Liam's POV
Nandito ako ngayon sa coffee shop. Nandito rin si Brae, syempre lagi ko siyang sinusundan. Napatingin naman siya sakin
"Nandito ka pala, sinong kasama mo?" Tanong niya nung nakalapit na siya sakin. Magsasalita sana ako kaso may kumapit sa braso ko
"Liam, I miss you" si Mia pala, nagulat naman ako ng halikan niya ko sa pisngi. Napansin ko naman galit yung mukha ni Brae, napangiti naman ako. Ganyan siya kapag nagseselos.
"I miss you too mia" sabi ko kay mia at inakbayan siya. Pagtingin ko kay brae, hala salubong na yung dalawang kilay.
"Siya pala kasama mo, sige" ngumiti naman ng pilit yung mahal ko, halatang nagseselos. Umupo naman siya sa katapat naming upuan. Nakasimangot
"Pano mo nalaman nandito ako?" Tanong ko sa pinsan ko
"Syempre, favorite nyung dalawa ni brae 'tong lugar, kahit hindi ko pa siya kilala. Alam kong nandito ka, nung huling araw ko bago ako umalis diba dito tayo nag coffee" mahinang sabi niya
"Effective ba yung pagseselos?" Bulong niya sa tenga ko, kaya napatingin naman ako kay brae."Effective, galing mo pinsan" galit na kase yung mukha ng mahal ko
"Liam, pasyal mo naman ako. Dali" sabi ni mia nung pagkatayo niya at hinila niya yung kamay ko. Tinignan ko naman siya *hindi ko pwedeng iwan si brae mag isa look*
"Ano kaba, hindi naman siya mawawala. Tara na" wala naman akong nagawa kundi sumama.
- - - -
Siya na nagdrive ng motor ko, at ang baliw kong pinsan diniretso sa bahay ko.
"Hoy, bakit tayo umuwi. Binabantayan ko si brae" sabi ko sakanya at pinektusan ko siya
"Aray naman, ano kaba hindi naman mawawala yung girlfriend mo, tska ngayon ata napapatunayan mo nang mahal ka niya kahit limot ka niya. Dami mo ring alam nuh, pinag gagagawa mo sa buhay mo pati sarili mo pinapahirapan mo. Abnormal ka rin eh nuh"
"Umuwi ka lang dito para sermonan ako. Ang galing"
"Haha, oo kase para kang timang. Atleast ang ganda nang pagdating ko, napagselos ko yung gf mo. Dapat nga magpasalamat kapa sakin dahil baka bumalik na yung alaala niya"
"Baliw ka talaga"
"You're welcome" ngiting nang aasar na sabi niya.
Naalala ko pinicturan ko nga pala kanina si brae nung hindi siya nakatingin matignan nga. Pagkuha ko sa bulsa ko wala.
"Hala nasa'n na yun" kinapa ko naman yung kabilang bulsa. Sh*t wala rin
"Anong hinahanap mo?
"Yung cellphone ko, Tsk baka nalaglag nung humangkas ako sa motor, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko" tinawagan ko naman, nung una nag ri-ring, tas bigla namatay. Sh*t hindi pwedeng mawala yun
"Bwesit na yan, hindi pwedeng mawala yun" napaupo naman ako sa couch at napahawak sa ulo
"Makakabili ka naman ng bagong phone liam" tumabi sakin si mia at hinawakan ako sa likod
"HINDI PWEDENG MAWALA YUN, IMPORTANTE LAMAN NG CELLPHONE KO"
"I'm sorry mia" nakita ko kaseng natakot siya sa sigaw ko
"Sh*t kasalanan ko 'to eh. Arghh" Bigla nalang tumulo yung luha ko, nakakabakla pero sobrang importante sakin yun.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girlfriend (Short Story)
Short StoryKahit makalimutan man ako ng isip mo, hindi yun sapat na dahilan para iwan kita. Dahil alam ko hindi ako makakalimutan ng puso mo. Mas masakit ang mawala ka sakin, kaysa ang makalimutan mong mahal mo'ko.