Brae's POV
Nagising ako nang may nakahawak sa kamay ko, si liam lang pala. Tinignan ko yung loob, nasa hospital room ako
"Mahal, gising kana. Gutom kaba may gusto kabang kainin ha?" Umiling ako
"Mahal anong ginagawa ko dito, ba't ako nakahiga?"
"Mahal sorry, na stress ka tuloy dahil sakin. Kaya ka nahimatay kanina kase buntis ka, at magiging daddy na naman ako. Yohooo, thanks for another blessing lord. Iloveyou so much brae" sabi niya at hinalikan ako sa labi
"Ta-talaga" hindi makapaniwalang sabi ko, ang saya naman
"Oo, oh ayan na. Tears of joy" pinunasan naman niya yung luha ko
"Si bryll, nasa'n tska sila mia at lisa?" I ask
"Hinatid nila mia at lisa si bryll kila mama at papa, tuwang tuwa nang malaman na magiging kuya na siya. Gusto niya agad ibalita" napangiti naman ako
"Ikaw, ayos kana. May masakit pa sayo?" Tanong ko
"Masakit pa katawan ko pero nawala nang malaman kong buntis ka ulit. Thank you mahal ko *tsup*" hinawakan ko naman mukha niya
"Tayong dalawa ang gumawa nang baby naten. Kaya mahal ko, thank you. Kaya mahal, mag ready kana uli kapag madaling araw ha. Mahal na mahal kita" bagsak balikat siyang tumingin sakin
"Nasa stage kana naman pala nang pag lilihi, pero okey lang" nginitian ko lang siya, hinalikan naman niya yung kamay ko at tiyan ko
- - - -
Liam's POV
After 3 years
"Mom, dad... Amber's bite me again" sumbong ni bryll, kaya lumapit ako sa kanila
"Amber, don't bite your brother, and you kuya. Maligo kana pupunta tayo sa lolo't lola mo. Umakyat naman siya sa papuntang kwarto niya, binuhat ko naman si amber
"Amber baby, ba't mo naman kinagat na naman si kuya?" Imbis sagutin tanong ko nag pout lang, ang cute...
"Nang gigigil na naman niyang si amber sa kuya niya" singit ni brae at kinuha si amber sakin
"Ah, kaya. Hahaha! Gawain mo ngang mangagat kapag gigil ka sakin nung mag boyfriend girlfriend pa tayo, kahit hanggang ngayon. Sa'yo nag mana yan si amber. Ayan lumalaking nangangagat" nakangiting sabi ko, sumimangot naman yung mukha niya
"Hindi ka makaka score kapag tapos na yung means ko" sabi niya at nag walk out, napatingin ako sa pwetan niya. Tinagusan na, Lumapit ako sakanya
"Mahal, may tagos kana" bulong ko sakanya, tumingin siya sakin at binigay si amber. Naglalakad siyang tinatakpan yung tagos niya.
Hay, ang saya nang buhay ko. Napakaswerte ko sa asawa at sa mga anak ko. Meron akong dalawang anak na binigay nang diyos at asawang mapagmahal. Ako na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Wala na 'kong mahihiling pa kundi maging masaya at matatag ang pagsasama namin ni Brae at maging maayos ang pamilyang binuo namin.
THE END
****
(I hope you like it guys. Thanks for reading)
‘Not your typical author’
- Laideeji
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girlfriend (Short Story)
Truyện NgắnKahit makalimutan man ako ng isip mo, hindi yun sapat na dahilan para iwan kita. Dahil alam ko hindi ako makakalimutan ng puso mo. Mas masakit ang mawala ka sakin, kaysa ang makalimutan mong mahal mo'ko.