tres

44 7 0
                                    

Chapter 3


Pagkatapos kong mag-kwento ay nakita ko na iba-iba sila ng reaksiyon. May kinilig, umirap at walang reaksiyon.

"So ibig sabihin affected ka pa rin?" Sabi ni Macy sabay taas-baba ng kilay.

"Oo naman. Minahal ko pa rin naman siya e, hindi na siguro mawawala 'yon." Paliwanag ko. Minahal ko nga ba siya? O mahal ko pa rin siya?

"Ay vaklang toh! Naalala ko tuloy nung nag hang out tayo kasama ang buong barkada at siya! May pasandal-sandal ka pa sa balikat niya ah!" Natawa nalang ako ng mapait sa winika ni Rain. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Dahil 'yun ang unang beses ko siyang nakita sa personal, at siya ding huli.

"Pero Tori, minahal mo siya diba? Ang tanong minahal ka rin ba?" Tila tuluyan nang nawala lahat ng enerhiya ko sa tanong ni Rosie. Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Si Keith lang ang may alam.

Minsan ko nang naitanong sa kaniya 'yon. Pero lagi niyang dinadala sa iba ang usapan. Minahal mo nga ba ako, Keith?

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa ktv at doon nag walwalan. Laking pasalamat ko sa mga kaibigan ko at kahit sandali ay nawala siya sa isip ko. Pagka-uwi ko ng bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nahiga. Hangga't sa nakatulog na ako.

-

Nakailang ikot na ako dito sa Watsons pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang bibilhin ko. Ang hirap kasing gumastos, baka bilhin ko tapos hindi ko naman magugustuhan edi saying yung pera! Ang mahal pa naman ng mga make up.

Dinaanan ko ulit ang isang aisle kung nasaan ang mga foundation, dahan-dahan ko silang sinuyod ng tingin ng may matigas na bagay na tumama sa'kin. Na siyang dahilan ng pagbagsak ko. Tumingin ako sa likod at laking pasalamat ko at walang tao. Ayoko mapahiya no!

Pero nagulantang ang mundo ko ng tinigtan ko kung ano ang bumunggo sa'kin. Ay mali, Sino. Sino ang bumunggo sa'kin?

Ilang beses kong kinurap ang mata ko para masigurado kung totoo ba 'tong nasa harapan ko. Never in my wildest dream na inisip ko na mangyayari 'to. It seems like all the universe conspired for us to meet. My mind went black as he kneels on the floor. Shite, why is this happening?

Si Keith. Si Keith ang naka-bunggo sa akin.

Move On [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon