2: Guy

487 5 0
                                    

"Okay, today, we're having a practicum. So I call two names that two will perform self defense but you only do that if you'll attack each other. Hindi ko sinasabing saktan niyo talaga ang isa't isa. Maybe, pwedeng may konting galos pero hanggang dun lang. Bawal manakit ng todo. Understand, Class?"

"Yes, Sir!"

"Okay, As of now, I challenge..." Kinakabahan ako. Baka kasi ako ang matawag! Marunong naman ako pero yung kalaban ko lang! Baka magaling siya.

"Ms. Agoncillo and Mr. Enrique." I sigh. Buti na lang hindi pa 'ko.

"Sa tingin mo, Sino mananalo sa kanila?" tumabi sakin si Van.

"Hmm, wala. Wala naman sinabing maglalaban talaga. Sinabi lang na magpakita ng Self defense." magsimula na sila.

Unang umatake yung lalaki na susuntukin sana yung babae pero hinuli nito ang kamay saka iniliko palikod ng lalaki. Napangiwi siya. Siniko ni Lalaki si babae kaya nabitawan siya nito.

"Kahit na, yung magaling sa kanila kumbaga. Yung walang masyadong galos."

"Yung babae."

"I think yung lalaki." He's referring to Enrique.

"Hmm.. Let's see."

Sinipa ng lalaki ang binti ni babae kaya napaupo ito. Naglaban pa sila hanggan sa pinahinto na ni Sir ang dalawa.

"Stop." tumayo ma si Sir kaya tumigil na yung dalawa. "Maganda performance niyo pero bihira lang ako nakakakita ng self defense. Sagana kayo sa pag atake."

"Sorry po." sabay na sabi nila.

Nakita kong may galos yung lalaki pero mas madami yung galos ng babae. Sa tingin ko, mas magaling yung babae. Hindi naman 'yon sa dami ng galos eh, nasa performance naman.

"Ms. Agoncillo, you did well. Keep it up. You may rest." sabi na nga ba!

"Kinakabahan ka?" singit ni Van.

"Actually, yes. Hindi ako masyadong magaling dito saka baka mapahiya ako." napatingin ako kay Dion na ngayon ay nanonood na lang sa sumunod na naglaban na kaklase namin.

"Huwag kang mag-alala. Nandito naman ako. Di kita pababayaan." napatingin ako sa kaniya na nanonood lang.

Ano?

"Huwag mo'ko masyadong titigan. Ayokong mahulog ka kasi di kita kayang saluhin."

Napaiwas ako. "P-pinagsasabi mo?"

He chuckled. "Just kidding." Sapakin ko kaya 'to? Kapal ng pes!

"Next, Ms. Reyes and Mr..." gulat na napatingin ako kay sir. Oh my gulay! Ako na?! Saka Mr....?

"Mr. Sevilla." Wait, ano?

"What? Wala tayong kaklaseng Sevilla."

"Yeah, baka nagkamali lang si Sir."

"Baka kabilang Section 'yan."

Yeah, right. Walang Sevilla dito. Sino naman kayo 'yon?

"You're Late." biglang nagsalita si Sir na nakatingin lang sa List niya. What? Nababaliw na ba si Sir at kinakausap niya 'yang List niya?

"Waah, anggwapo niya!"

"Sinusundo na niya 'ko! Hahaha! Choss!"

Akala ( Hopeless Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon