uno

108 7 4
                                    

Chapter 1


"Busog ka na ba? Gusto mo pa ba ng kaldereta?"

"Oo sige pa, kuha mo 'ko."

"Wait lang ah, jan ka lang."

"Oh, bes, akala ko ba kakain pa siya? Bakit sumasakay na siya sa kotse niya?"

At bigla akong napamulat. Napanaginipan ko siya. Ngayon nalang ulit siya nagpakita sa panaginip ko pagkatapos ng lahat. Hindi ko alam kung isa bang good sign yung panaginip na 'yon o ano. Buti pa sa panaginip na 'yon nag-uusap kami. Sana sa realidad din.

Bumangon ako sa kama at pumunta na ng banyo para makaligo. May lakad kami mamaya ng mga kaibigan ko.

Habang naglalagay ako ng kaunting kolorete sa mukha, kapansin-pansin ang nakasimangot kong mukha. Ang lakas talaga ng epekto niya sa'kin. Pustahan tayo hanggang mamaya siya na laman ng isip ko.

3:00 pm

Maaga pa kaya tumambay muna ako sa sala at nag-facebook. Alam ko isang katangahan at karupokan ang pag-silip sa profile niya pero hindi ko talaga mapigilan. Una kong nakita ang isang video kung saan masaya silang nagkukulitan ng kapatid niya. Napangiti ako ng mapait. Sigurado ako hindi naging ganyan kaaliwalas ang mukha niya noong may namamagitan pa sa'min.

Sunod ko naman pinuntahan ang dati naming conversation sa messenger. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit.

'Backread lang ang gagawin mo Tori, walang masama.' Sabi ko sa sarili ko.

Sa bawat pag-scroll ko ay nabasa at nakita ko ang mga pag-uusap namin na parte na ng nakaraan. Nakita ko rin yung isa naming picture nung una't huling beses naming pagkikita. Nagbabadya na ang mga luha ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Tori? Nasa labas na yung grab mo." Wika ng nakababata kong kapatid.

"Alis na ako ah, ingat ka jan." Buti nalang at umurong ang mga luha ko. Kung hindi baka ano pang isipin ni manong grab.

Move On [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon