3: I know

375 4 0
                                    


Nagbell na at nandito parin ako sa Field. Siguro nag umpisa na ang klase. Ayokong pumasok. Wala akong Homework sa History. Hahaha.

Nakaupo lang ako at pinagmamasdan ang lawak ng Field. Pumikit ako.

"Angsaraaap." bulong ko habang ninanamnam ang hangin.

"Masarap hindi pumasok?" napadilat ako nang may magsalita.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko. "Walang tao."

"Sa Likod." lumingon ako dun. Dion.

"Ba't ka nandito? May klase na." sabi ko saka tumingin sa harap ko.

Ba't pa siya nandito? Sinusundan niya ba ko? Bakit naman? Wait, Hailey, Nag-aasume ka na naman.

Naramdaman kong tumabi siya sakin. "Ayoko din pumasok. Tinatamad ako." Di ako kumportableng nandito ka.

"Ah, ba't nandito ka naman? Andami pwedeng tambayan." Umalis ka na!

"Wala. Punta sana ako ng Garden tas nakita kita." So? Wala ka namang pake sakin, bat mo pa ko kinakausap

Bitter ko lang. "Ah."

Biglang natahimik kaming dalawa. Kakainin na talaga sana kami ng sobrang katahimikan nang magsalita uli siya.

"Galit ka pa rin ba?" Oo!

"Hindi." sabi ko lang. Awkward!

"Alam ko, oo." Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa! Teka, sobrang bitter ko na ha. "Lalo na nung di kita pinakilala bilang ex man lang." Buti alam mo!

"Ah, ayun? Wala 'yun. Maliit na bagay." nasaktan mo nako.

"Hindi. May rason ako, Hail." seryosong sabi niya. Napatingin ako sa kaniya pero agad kong binawi.

"Ano naman 'yon?" sabi ko lang.

"Kilala ko si Steph. Pagnalaman niyang ex kita, pag-iinitan ka non. Guguluhin ka niya. Magseselos siya. Sinabi kong... sineryoso ko talaga yung huling ex ko."

Wait, tama ba yung narinig ko? Sineryoso niya 'ko? Wag mag-assume, Hailey! Syempre, pagkatapos mo, marami na 'yang iba!

Pero... Hindi eh. Ako talaga yun. Ako daw ang guguluhin kasi ako yung tinutukoy na huling ex.

"H-ha?" nauutal ako, shet.

"Oo, sineryoso kita. Seryoso ako sayo." Oh God! Wag ka papadala jan. "May dahilan din ako kung bakit tinapos ko ang satin."

Napatingin ako sa kaniya. This time, Hindi ako agad nag-iwas. "Ano, Dion?"

"You don't need to know, Hail. Tapos na rin naman. I did it for us."

"I don't get you. Pero, tama ka, tapos na rin naman. Hindi na mababalik." sabi ko saka tumingin na sa malayo.

"Dion?" napalingon kami sa nagsalita at nakita namin si Steph na nakakunot-noong nakatingin samin.

"Babe..." napatayo kami. Bigla akong kinabahan. Baka narinig niya...

"Ba't kayo magkasama?"

"Ah, Babe. I told you, She's a friend of mine." lumapit si Dion sa kaniya. "Normal lang na magkasama kami."

"Ah..." ngumiti siya sakin. "Hi, Hailey."

Ngumiti na lang ako. "I have to go, Dion, Steph. May klase pako."

"Okay." ngumiti uli ako saka naglakad paalis.

"Muntikan na..." bulong ko.

Gusto ko talagang umalis don. Ayokong makasagabal sa kanila saka ang makitang magkasama sila? Nah, ayoko. Masakit pa rin.

Nagtungo na lang ako sa Cafeteria pero nasa hallway pa lang ako ng makarinig ako ng pito.

"Patay." sabay takbo sa kung saan. Basta hindi ako mahuli ng gurad na nagroronda. Takbo ako ng takbo pero habol naman ng habol yung guard.

"Hoy, tumigil ka!"

Takbo lang ako ng takbo hanggang may kamay na humablot sakin at napunta kami sa likod ng poste

"Asan na 'yun?" rinig ko yung guard.

"Ssshhh." pagpapatahimik sakin ng humablot sakin. Hindi ako makapagsalita kasi tinakpan niya yung bibig ko.

Sshh ka pa, di naman ako makakapag ingay kasi tinakpan mo na!

Nang wala na kaming narinig ay nagbitiw nako sa kaniya at hinarap siya.

"What do--- Sevilla?" Yeah! Si Sevilla nga!

Umismid lang siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Malamang, nagcutting din 'to.

"Is that your way of saying thank you? You're welcome, then." sabay alis sa harap ko na nakapamulsa.

"Hoy." sabi ko sabay habol sa kaniya.

"What?" bored na sagot niya.

"San ka?"

"Sa Cafeteria."

"Sama ako. Bored ako eh. Di ako pumasok ng klase din. Ikaw?"

"Same." sagot lang niya. Angtipid naman nito magsalita. Di kaya napapanis yung laway ng taong 'to?

Habang naglalakad kami ay walang nagsalita. Nahihiya naman akong mauna, baka sabihin nito ang-ingay ko.

"May tanong ako." biglang salita ko. Ops, di ko talaga mapigilan.

"Hm?" grabe talaga.

"Ba't ka kilala ni Sir? Saka Ba't ka nandito?" Stupid question, Hailey.

"First, transferee ako dito. Second, I'm here to study. Satisfy?" sagot naman niya. Seriously?

"No. Pano ako masasatisfy niyan? Eh, yung sagot mo pangpilosopo." sabay irap ko.

"Anong tawag mo sa tanong mo?"

Napangiwi ako. Anghirap kausap ang ganitong tao.

"Okay. Just don't answer it." naiiritang sagot ko.

Nakita kong ngumisi siya. Napansin kong madaldal yung mukha niya. I mean, dun niya lang nilalabas yung sagot niya kesa magsalita. Weird.

Nakarating na kami ng Cafeteria. Umupo ako. Ganon din siya pero sa harap ko.

Tumayo ako. "Ako na bibili--"

"Ako na. Umupo ka na lang diyan." tinatamad na sabi niya.

Napaawang ang bibig ko nang umalis siya. Hindi ko alam kung anong meron dito sa lalaking 'to. Paiba-iba. Nung una kaming nagkita ay parang wala siyang pakialam kung babae ako na makakalaban niya nung P.E. pero ngayon? Gentleman huh? Baka naman, nag aalala lang siya na baka iba ang bilhin ko sa kaniya. Na baka di niya magustuhan. Ugh, ewan.

Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa may entrance ng Cafeteria. Tinignan ang mga estudyanteng pumapasok. Baka tumakas din ito sa klase nila.

"Here." nagulat ako. Nandito na pala siya. Tinignan ko yung bibili niya.

"Fries and Coke lang?" taka kong tanong.

"Oo. Wala ka namang sinabing madami o kung ano bibilhin ko."

Napairap ako. "Kase inunahan moko! Ako na sana bibili."

"Just eat. Dami mong sinasabi." sabi niya lang saka kumain.

Kumain na lang din ako. Anghirap niya kasama. Sa susunod nga, di nako sasama dito. Isa pa 'tong bored kasama.

"We're not formally introduce to each other." sabi ko pagkatapos lunukin yung fries.

"Do we need that?" bored siyang tumingin sakin.

"Why not?" taas kilay na sabi ko. "I'm Hailey Reign Reyes."

"I know." nakatingi pa rin siya sakin.

"Wait, You know?" takang nakatingin ako sa kaniya.

He just ignore my question. "I'm Lyster Sevilla."

Akala ( Hopeless Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon