Brae's POV
"Ate braeeee" salubong sakin ni lisa kapatid ni liam. Niyakap ko naman siya nang mahigpit
"Lisa, namiss kita"
"Me too, ate. Kamusta kana matapos ang isang buwan?"
"Ito maayos na, nga pala ba't ka umuwi nag aaral kapa sa state ah?" I ask
"Well, kailangan kong umuwi. Ito kaseng si kuya mag po-prop--- Ay wala wala" nagtaka naman ako nang hindi niya itinuloy yung sasabihin niya
"Ano yun lisa?"
"Ano kase ate, kaya ako umuwi dahil maaga bakasyon namin tska miss ko na si kuya tska ikaw. Si kuya ang daming alam nuh, sarap kutungan eh. Umiiyak dahil miss na miss kana daw niya yung panahon na may amnesia ka."
"Haha, oo nga eh. Oo nga pala sino yung mia?"
"Si ate mia pinsan po namin ni kuya. Kaya ate wag kang magseselos dun ha. Nakwento kase sakin ni kuya yun eh"
"Ih bakit hindi ko manlang nakilala yun?"
"Soon, ate makikilala mo na siya. Ate bihis kana may pupuntahan tayo" nakangiting sabi niya
"Saan naman?"
"Basta" at hinatak na niya ko paakyat sa kwarto ko
- - -
Nandito ako sa bahay nila liam sa may garden. Ang ganda, ang daming mga pictures namin ni liam sa may unahan. Nakita kong lumabas sila mommy and daddy, si lisa, mga kaibigan namin ni liam. Lumabas din si liam at may kasamang babae. Argh, si mia. Yung kamay niya nakahawak sa braso nang boyfriend ko. Napaikot naman yung dalawang mata ko. Nakakainis 'to ah. Lumapit ako sakanila
"Hands off" taas kilay kong sabi at tinanggal yung kamay niya. Kinuha ko naman yung kamay ni liam
"Kahit pinsan kapa niya, babae kapa rin. So back off he's mine""Don't worry, hindi ko siya aagawin sayo. Sayong sayo na yang abnormal kong pinsan. Anyway I'm Mia Andrada. Nice to meet you again. Enjoy" sabi niya at umupo sa upuan. Nang aasar ba siya
"Sabunutan ko kaya yang pinsan mo, sinabihan kaba namang abnormal" natawa naman siya sa sinabi ko. Sabunutan ko rin kaya siya
"Hayaan mo na, may pektus sakin nyun mamaya. Tara" tinakpan niya yung mata ko gamit kamay niya, Pinauna niya ako at siya yung nasa likod ko. Pagtingin ko sa unahan may nakasulat na
"WILL YOU MARRY ME" napatulo tuloy yung luha ko. Pagharap ko sakanya, nakaluhod yung isang tuhod niya"Mahal ko, alam kong masyado akong mabilis para mag propose sayo, pero kase gusto na kitang makasama sa iisang bahay, yung tipong uuwi ako galing trabaho ikaw agad ang unang makikita ko. Gusto kong ikaw yung maging ina nang magiging anak ko. Gusto kong ikaw yung kasama kong tumanda. Yung sinasabi nilang walang forever, tayo ang magpapatunay. Mahal na mahal kita brae, simula nung una kitang makita. Kaya promise ko sayo, hinding hindi kita sasaktan, aalagaan kita, papaligayahin, papasiyahin. Magkasama tayo sa hirap at ginhawa. Kaya Ms. Braelyn Ocampo Will you marry me?"
"YES, I WILL MARRY YOU" nakangiti kong sabi habang umiiyak, nilagay naman niya agad sa daliri ko yung singsing. Hinalikan pa niya ito. Ang sweet
"I love you so much brae, Thanks god dahil binigay ka niya sakin" sabi niya at hinalikan ako sa labi
"Mahal, may maganda akong balita sayo" sabi ko pagkatapos niya kong halikan
"Ano yun mahal?"
"I'm 3 weeks pregnant"
"YES!" Sigaw niya, niyakap niya ako at itinaas
"Guys, good news. Braelyn is pregnant. Yess, Daddy nako. Thank you mahal ko. I love you so much" sabi niya at paulit ulit niya kong hinalikan at pati na yung tiyan ko
"Hi baby, kamusta ka dyan sa loob nang tiyan ni mommy wag mong siyang pahihirapan ah. I love you both of you *tsup*" sabi niya at hinalikan yung tiyan ko
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girlfriend (Short Story)
Short StoryKahit makalimutan man ako ng isip mo, hindi yun sapat na dahilan para iwan kita. Dahil alam ko hindi ako makakalimutan ng puso mo. Mas masakit ang mawala ka sakin, kaysa ang makalimutan mong mahal mo'ko.