2

1.5K 19 0
                                    

Liam's POV






Umagang umaga, ang ganda ng nakikita ko. Nandito kase ako sa favorite tambayan namin ni brae, Mini Stop. Lagi kami nandito twing umaga. Kinuha ko naman yung phone ko, pipindotin ko na sana yung camera kaso lumapit siya sakin.

"Ikaw na naman, ano pipicturan mo na naman ako nuh" taas kilay niyang tanong. Ang cute

"Hindi miss" limingon naman siya sa kanan kaya agad ko siyang pinicturan, tumingin naman siya sakin

"Aha, sinasabi ko na nga ba eh" tumakbo naman ako
"May araw ka rin sakin, Argh!" Nginitian ko nalang siya. Ang ganda niya talaga kahit nagagalit siya. I miss you so much hon.

Sumakay naman ako sa motor, nakita ko kaseng paalis na siya.
Sinundan ko naman. Pauwi na pala yung mahal ko. Pagpasok namin sa subdivision nagkasabay kami. Nakita niya siguro ako dahil binuksan niya yung bintana ng kotse niya at huminto.

"Hoy! Paano ka nakapasok dito? Sinusundan mo ba ako?"

"Assuming ka naman miss" I said then I wink her, at umalis na.

"Hoy! Kinakausap pa kita. Bastos ka talaga" rinig ko sabi niya

Pinarada ko naman yung motor ko sa tapat ng bahay nila, gusto ko lagi siyang safe na makauwi. Nakita ko naman agad yung kotse niya. Bumaba naman siya at lumapit sakin

"Bakit nandito ka sa tapat ng bahay namin, sinusundan mo talaga ako nuh" tinitigan ko naman siya
"Sumagot ka, wag mokong titigan. Stalker ka nuh!"

"Hindi kita sinusundan miss, nagkataon lang na huminto ako dito. Amp gusto ko sanang makipag kaibigan. Liam nga pala"

"Sigurado ka hindi moko sinusundan?" Tumango naman ako
"Braelyn" nakipag shakehands naman siya. Lambot ng kamay, I miss you mahal ko, gusto ko sanang sabihin kaso hindi pa pwede.
"Burahin mo yung picture ko ah"

"Oo miss, sige alis nako" sabi ko at sumakay na motor

"Teka, paano kaba nakapasok dito?"

"Dito rin kase ako nakatira. Sige bye" dumiretso agad ako sa bahay at kumuha ng alak. Narinig ko naman may voice message si mia sa telephone

[Hoy! Liam uuwi ako dyan, pero secret kung anong date. Bye]

"Liam, kumaen na ba?" Tanong ni nanay V

"Opo nay, salamat. Akyat po muna ako" si Nanay V ang naging pangalawang magulang namin ng kapatid ko, nang mamatay sa car accident ang magulang namin. Kaya sobra ang pasasalamat ko dahil inalagaan niya kami ng kapatid ko. Yung kapatid ko nasa ibang bansa, doon ko pinag aral.

Pagdating ko sa kwarto, humiga naman ako sa kama at kinuha yung cellphone. Tinitigan ko naman yung picture ni Brae. I miss you so much mahal. Gustong gusto kitang yakapin ng mahigpit kanina, pero pinipigilan ko lang sarili ko.

*phone ring*

Lisa Calling....

"Hello" sabi ko habang pinupunasan yung luha ko

[I miss you kuya]

"I miss you too sis, nag aaral kabang mabuti dyan ah?"

[Oo naman kuya. Bat ganyan boses mo, umiiyak kana naman nuh. Miss mo na si Ate brae, Naku ayan kase ginusto mo yan eh!]

"Tumawag kaba para pagsabihan ako, alam ko ginagawa ko."

[Hehe, sorry na. Tumawag lang ako kase miss na kita]

"Basta mag aral ka lang ng mabuti dyan. Wag kang mag bo-boyfriend ah. Kapag nalaman ko pupuntahan kita dyan. Sige na magpapahinga pa ko. Mag iingat ka ha"

[Opo kuya, bye. Love you muah]

"Sige, bye"

Matutulog nalang muna ako, mamaya makikita ko na naman siya.

  - - -

My Amnesia Girlfriend (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon