Part IV - Secretly in-love

76 4 0
                                    

Checkout Kim's cutiepatotie picture

well, tell me sinong di maiinlove?

;)

***********
Denise POV:

Matuling lumipas ang oras dahil 6pm na. At siyempre uwian na.

"Akalain mo yun. Nalagpasan ko 'tong malas na Monday." Sa isip-isip ni Denise.

"Buti na lang andyan ang Love of my life Super crush kong si Kim." Nangingiti kong pagiisip.

Biglang may sumulpot.

"Ehem! Looks like your having your late day dream?" Tanong ng biglang sulpot na Kim.

"Hindi naman, naisip ko lang na grabe 'tong araw na 'to sa akin. Litanya ko.

"Mula sa Late ako nagising, Traffic ang edsa tapos late na ako nakapasok, Nalaglag ako sa upuan habang nagkakabit ng sign board, muntik pa ako ulit akong mahulog".

"At buti nasalo kita". ;) Kumindat pa siya pagkatapos niyang isingit sabihin yun.

"Hahaha, Oo nga. Siya nga pala. THANK YOU sa pagsalo kanina." Pasasalamat ko.

"No problem." Pa-cute niyang sagot.

Seyeme ka talaga Kimpatotie! Napaka-gwapo mo. OMG ang smile mo nakakalaglag panga.

"Baka matunaw ako Den?. Hehehe" Tawa niya

"Ay sorry, kasi naman ang pogi mo. Napaka swerte ni Ma'am Megan sa'yo." Bigla kong sabi

"Megan na naman? Haha . Maswerte talaga ang mga friends ko at isa si Megan sa mga yun." Paliwanag niya.

" Bago tayo tuluyang magkabolahan. TARA NA!" yaya niya pa.

Halos sabay-sabay kaming lumabas ng Shop.

"Bye guys, see you all tomorrow." Pagpaalam ni Kim sa amin.

Sakay ng kotse kitang kita ko pa ang pagba-bye niya at matamis na ngiting pinakawalan ng cute at nakakatam niyang labi.

Isa-isa ng umalis ang mga kasama ko sa trabaho.

Habang para akong nananaginip.

"Oi!!"...

Nabigla ako ng may tumapik sa akin.

"Ano ba yun?"Asik kong tanong.

" May gusto ka kay Kim noh?" Tanong niya pa.

"Matagal na." Bulong kong sagot sabay talikod.

"Hala! Ang suplada mo talaga." Pang-aasar niya sa akin.

"Tse! Umuwi ka na aalis na ako".pagtataboy ko sa kanya.

"Sige ingat ka Super girl disgrasya." Asar niya pa sa akin.

"Ewan ko sa'yo Xentimyento!" Bawi ko sa pang-aasar.

Sabay takbo habang bine-belat ko siya ng ganito └(^o^)┘

Hahahahaha siyempre hindi ako papatalo.

Kitang kita ko habang napipikon siyang sumakay ng motor niya.

Habang naglalakad ako para akong na-LSS sa kantang: "I've fallen for you".

"What is this a feelin' I just can't explain. When your near I'm just not the same".....

Naglalaro ang lyrics na yan sa isip ko.

"I tried to hide it. Tried not to show it. It's crazy... how could it be"...

♪♬♪♩

Mula paglalakad hanggang makasakay 'yan ang paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko.

Pagdating sa bahay na inuupahan ko. Nilapag ko lang ang gamit ko tapos pumasok ako sa kwarto.

"Nakakalungkot talaga mag-isa. HAIST" .. sa isip-isip ko.

Yakap ko ang unan ko habang nakatingin sa picture ng lolo at lola ko at ang picture ng taong nagpapatibok ng puso ko.

Walang iba kundi si .....

"Kim.....

++++++++

Excited na ako para sa mga next chapter/part ng story

Pls subaybayan niyo and pls Vote for this story. CLICK nio lang po yung Star. At libre po comment/suggestions

Lovelots ;)

Author √√√

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon