Chapter 4
"A-Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin habang nakaluhod pa rin."K-Keith.."
Inabot niya kamay niya sa harapan ko, inaanyayahan akong tumayo. Pero bakit parang hindi ko magalaw ang mga paa ko. Bakit parang nakapako sila sa sahig.
Nabalik naman ako sa realidad ng mas inilapit niya pa ang kamay niya sa harapan ko. Nagdadalawang isip pa ako kung aabutin ko ba ang kamay niya. Pero naisip ko na baka mag-assume siya na na-star struck ako sa kagwapuhan niya. Kaya dali-dali ko nang inabot ang kamay niya at tumayo.
Pinagpagan ko naman ang pwetan ko para maalis ang nadikit na alikabok. Pinagpagan ko rin ang damit at pantalon ko kahit na alam kong wala naman dumi. Ayoko ko lang talaga simulan ang pag-uusap.
"Ayos ka lang Tori?" muli niyang tanong na nagpatayo ng tuwid sa akin. I miss hearing his voice ang his laugh.
"Ah oo, o-okay lang ako." Pagkatapos ay pilit akong ngumiti. Alam kong mukha akong natatae sa hitsura ko ngayon pero dedma na.
"Sorry k-kung nabangga kita. Nakatingin kasi ako sa phone ko habang naglalakad e." Paliwanag niya habang nahihiyang ngumiti at kinamot ang ulo. He's so cute! I'd kill for that smile! Pero ramdam kong nalalapit na ang pagtatapos ng lahat.
"Ah a-ayos lang y-yon. Hindi naman masakit. Hindi kasing sakit ng pag-iwan mo sa'kin." Sinadya kong sabihing pabulong yung last sentence ko. Hello, baka sabihin niya di pa ako nakapag move on.
"Wanna grab a lunch? Libre ko na, para peace offering ko sayo." Peace offering para saan? Sa pagbunggo o pag-iwan sa'kin?
Hindi rin naman ako tumanggi sa alok niya. Bukod sa nahihiya akong tumanggi ay isa rin akong dakilang marupok kaya hindi na ako nagulat ng mapagtanto ko na nasa fast food chain na kami.
Dumating siya ng may dalang dalawang burger at isang malaking bucket ng fries. Napangiti ako. Naalala ko noong sinabi ko sakanya na kapag walang fries ang meal ko sa fast food ay wala akong ganang kumain.
Pero pumasok rin sa isip ko na baka nasa menu talaga 'yon? Ex-fling meal?
Agad ko naman nilantakan ang fries na inorder niya. Ayoko magsalita kaya kakain nalang ako.
"Kamusta ka na?" Narinig kong tanong niya. Hindi ako nakatingin sa kanya. Nakatingin ako sa bata sa labas na umiiyak. Bakit kaya siya umiiyak? Hindi kaya siya binili ng candy? O baka pinalo siya?
"Tori." Nabalik ako sa ulirat nang lumabas sa mga labi niya ang pangalan ko.
"Alam ko hindi naging maganda yung pagtatapos na'tin. I know that I left you hanging. I was wrong. Sana mapatawad mo ako, Tori." Seryoso na siya ngayon. Ibinaba ko naman ang kinakain kong fries ng matapos siyang magsalita. Napangiti ako.
"Hindi ganon kadali magpatawad Keith. Alam mo ba na simula nung araw na 'yon, wala akong ibang iniisip kung hindi ikaw. Sa loob ng ilang buwan Keith, hindi pwedeng hindi ka pumapasok sa isip ko. Ganun kasakit." Natahimik kaming dalawa pagkatapos kong magsalita. Grabe, dati pinapangarap ko lang na magkaroon kami ng ganitong closure. Akala ko hindi na mangyayari.
"Pero wala Keith e, mahal kita." Napatingin agad siya sa akin. Ilang Segundo muna ang lumipas nang ma-realized ko kung anong mali sa sinabi ko.
"I-I mean, m-minahal kita e." Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Siguro guminhawa ang pakiramdam niya nang malaman niyang hindi ko na siya mahal. Pero ako naman ngayon ang mabigat ang dinadamam, pakiramdam ko nagsinungaling ako.
"Masaya ako at nakapag-move on ka na, Tori." I saw sincerity in his eyes and smile. It gives me a fresh mood. His smile is contagious. Pero hindi pa rin nito naalis ang tanong na bumabagabag sa akin.
"Keith, may tanong ako."
"Ano?"
"Minahal mo ba ako?"
And there was silence. Normally, if nasa kwarto ako or nasa school I would appreciate this silence but not now. This feels suffocating. Parang biglang lumawak ang espasyo na namamagitan sa aming dalawa. Sabi nga nila, So close yet so far. Ganun yung feeling.
Nakita ko yung nawala ang ngiti niya na nagbibigay sa akin ng kasiyahan. Biglang nawalan ng ekspresyon ang mukha niya. Hindi ko na siya mabasa.
"Sinagot na yan dati diba, Tori?"
Oo nga pala, minsan niya na ring sinagot ang tanong ko. Marahil ay kinalimutan ko ito dahil sa sobrang sakit. Ilang beses niya na palang sinagot ang tanong na 'yon, kinalimutan ko lang. Alam ko na ang sagot niya e, ayaw ko lang talagang intindihin at itatak sa utak at puso ko.
"Minahal kita Tori pero bilang kaibigan lang."
Parang biglang nag-slowmotion ang paligid. Silence invaded my ears, bigla nalang akong nabingi. Anong nangyayari? May sinabi pa si Keith bago siya dahan-dahan tumayo at umalis. Pero hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi.
Oo nga pala, kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ako lang pala ang nagpupumilit na humigit pa roon ang kung anong meron. Parang akong nasa isang movie dahil biglang nag-flashback ang lahat ng meron sa amin noon ni Keith. Lahat ng masasaya't masasakit.
Ako lang pala 'tong si tanga na nagpatalo sa laro na sinimulan ko. Ako rin pala ang nabilog at napaikot-ikot sa kamay ng taong pinagkatiwalaan ko ng buong puso. At sa huli, ako rin ang uuwing luhaan, sugatan at durog ang puso.
