasama ako kundi pa ito napaubo. "Marco, pwede bang magkita na lang tayo sa Manila to talk? I need to go home quickly eh. Sorry. I swear babawi ako sayo," di ko na hinintay ang sasabihin niya then tiningnan ko na si Joey. "Tara na, Joey."

Habang nakasakay na kami at pinapaandar ko ang kotse, pareho kaming tahimik ni Joey. Pero nakakabingi din pala talaga ang katahimikan. Then I felt the urge to talk to him, but not about the scene earlier. Nag-isip na lang ako ng ibang topic.

"Ah, eh, Joey. Hindi ka ba nae-embarrassed noong pinakilala kitang beki?" tanong ko.

Napalingo naman siya sa akin mula sa matagal na pagtingin niya sa scenery sa labas. "Beki? Ang nais mo bang ipahiwatig ay isang bakla? Inaamin kong isa iyong kahihiyan para sa akin ngunit kung iyon lamang ang tanging paraan upang magkaroon ng kaayusan ang pagtulong natin sa isa't isa, iyon ay isasantabi ko muna."

I sighed. "Pasensya ka na, ah. Iyon lang kasi ang best way para lagi tayong magkasama kahit nasa kwarto ka. Kasi conservative pa rin ang family ko. Though I know naman sa sarili ko ang limits ko."

"Naiintindihan ko," sagot niya.

I focused my eyes on driving. Andoon na naman ang awkward silence. Hanggang sa siya naman ang nagtanong.

"Sino ngapala ang lalaking iyong kinausap kanina?" he asked.

Should I tell him? Yes, because I need a listener for my bad past? Or no, because he doesn't have the right to invade my private life? But I don't need someone to console me. I can handle naman everything.

"He's an old friend. Sorry pero pwede iba na lang ang pag-usapan natin?" sagot ko. That was just my nicest way para ilihis ang topic. I don't want to recall what Marco and I had in the past. Pero ayaw ata makinig ng isip ko. Everything went in my head in a flash.

***
"Marco, pwede mo ba akong tulungan? Please," I asked my gay classmate, Marco. We're already 4th year high school then, at alam niya ang lahat ng kwento at problema ko lalong-lalo na sa kapatid ko at kay Kristoff.

"Ano naman 'yun, girl?" balik niyang tanong. He closed the book he was reading para maka-focus sa sasabihin ko. Though he's in love with novels, kapag ako na ang kausap niya, pinagpapalit niya iyon para sa akin.

"I want to be away from Kristoff. Gusto kong humiwalay sa kanya as his best friend. This is torture for me! And he knows na hangga't wala akong other best friend or boyfriend, he will always look for me. So, will you help me with my plan to be my..."

"Best friend? Sus, iyon lang ba. No problem, girl," sabi niya. Naku, lagi niya talaga akong inuunahan sa mga sinasabi ko.

"No, no that one. The other option. Masyado kasing mababaw kung ipapakilala kitang new best friend lang at marami pang tanungang magaganap. So, can you be my fake boyfriend?"

Medyo parang slowmo ang nangyaring pagka-gets niya sa sinabi ko. "No way. You gotta be kidding me, Penelope, and it's not funny."

I know he won't approve eh. Kaya may naisip akong plan. "Please, please. If you'll agree, ililibre kita sa concert ng Super Junior dito. VIP pa. I know you super love it. Sige na, please!" Sana naman pumayag na siya. Ang mahal kaya ng ticket. I would save hard na naman.

"Hmm, kelangan talaga may suhol ah? Well. It's not bad. Oh sige na. With food and transpo na kasama 'yan ah," he said with his right eyebrow raised. Hay salamat.

Buti na lang talaga at hindi siya lantad na gay. You know paminta? Closet gay. Iyan si Marco. At ako lang ang nakakalam ng secret niya kung hindi ko pa siya nahuling nanonood ng M to M videos sa phone niya. Medyo close na rin kami noong time na iyon kaya bumigay din siya sa panunukso ko. Alam ng lahat na straight guy siya. Isa siya sa mga varsity players ng school namin at of course, maraming babae ang nababaliw sa kanya.

So we acted like a real couple in front of everyone. Nagulat pa nga si Kristoff sa pasabog namin ni Marco eh. Umabot ng ilang months bago ako tinigilan ni Kristoff. Lagi niya kasing gustong makipagkita about sa kanila ni Colleen pero ang lagi ko din namang sagot sa kanya ay may lakad kami ni Marco. Nagkasanayan na rin siguro. After that, di na naging best friends ang turingan namin ni Kristoff because we became awkward with each other.

Then Super Junior concert came. Mag-eenjoy malamang si Marco dito dahil ito ang favorite Kpop group niya. Sinamahan ko din siya dahil nagustuhan ko na rin ang SuJu. Punong-puno ang Araneta ng mga ELFs o EverLastingFriends na tawag sa fanbase ng group. Kakaiba talaga ang feeling kapag nakikisabay ka sa pagkanta at paghiyaw with the crowd.

Natapos ang concert at dumiretso kami sa isang coffee shop ni Marco. Idedeliver ko na rin sana sa kanya ang magandang balita na tinigilan na ako sa kakatawag ni Kristoff nang biglang may iko-confess daw siya.

"I really enjoyed your company for the past few months, Penny. Ewan ko ba, nagki-click talaga ang personalities natin eh. And I want to tell you that I'm very happy when I'm with you. Di ko talaga ma-explain eh, girl. Can we just make this whole setup real?"

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Does it mean he likes me more than a friend to the point that he wanted to make this real? Pero masyado akong na-shock. Hindi ko ine-expect na mangyayari ito. Kaya siya nga ang napili ko kasi alam kong walang mai-involve na feelings. Walang masasaktan kung sakali. Pero ano 'to? Nakasama niya lang ako, lalaki na siya ulit?

Kinuha ko na lang ang bag ko at dali-daling umalis. Ayokong magalit siya sa akin pero mas lalong ayoko siyang masaktan dahil hindi naman posible ang sinasabi niya. Hindi ko kayang masuklian kung anong nararamdaman niya because of Kristoff. Mahal ko pa din siya eh.

Iyon na ang huling nakausap ko ng matino si Marco dahil pilit ko siyang iniwasan. Naka-graduate kami, nagkanya-kanyang buhay sa College pero hindi ko na talaga kinausap pa ulit si Marco, hanggang noong kanina sa parking area. I just hope he forgave me.

***

Kanina pa nagkukwento si Joey pero hanggang tango at 'Oo' lang ako dahil na naaalala ko ang nangyari sa amin ni Marco. Medyo ramdam ko nga ang excitement sa boses ni Joey kaya I felt guilty dahil hindi naman talaga ako nakikinig. Buti na lang 'di siya nakahalata.

Pagdating namin sa mansyon, natuwa sina Mama at Lola dahil nagmukha na raw tao si Joey. Natawa naman si Joey sa sinabi nila. Natawa din kami dahil katamtaman lang ang lakas at dahan-dahan lang ang pagtawa niya, parang makalumang babae. Kaya siguro mas napaniwala sila na beki talaga si Joey.

Bago kami pumasok sa kwarto, hiniram ko muna ang book na binigay ko kay Joey, 'yung biography niya. Ayoko kasing malungkot siya 'pag nalaman niya kung paano siya namatay. I mean mamamatay sa future niya. Nang makapasok na ako sa kwarto, binuklat ko iyon pero blangko lang ang mga pages. Kinusot ko pa ang mata ko, baka kako inaantok lang ako, pero wala talagang nakasulat kahit isa. Naaalala ko naman 'yung 'di ko mai-search ang tungkol sa kanya sa internet.

Ang weird. Related ba ang internet thing sa pagkawala ng sulat sa book? Is this also related sa pagpunta ni Joey sa present time?

Ang Modernong Maria Clara ni RizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon