Part V

71 4 0
                                    

Xen POV:


Masyadong madilim.

"Carla! Carla! Carla! ...

Patuloy ang pag luha ko at pagkapa sa dilim habang animo'y lalong dumidilim at sumusukal ang kagubatang tinatahak ko.

"Carla! Carla! Carla!"...

Patuloy ako sa pagsigaw.

Patuloy sa paghahanap.

Patuloy sa pag-iyak.

Hanggang sa .....

"Carla?, Carla andiyan ka lang pala". Paanas kong sabi habang nakita ko siyang nakaupo sa ugat ng isang punong kahoy..

"Xen, oo andito lang naman ako"..

Nakangiti niyang sagot.

"Hindi ka na mawawala? Hindi mo na ako iiwan?" Parang bata kong sambit.

"Nandito lang ako mahal". Turo niya sa puso ko.

"Oo Mahal, ikaw lang ang palaging laman nito, ng puso ko.." sagot ko

Pagkatapos nun niyakap niya ako ng napaka-higpit. Ramdam ko ang lambot ng katawan niya at init ng mukha niya ng biglang ...

"Carla !!!!!!! Teka saglit wag mo siyang ilayo sa akin!!!!! Teka!!! Please!!!!

Habol ko sa papalayong tumangay sa pinakamamahal ko.

"Carla!!!!!!!!!!!!

Masamang panaginip ..

Hingal akong napabangon sa pagkakahiga.

Pero ramdam ko ang luhang patuloy sa pag-agos sa mata ko.

"Carla, mahal ko miss na kita sobra".. sambit ko habang nakayakap sa Picture niya na nasa tabi ng kama ko.

5:00㏂ na ..

Maaga pa masyado para maghanda sa pagpasok.

Pero ayoko na talagang matulog. Ayoko ng bumalik sa eksenang inilalayo sa akin ang taong nagturo sa aking magmahal ng tunay.

Yakap ko pa rin ang paborito niyang Superman na unan na regalo niya sa akin nung huli kong bday pero siya naman palaging nakayakap.

Sabi niya para daw pag ako na ang yayakap sa unan na'to ramdam ko na siya ang kayakap ko.

Nagsisimula na naman akong alalahanin ang nakaraan...

"It's been almost 3 years now Mahal,

Pero hindi ko pa buong-buo na natatanggap na wala ka."

"Nahihirapan ako pero lumalaban ako. Nilalabanan ko ang sakit ng pagkawala mo". Saad ko

Mugtong mugto na ang mata ko sa kakaiyak pero para itong gripo na dumadaloy at parang galing La Mesa Dam yung pinagmumulan.

Walang katapusan.

Walang kapaguran.

Patuloy pa rin sa pag-agos.

At Kasabay ng agos ng luha ko ay ang pagiyak din ng kalangitan. Parang nakikiramay sa tahimik kong pagdadalamhati ....

"LORD, Bakit?" ........

----------

Author's says:

Sorry kung sobrang sad.

Gusto ko lang maramdaman niyo din gaano ung character nasaktan at nasasaktan pa rin sa pagkawala ng mahal niya.

Sa mga readers sana nagustuhan niyo. At libre comment/suggestion para sa mga next part.

Paki vote na rin po ;)

Mamats po....

Lovelots :)

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon