Part XXIII - Starting to change

25 1 0
                                    


Denise POV:

"Hi Den, I'm already here at the airport. See u soon always take care and pls wag ka magtatampo ha? "

Sender: Kim

😔😞😣

Eto na yata ang pinaka nakakagulat na message na nareceived ko ever. Aalis siya ng hindi man lang nagpapakita.

Hindi ko alam kung magrereply pa ba ako o hindi malamang din aman kasi hindi na rin niya mabasa yung text ko.

Pero maya-maya lang tumunog ulit ang phone ko. May tumatawag kasi ..

Xen calling .....

1 missed call

Xen calling ......

2 missed call

Xen calling ......

3 missed call

After nun hindi ko na pinansin ang phone ko at nahiga na lang ako sa kama at nagtakip ng unan para hindi ko na marinig yung pag ring ng phone ko.

After 2 hours ..

Pagkagising ko akala ko ilang minuto pa lang ako nakatulog kaya tinignan ko ang oras. Alas 12 na pala ng tanghali.
At ng mahawakan ko yung cellphone ko nakita kong may 20 missed call.

Agad kong tinignan expected ko si Xen lang yun at mangungulit na naman.
Pero nakita ko 5 missed call ni Xen at 15 missed call ni Kim.

Nanghihinayang kong binaba ang cellphone ko at nahiga na lang ulit. Nawalan na din ako ng ganang kumain.

Lumipas ang maghapon na tubig lang ang laman ng tiyan ko at pag higa lang ang ginawa ko.

5 pm na nung nag ring na naman ang cellphone ko.

Xen calling ..

Ayoko sana makipagusap at alam ko naman kukulitin lang ako nito pero sinagot ko pa rin..

Ako: Hello .. Bakit na naman?
Xen: Simba tayo Den?
Ako: Hmmmmm. wala ako sa mood umalis.
Xen: sige na? pls? wala kasi ako kasama mag simba nakakalungkot
Ako: Hai nako ayoko nga! kaya mo na yan sanay ka naman magisa di ba?
Xen: Ok sige bye.

Binabaan niya ako at dinig kong napaka lungkot ng boses niya. Nakaka konsensya sinabihan ko pa siyang sanay naman siya mag-isa kahit alam kong matagal na siyang nag-iisa dahil nasa abroad ang pamilya niya.

Hindi na ako nagtext nag asikaso na lang ako para maligo at makaalis na. Alam ko naman saang simbahan yun madalas nagsisimba sana lang andun talaga siya.

Lumipas pa ang isang oras para sa pag aasikaso ko bago ako lumabas ng bahay at sumakay ng Fx papunta sa mall katabi ng simbahan.

Pagkarating ko sa mall dahil sa maghapon nga akong walang kain. Pinili ko munang kumain. Habang kumakain tinext ko na rin si Xen pero wala ng reply baka nagtatampo o umuwi na.

Pagkatapos ko kumain sa isang fast food chain sa loob ng mall agad akong dumiretso sa katabing simbahan.

Pagdating ko dun nagsisimula na ang misa. Nagsesermon na ang pari palingon lingon ako para hanapin sana kung nandun si Xen. Pero sa dami ng tao malabong makita ko pa siya dun. Nang bandang communion na nag aalisan na ang ilang mga nagsimba kaya may nabakanteng upuan. Agad akong umupo sa bakanteng upuan.

Papaluhod na sana ako para manalangin ng magtagpo ang mata namin ng kanina ko pa hinahanap ..

Walang iba kundi si ...

XEN ..

~~~~~~~~~<

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon