XVII - mga kaweirdohan

31 3 0
                                    

Xen POV:

Maaga pa ako nakarating sa shop. 4:20 pa nga lang sa wall clock.

"Advance pala ng 10 minutes oras sa wrist watch ko". isip isip ko

"Teka bakit parang wala pang tao?". pagtataka ko...

Aakyat sana ako sa studio ng bigla akong may napansin sa office.

Mukhang masinsinang naguusap si Boss Rex at Ms. Renz. Paalis na sana ako ng makita kong biglang tumayo si Ms.Renz at akmang lalabas ngunit biglang yumakap sa likod niya si Boss Rex at pinigilan siya.

Kitang kita ko lahat ng nangyayari ng hindi nila ako napapansin dahil nasa ika 3 step na ako sa hagdan.Hindi nila ako makikita dahil paikot 'tong hagdan kaya natatakpan ako ng ibang steps pataas.

Nung makita kong bumalik na sila sa pagkakaupo dumiretso na ako paakyat sa studio. Pumasok ako agad at niligpit ang ilang gamit dun.

Napansin kong nasa veranda si Kim. Nakatayo lang doon at nakatingin sa malayo..mukhang malalim ang iniisip.

Lalapitan ko sana siya ng biglang ...

wink ..

wink ..

May nagtext ....

Agad kong tinignan at nakita kong si Denise pala ang nagtext.

Binasa ko agad ang text na nagsasabing baka daw ma-late siya dahil sa traffic.

Lalapitan ko sana si Kim kaso paglingon ko wala na siya sa pwesto niya kanina.

"Bumaba na siguro". wika ko

Dali-dali akong bumaba para hanapin siya.

Nakita kong nasa office na din siya ng kuya niya at mukhang mahalaga pinaguusapan nila dahil naka-kunot noo si Kim at Ms. Renz habang kita kong patuloy lang sa pagsasalita si Boss Rex.

Lumabas na lang ako ng Shop at nakasalubong ko si Kuya Red at si Nigel na assistant niya sa pagba-bake.

Nagbatian lang kami at pumasok na din sila.

Naalala kong replyan si Denise. Naisip ko din na sunduin na lang siya tutal lagi naman ako may dalang extrang helmet.

Pasakay na ako sa motor ng mapansin kong may bumabang magandang babae sa Taxi at patawid sa direksyon ng shop. Pero hindi ko na hinintay na makatawid pa dahil iniisip ko baka malate kami ni Denise pag di pa ako nagmadali.

Halos 10minutes ko lang binagtas ang ortigas avenue. Tumigil muna ako para tignan yung tinext niyang plate # ng jeep at kung saang location na siya.

Agad akong nag- u turn at isa-isang hinanap yung jeep na laman si Denise. Sa pangatlong paghanap nakita ko din ang jeep at sumungaw ako sa loob.

Kitang-kita ko siya dahil nasa bandang gitna lang naman siya nakaupo. Nakasimangot na hawak hawak yung cellfone niya.

"Denise lika na baba ka na diyan".sabi ko na medyo napalakas ata dahil nagtinginan lahat ng pasahero.

"Xen..". wika niya ng nakangiti

"Oh?Lika na .. baba na". ulit ko pa sa kanya.


Tagal naman bumaba ng babaeng 'to malalate na kami eh.

"Ah, oo andyan na". sagot pa niya habang pababa

Narinig ko pa na may nagsabi:

"Swerte mo naman Miss sinundo kapa talaga ng bf mo sa gitna ng traffic".

Natatawa ako habang naiiling sa narinig ko eh. Sasagot sana ako bigla lang umangkas si Denise kaya inabot ko na lang sa kanya yung helmet at pinaandar ko na yung motor.

Sobrang traffic talaga halos motor lang nakakalagpas dun sa truk na nakaharang sa daan. Buti at nagtext 'tong babaeng 'to kundi malamang sobrang late na siya makakarating. Kita naman na hirap na hirap yung MMDA na ialis yung nakabalandrang truk.

Mabilis lang naming narating ang shop dahil pagkalagpas dun ay wala naman talagang ka-trapik trapik.

"Ok ka lang ba Denise? akina ako na magaalis niyang helmet sa'yo". sabi ko sa kanya.

Teka bat tulala 'to? ano nangyayari sa kanya. Nakangiti lang siya habang tulala sa harap ko.

Tapos ko na maalis yung helmet tulala pa rin?

"Halika na Denise mala-late na tayo". ika ko sabay talikod sa kanya.

Nawe-weirdohan ako sa mga tao ngayon. Makapasok na nga .....

*****************

Thanks for reading :)

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon