Part VIII

57 4 1
                                    

Denise POV:

Hindi ko alam bakit ako tumakbo papasok dito sa CR. Bakit di ko sila kayang makitang magkasama? Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit tila yata nasasaktan akong masaya kasama ang iba?

BAKIT????????!!!!!!!

.

.

.

.

Naluha ako sa nakita ko. Di ko alam bakit nararamdaman ko 'to alam ko namang magkaibigan lang sila... magkaibigan lang din kami ...

"Magkaibigan lang kami, magkaibigan lang". Anas ko pa habang nakaharap sa salamin.

"Bakit ka ba kasi umaasa na magkaka-gusto siya sa'yo?" Inis kong sabi sa sarili ko.

"Pero naisip ko lang bakit nga ba ganito ako mag-isip? Eh magkasabay lang naman sila pumasok..." Patuloy ako sa pag-iisip.

Biglang may pumasok sa C.R kung nasaan ako.

"Hi.. :)

Kuntodo ngiti pang pag-bati ng dumating.

"Shit Denise!! Dinadaan ka na naman niya sa killer smile niya." Sabi ng isip ko.

"Hi Kim". Ganti kong bati

"Bakit parang namumula yang mata mo? May problema ka ba?." Tanong niya na ikinabigla ko.

"Ha?ah eh wala, wala naman. Kinusot ko kasi 'to kanina lang kumati kasi bigla." Pagsisinungaling ko.

"Sure ka? Baka meron ah? Just tell me baka may maitulong ako, wag ka na mahihiya para namang di tayo close niyan". Pangungulit niya pa para mapaamin ako.

"No, wala talaga 'to. I'm fine .. very much okay". Ngiti ko para maalis ang hinala niya.

"Oh, sige na nga. BTW, Den may lakad ka sa Saturday?". Tanong niya na naman

"Hmmmm.. bukod sa pag punta ko sa Venue ng kasal nila Mr. Del Rosario sa may Edsa Shrine... eh wala naman na after nun." Sagot ko

"Good! Well, I will accompany you on that day as Kuya's request. So after nun pwede ka ba sumama sa Event na pupuntahan ko?" Tanong na naman niya

"Ha? Event?? Anong klaseng event yan? Di pa kasi ako nakakapunta sa mga ganyang event event except sa mga school at wedding event. Hehe ". Natatawa kong paliwanag.

"Oh! I see.. That event would be an exclusive party for girls. Meaning no Boys allowed. So safe tayo kahit pa malasing tayo." Pagpapaliwanag niya

"Ha? Lasing? Ehhh.. Kim I don't drink and never ko pa na try ever since." Pag-amin ko.

"You don't have to worry, ang mga sineserve dun almost Lady's drink like tequilla, red wines, margarita etc." Paliwanag niya pa ulit

"Ok sige pero ikaw bahala sa akin ha? I really don't have experience in that kind of event."

"Sure, sure no problem. Siyempre ako nag-aya sa'yo so meaning I take charge in everything, so you don't need to worry ok?". Pagtatapos niya.

Ngiti na lang naging sagot ko. Pagkatapos ng usapan naming yun sabay na kaming lumabas ng C.R. Sobrang gentleman niya talaga dahil pinag bukas niya pa ako ng pinto palabas tapos pinauna niya ako...

"OMG! Denise ininvite ka niya sa isang event!!!!" Sigaw ng utak ko.

Pasikreto pa akong kinikilig habang naiisip ang mga pwedeng mangyari pag magkasama na kami ni Kim.

Kaso biglang ....

"Oi,oi ok ka lang ba diyan?''Tanong ng istorbo sa pag iimagine ko

Paglingon ko .....

(g2g)Love on a Photograph (TagalogLesbianLovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon