Brae's POV
"Mom, nasa'n na po si dad?" tanong nang anak ko
"Pauwi na si daddy bryll. May inaasikaso lang. Hintayin nalang naten siya ha" tumango naman ang anak ko. Ang pogi talaga nang anak, pinaghalo yung mukha namin ni liam. Bryll is 4 years old. Ang swerte namin ni liam dahil si bryll yung anak namin.
Liam, nasa'n kana ba. Sabi mo sunday ka uuwi galing state, Isang linggo ka lang do'n pero Tuesday na wala kapa. Kinakabahan nako.
*Phone ring*
Mister Ko Calling....
"Hello, mahal. Nasa'n kana ba?" Worried kong tanong
[Hello ma'am kayo po ba ang asawa ni Mr. Andrada, na-aksidente po siya. Nandito po siya sa hospital ng Saint Andres. punta na po kayo] parang biglang may dumagan na mabigat sa dibdib ko dahil sa narinig ko.
Nag uunahan sa pagtulo yung luha ko. Ganto siguro yung naramdaman ni liam nang ma-aksidente ako. Bakit...
"Mom, pauwi na po ba si daddy?" Agad akong tumingin sa anak ko, nabitawan ko na pala yung phone ko
"Anak, Pupunta tayong hospital" Tinawagan ako agad si lisa at si mia.
- - -
Pagdating namin sa hospital, saktong kalalabas lang ng doctor sa room ni liam.
"Doc, kamusta po asawa ko?"
"Okey na misis, may kunting galos sa kanyang katawan at may tama rin yung ulo niya. Sa ngayon kailangan niya pang obserbahan. Sabi nga pala nang nakakita yung nagdala dito sa hospital, may banggaan sa lugar kung saan nagmamaneho yung mister mo nang kotse, sumalpok yung kotse nang asawa mo sa poste. Anyway Pwede mo na siyang puntahan, excuse me."
"Brae/Ate" sabay na sabi nila mia at lisa. Lumapit sila sakin
"Kamusta na si kuya?" Hingal na tanong ni lisa
"Okey na daw sabi nang doctor"
"Pumasok na tayo" sabi ni mia at binuhat si bryll
Pagpasok namin, nakita kong may benta yung ulo niya at may mga sugat sa braso. Lumapit ako sakanya at hinakawan yung mukha niya. Napadilat naman siya. Pinunasan ko naman yung luha ko
"Mahal k-kamusta pakiramdam mo, may masakit ba?" Tanong ko habang hawak ko mukha niya, nagulat ako nang tanggalin niya yung kamay ko
"Sino ka? Mia, lisa sino ba siya?" Kinabahan ako bigla, ano 'to may amnesia siya
"Hoy kuya, hindi mo ba kilala yan. Si ate Brae yan. Asawa mo, Ito nga anak nyu oh" tinuro ni lisa si bryll na buhat parin ni mia
"Sorry miss hindi kita kilala eh" namuo naman sa loob nang mata ko yung luha na gusto nang tumulo. Kaya naglakad ako papuntang pinto at lumabas.
Doon na tumulo yung luhang pinipigilan ko. May amnesia siya, ako at si bryll ang hindi niya maalala. ang sakit lang, pero sasabihin ko parin sakanya na asawa niya ko at may anak kami. Oo, tama. Pagpasok ko nakita kong katabi niya sa kama si bryll, at nagtatawanan pa silang mag ama.
"Liam, naalala mo na ba si bryll?" Palapit na tanong ko sakanya
"Naalala ko naman talaga kayo, palabas ko lang na may amnesia ako" mapang asar na ngiti niya, parang biglang uminit ulo ko
"Bryll nak, punta ka nga muna kila tita mo" pagkaalis ni bryll, sinuntok ko sa tyan si liam
"Bakit mo ginawa yun, nakakainis ka" sabi ko at kinurot ko yung braso niya at pinaghahampas
"Ahhhh, aray ko mahal. Masakit yan. Sorry na sorry na. Iloveyou" napatigil ako dahil sa iloveyou niya
"Nakakainis, nag i-iiyak ako dyan sa labas ng pinto" kinurot ko naman yung pisnge niya
"Yan, buti nga sayo liam. Sinabunutan ko na yan kanina" si mia
"Mommy, tama na yan. Nasasaktan na si daddy" sabi nang anak ko, kaya tumigil nako. Kaso parang bigla akong nahilo
*blag*
"Mahal/Mommy" yan ang narinig ko bago ako mawalan nang malay
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girlfriend (Short Story)
Short StoryKahit makalimutan man ako ng isip mo, hindi yun sapat na dahilan para iwan kita. Dahil alam ko hindi ako makakalimutan ng puso mo. Mas masakit ang mawala ka sakin, kaysa ang makalimutan mong mahal mo'ko.