Prologue

2K 25 5
                                    

Pagwasak ako, nandyan siya para buuin ako. Pag-umiiyak ako, nandyan siya para patawanin ako. Pag-nasasaktan ako, nandyan siya para maging sandalan ko. Pagnahihirapan na ako, nandyan ka para samahan ako.

Pero hanggang kailan mo kaya magagawa lahat nang 'yan? O kaya paano kung ikaw naman ang maging dahilan ng lahat nang 'yan?

Mas masakit siguro 'yun sa napagdaan ko noon. Dahil yung dating naging sandalan ko, siya na ngayon yung nagpapahirap sakin ngayon.







"You, Bastaaaaaaard!" sigaw ko kay Van habang hinahabol siya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito sa corridor. Di ko sila masisisi, ikaw ba naman makakita na naghahabulan at nagsisigawan pa sa corridor na para mga bata.

"Hahahaha!" patuloy pa rin ang pagtawa niya habang tumatakbo.

"Akin na yang sapatos ko!" sigaw ko. Yeah, sapatos. Kinuha niya yung sapatos ko nang biglang magbell as a sign of recess.

"Ayoko nga!" tawa pa rin siya ng tawa. Pababa na siya ng hagdan nang mapahinto siya, kaya naman dali-dali ko siya pinuntahan at sabay agaw ng sapatos ko na hawak niya.

"Masyado kang papansin 'no?" sabi ko sa kaniya habang pinasok ang sapatos ko sa paa ko. "Anong tinitigna--" natigil ako sa pagsasalita nang hatakin niya ako sa braso pabalik sa tinakbuhan namin.

"Let's go." bigla na lang siyang naging seryoso.

Binawi ko yung braso ko sa kaniya kaya napahinto kami. "Wait, What's with that serious face?"

"I said, Let's go." hahawakan niya sana uli ako nang bigla akong nakarinig ng boses na nagpahinto sakin.

Napalingon ako sa boses na yun at nakita ko siya. Si Dion. Paakyat siya at may kasama siyang babae at mukang nagkakatuwaan sila.

Napahinto sila nang makita ako. "Oh, Hailey." Bigla na lang ako di makagalaw.

"Who is she, babe?" napalingon ako sa babaeng kasama niya. Babe?

"Ah, She's Hailey. My e-- friend." sagot ni Dion.

"Okay. Hi, I'm Stephanie. Steph for short. His Girlfriend." pakilala niya sakin sabay abot ng kamay at ngumiti. Tinignan ko muna 'yon bago tinanggap. "Hailey Reign."

Syempre kailangan ko tanggapin 'yon. Yes, I should be harsh oh her but I prefer to be silently hurting. Hindi naman kasalanan ng babaeng 'to na naghiwalay kami. In fact, I should be treat her normally, wala akong karapatan na sisihin siya. Ex na lang ako. Dehado ako kapag nagkataon na inaway ko pa siya. Besides, Dion introduced me to her that I'm just his friend. A FRIEND, hailey.

Pero angsakit lang. May bago na agad siya. Sobrang sakit parin ng pag-iwan niya sakin tas ngayon, magpapakita siya sakin na may bago na naman?

Nag-iwas agad ako ng tingin dahil baka makita nila na namumula yung mata ko. Oo, naiiyak na naman ako. Hindi ko maatim na may kasama siyang iba at mukhang masaya pa na parang wala nangyaring break-up.

"Tara na sabi, Reign." buti na lang at nandito si Van at dali-dali akong hinila. Dumiretso kami sa rooftop ng building. "I dragged you that time so don't put a blame on me."

"I don't." tanging sabi ko kasabay ng tulo ng mga luha ko. Pumunta ako sa railings at tinanaw ang mga building na nakikita ko. "Bakit ba hanggang ngayom siya pa rin?! Kailan ba kita makakalimutan?!" sigaw ko.

Naramdaman kong tumabi sakin si Van. "Lesson Learned. Don't love too much because if you do, you only receive pain in the end."

"I'm serious here, Asshole!" asik ko sa kaniya habang umiiyak. Parang pinapalabas nito na kasalanan ko pa. Hindi kasalanan ang magmahal, Van.

"I'm just trying to enlighten up your mood." sumandal siya patalikod sa railings.

"You failed, then!" napahikbi na lang ako sa sobrang pag iyak. "It hurts a lot, Van." naramdaman ko yung kamay niyang hinahagod yung likod ko.

"If I can only ease your pain, Reign." biglang sabi niya. "Iyak mo lang 'yan. Kailangan mong maging matatag. Alam kong makakalimutan mo rin siya. Hindi ngayon."

Niyakap ko na lang siya bigla. "I still love him, Van. Sobrang nasasaktan ako nung ayaw na niya sakin at mas doble pa when I saw him with other girl. At kanina, dineny niya ko bilang Ex niya. Kahit bilang Ex niya, di niya 'ko maipakilala."

"Sshh..." pag-aalo niya sakin. Laking pasasalamat ko na siya ang kaibigan ko. He's only my Boy Bestfriend and I'm glad that I met him. I found a guy who can comforts you when you're hurt a lot, to the point, you don't have to find a boyfriend.

"Mahal ko siya eh. Sobra pa nga pero di siya kontento. Ano bang kulang sakin, Van? May pagkukulang ba 'ko? May nagawa ba 'kong mali? Sana sinabi na lang niya. Ibibigay ko, itatama ko, kaya sana di na lang niya 'ko iniwan."

Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinarap ako. "Wala kang pagkukulang. Wala kang ginawang mali. In fact, you're almost perfect ideal girlfriend, Reign. It's just thay he doesn't deserve a girl like you. Ikaw ang lugi. You love him but Dion? Nah. He didn't in the first place."

"I know that."

"Use it as a reason to forget him, then." yeah, maybe, he's right. Pero kaya ko ba? Kaya ko ba kalimutan ang taong nagparamdam sakin na espeyal ako kahit peke? Na minahal ako kahit peke? Or maybe no.

But I'm looking forward for it...

Akala ( Hopeless Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon