Liam's POV
"Hoy pre ang lungkot mo na naman?" Sabi ni mark
"Miss na miss ko na siya pre" hindi ko namalayan tumutulo na pala yung luha ko
"Bakit hindi mo puntahan pre kaysa umiyak ka dyan"
"Kung pwede lang eh, kaso kailangan kong gawin 'to."
*1 week earlier*
Nag aayos ako ng ipang su-surprise ko sa girlfriend ko. Ang laki ng ngiti ko ng mabasa ko ang ginawa ko.
"HAPPY 3rd ANNIVERSARY HON"
Sa kwarto niya ako gumawa para pagpasok niya masu-surprise siya. Nagpapalobo ako ng lobo nang tumawag si mama, mama ni Brae.
[Liam anak, pumunta ka ngayon sa hospital. Si brae naaksidente] parang biglang bumigat ang magaan kong mundo sa sinabi ng mama niya
[Liam, andyan kapa. Titext ko sayo kung saang hospital. Bye]Agad akong bumaba at sumakay ng kotse, hindi ko na pinansin si manang doray. Kailangan kong makita yung mahal ko.
Pagdating ko nakita kong nakaupo si mama at umiiyak. Lumapit ako at hinawakan siya sa likod"Ma, ano po bang nangyare?" Napatingin naman siya sakin at bigla akong niyakap
"Liam" sabi ni mama na umiiyak
"Sabi ng nakakita, nagmamaneho ng kotse si brae. Paliko si brae ng may sumalubong sakanyang malaking truck" papa ni brae
"Nasa'n na po yung driver ng truck pa?" Galit kong sabi
"Patay na yung driver liam" bat ganun namatay agad siya, hindi niya pa napagbabayaran yung ginawa niya
"Kamusta po si brae pa?"
"Ginagamot na siya ng doktor, wag kang mag alala liam. Matapang ang anak ko" sabi ni papa at humawak sa balikat ko
"Liam, paano kung may mangyaring masama kay brae hindi ko kayanin nyun, hindi ko kakayanin" sabi ni mama habang hawak niya ang ulo niya
"Ma, walang masamang mangyayari kay brae, matapang siya. Hindi niya tayo iiwan" niyakap ko nalang si mama para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Nakita ko namang lumabas yung doctor
"Doc, kamusta na po girlfriend ko?"
"Sa ngayon stable na kalagayan niya. Kaso naubusan siya ng dugo, kailangan siyang masalinan agad"
"Doc, ako mag do-donate ako" sabi ko, kahit maubusan ako ng dugo para sakanya gagawin ko
"Type A dugo niya" sabi nang doctor kaso hindi Type B ako
"Ako doc, Type A ako" si mama
"Sige po, nga pala malaki ang damage sa ulo niya, maaring magkaroon siya ng amnesia dahil sa lakas ng impact. May posibilidad na makalimutan kayo ng pasyente" sa sinabi ng doctor hindi agad ako makapagsalita parang may bigla pumalo sa ulo ko at may naglagay ng tape sa bibig ko para hindi ako makapagsalita. Bat ganto nararamdaman ko, ang sakit ng puso ko.
"Doc, hanggang kailan po mawawala ang amnesia niya" mabuti't nakaya kong magsalita
"Hindi ko yan masasagot, pero kung lagi nyung ipapaalala sakanya kung sino at kung anong nakaraan niya. Maaaring mabalik ang alaala niya. Ah misis kailangan nyu pong magpa blood test para po sa anak nyu. Pwede niyo na siyang makita. Excuse me."
Agad naman akong pumasok sa loob, parang sumakit puso ko nang makita ko siyang may benta sa ulo, bakit sa girlfriend ko pa.
- - -
Agad namang nilipat ng private room sa brae, at kakatapos lang din nyang masalinan ng dugo. Ngayon nagpapahinga si mama at binabantayan ni papa.
"Pa, ma" lumapit ako sakanila at kumuha ng upuan
"Kung sakali mang makalimutan ako ni brae, sana wag nyu pong ipaalala sakanya na naging parte ako ng buhay niya. Kailangan ko lang po itong gawin, para rin po 'to sakanya. Sana po maintindihan nyu" sa mukha ni papa parang hindi niya ko naiintindihan, bigla naman siyang ngumiti sakin"Naiintindihan kita liam, talagang mahal na mahal mo yung anak ko. Sige hindi namin sasabihin sakanya" si papa ngiti lang sagot sakit ni mama
"Salamat po, alis na po ako. Babalikan ko lang po yung ginagawa ko sa kwarto ni brae"
"Sige liam, mag iingat ka" tumango naman ako at lumapit sa girlfriend ko
"Mahal ko, alis nako. Tandaan mo mahal na mahal kita, gagawin ko 'to para sating dalawa" hinalikan ko nalang siya sa nuo. I love so much Braelyn
Ang sakit parin balikan ng pangyayari. 2 araw nung mangyari yun nagising si brae, tumawag sakin si mama. Ang sabi ni mama naalala naman daw sila ni brae, napangiti naman ako. Tas tinanong daw ni papa si brae kung may kilala siyang Liam. Ang sabi ni brae wala daw, talagang nagkaamnesia siya at ako pa yung nakalimutan niya. Ang sakit, pinapapunta ako ni mama sa hospital pero hindi ako pumayag. Ayoko siyang makita, baka kase hindi ko mapigilan sarili ko baka ipaalala ko sakanyang boyfriend niya ko.
- - - -
"Alam mo pre, ikaen nalang naten niyan" tama, ikakaen ko nalang.
Pumunta naman kami sa 7/11 habang kumakaen. May dumaan na babae. Yung babaeng miss na miss ko na. May benda parin yung ulo niya, pero ang ganda pa rin niya. Kinuha ko naman yung cellphone ko at pinicturan ko siya. Saktong pag picture ko sakanya tumingin siya
"Aba bastos naman nito" sabi niya lumapit naman siya sakin.
"Pre, ang sarap talagang kumaen nuh" palusot ko
"Hoy kuya, bastos ka rin nuh. Burahin mo yung picture"
"Miss sigurado kabang pinicturan kita?"
"Kitang kita ko, nakatapat yung camera ng cellphone mo sakin. Burahin mo yun. Kung hindi u-upakan kita" sabi niya at umalis. Ganyan na ganyan siya nang magkakilala kami dahil pinicturan ko siya. I miss you mahal ko
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girlfriend (Short Story)
Short StoryKahit makalimutan man ako ng isip mo, hindi yun sapat na dahilan para iwan kita. Dahil alam ko hindi ako makakalimutan ng puso mo. Mas masakit ang mawala ka sakin, kaysa ang makalimutan mong mahal mo'ko.