7: Camping (Part 1)

196 2 2
                                    


"Need help?"

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko. Kanina pa kasi ako nahihirapang kunin iyong mga bag ko sa taas. Oo nga pala, siya naglagay ng mga ito sa taas kaya dapat siya ang kumuha.

"Yes." sabay irap ko na lang sa kaniya. Ayokong magkaroon kami ng mahabang usapan. Naiinis parin ako sa kaniya.

Nagulat ako nang dumaing siya. Napalingon ako sa kaniya. Bigla akong napahalakhak. "Clumsy." pano ba naman kasi, nalaglag sa mukha niya yung medyo maliit kong bag.

"Ano bang laman kasi nitong bag mo? Anliit pero mabigat. Psh." sabay lapag niya lahat ng mga bag ko sa upuan.

"Pake mo ba?" sabay halungkat ko sa bag ko at kinuha iyong camera, cellphone at wallet. Hindi ko na siya pinansin saka lumabas na ng bus. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Veronica, kaklase kong nerd.

"Hi." nanatili akong nakatingin sa kaniya, nagtataka kung bakit niya ako inapproach. I mean, she's a nerd. Hindi siya namamansin sa kahit sino naming kaklase, siguro nakikipag usap pero pag kailangan lang. She's supposed to be quiet, mag- isa lang sa tabi at nagbabasa. Hindi ako nangja-judge ah pero ganon naman normal na nerd eh.

"Wondering why i approached you?" makapagsalita siya parang di nerd ah.

"Uhm... yes?" tanong ko lang.

She chuckled. "Anyway, can I join you on your tent-- ay wait! Your tent or my tent?" napakadaldal niya ngayon?

"You're weird." sabay iwas ko ng tingin. Di ako sanay na nakikipag usap sa kaniya. Saka bakit siya makikishare ng tent sakin?

Hindi niya pinansin iyon puna ko. "Sabi ni Ma'am, two persons per tent. It's either sayo ang gagamitin o akin."

Napatingin ako sa kaniya. "Sige ikaw na lang kasama ko." nginitian ko siya. Nagulat ako nang humawak siya sa braso ko saka hinila ako. "Hoy saan tayo pupunta?"

Tumawa siya. "Hindi ka nakikinig kay sir. Sabi niya, magtayo na tayo ng tent bago simulan ang mga activities na gagawin. At... yes, hindi na tayo magtatanim dahil nagawa na daw ng ibang section. Mag-aactivity na lang tayo." alam na niya iyong tatanungin ko sana ah.

Napatingin ako sa phone ko. It's already 2:00 pm at nagugutom na ako. "Veronica?"

"Yes?" lumingon siya sakin saka tumigil. Napatingin ako sa pwesto namin. "Nga pala, akin na tent na lang gagamitin ah? Bakit pala?"

"Nagugutom na ako. Pwedeng ikaw na lang magtayo ng tent? Kakain lang ako bus saka di naman ako marunong magtayo ng tent." sabay puppy eyes ko sa kaniya. Alam ko kasing hindi siya papayag dahil mahirap talaga magtayo ng tent

"Oh sure! Bumalik ka na lang agad. Baka hanapin tayo ni Ma'am." nagulat ako na pumayag siya pero umalis na lang ako at pumuntang bus.

Pag-akyat ko ng bus ay nagulat akong nandun parin si Lyster sa upuan namin, sapo ang kaniyang ulo. "Hoy." tawag ko sa kaniya pero parang di niya ako narinig. "Hoy!" nilakasan ko.

Gulat niya akong nilingon pero nakabawi din. Walang reaksyon niya akong tinitigan. Ano problema nito?

"May dumi ba sa mukha ko? Huwag mong titigan, sabihin mo kung saan." sabay irap ko at kinuha iyong bag ko.

"Why are you here?" nakabalik na siya reyalidad.

"Sayo ba itong bus? Kakain ako eh." hindi na ako nakarinig ng sagot sa kaniya. Wala ata sa mood.

Umupo ako at nagsimula nang kumain ng baon kong kanin at ulam. Napatingin ako sa kaniya na nakatulala at pawis na pawis? "Gusto mo?" nakakabastos naman na hindi ko siya inaalok. Alam ko namang di siya kakain at leasr inalok ko diba?

"Hindi na. Salamat." sabay labas ng bus. Sinundan ko lang siya ng tingin na nagtataka. Mood wings?

Nagpatuloy lang ako sa pagkain saka lumabas na dala-dala ang mga gamit ko. Nadatnan ko si Veronica na tapos na sa tent.

"Done. Welcome to our little house!" masiglang sabi niya. Napakunot noo ko siyang tinignan. "What? Ilagay mo ma sa loob gamit mo. Nandiyan na akin."

Iling akong pumasok at nilagay gamit ko. "Kumain kana ba?" tanong ko pagkapasok niya. Wala naman kasi akong maisip na topic. Nakakabastos kung di ko siya kausapin kahit di kami close.

"Oo nung wala ka. Ako lang mag-isa kumain. Dapat pala dito mo na dinala iyo." sagot niya habang naghahalungkat sa gamit niya.

Hindi na ako nakasagot dahil narinig namin si Ma'am na pinagpupulong lahat. "Class, you may choose what you will play as long as everyone agree. It's majority wins. You can all decide now. I'm going back after 10 minutes. Pupunta lang akong kabilang section para makibalita."

Umalis na si Ma'am kaya nagsalita na ang President namin na si Melissa. "Guys! Ano gusto niyo? Magsuggest na kayo at hindi puro daldal inaatupag niyo!"

Napairap ako. I don't like her. Una pa lang ng klase ayaw ko na sa kaniya. Bakit? Syempre nung ninominate siya bilang president, nagkukunwari pang ayaw, may pasimangot pang nalalaman pero nung nanalo siya todo ngiti ang pinakita niya sa harap. Judgmental na ba ako? Eh naiinis ako sa ganon eh.

"Hide and seek!" sigaw ng isa naming kaklase. Tagu-taguan? So childish.

"Tumbang preso!" what? Masyadong larong pangkalsado naman yon.

"Piring piringan!" ano? Isa pa ito. Parang larong pangkalsada pero di ko alam yon.

"Truth or dare!" what? Masyadong common!

"Wait, guys!" sigaw ng president namin. Tila naiirita na. "Ba't di kaya natin tanungin si Lyster?" malanding sagot niya. Wth. Bakit kailangan ng opinyon nya? I mean-- uh! Nevermind!

Hinanao ng mata ko si Lyster at nakita ko siya nakasandal sa isang puno habang nakatingin sakin-- Ano? Sakin nga!

"Lyster? Any suggestion?" may halong landing tanong ni Melissa. May gusto siya kay Lyster? Landi!

Napakunot noo ko na nilabanan tingin niya hanggang sa nag-iwas siya ng tingin sakin saka bumaling kay Melissa na walang reaksyon.

"Why you only asking me?" masungit na tugon niya.

Parang napahiya si Melissa na napatingin sa lahat ng kaklase namin sabay tingin uli kay Lyster. "Uh, of course I'll ask them. Masyado ka kasing malayo sa mundo namin. Join us."

"I'm not going to join." sabay kuha ng phone niya at inabala ang sarili.

"Angsungit talaga niya." napatingin ako kay Veronica nang magsalita siya.

"Napapansin mo siya? I thought you don't care to people around you." sagot ko.

"You really see me as a nerd huh?" napakahukipkip siya. Napansin niya pala?

Hindi ko na siya nasagot nang magsalita uli si Melissa. "Okay, guys! Ano ba talaga gusto niyo? Babalik na si Ma'am, hindi pa tayo nakakaisip!" inis na anunsiyo niya. Magdusa ka jan! Gusto mo magpresident ha!

Madaming nagsigaw ng mga suggestion nila pero ang nangibabaw ay itong Hide and seek. Halos lahat puro pambata sinasabi, walang matino.

"You think it's boring and childish?" napatingin na naman ako kay Veronica. Angdaldal niya ngayon. Napabuntong hininga na lang ako. "I think the same."

"Tara? Sa tent na lang tayo?"

Sa wakas! May maganda siyang simabi sa buong puro daldal niya! "Ah, yeah. That's a good idea."

Pumasok kami sa tent at nagkulong doon. Hindi naman siguro kami mapapansin dahil medyo malayo sila samin.

-BinibiniNaTaguro

Akala ( Hopeless Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon