4: Classmate

435 5 0
                                    


"Hoy, tinatanong kita."

"Ano ba kasi 'yun?" naiinis na tanong ko. Nakakainis naman kasi, tanong siya ng tanong.

"Saan ka kako nanggaling kahapon? Ba't absent ka?" tanong na naman niya.

"Shut up, Van. I told you. Nakatambay lang ako sa dorm. May lbm ako nun." pagdadahilan ko.

Naalala ko yung pag-uusap namin ni Lyster kahapon. Kilala na niya 'ko kahit di pa kami nagkikita. Yun lang sabi niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Super weird.

"Liar. Nakita kita kahapon nakauniform." napatingin na ko sa kaniya.

"What?"

"Oo. Galing akong cr nang makita kitang tumatakbo. Sino tinatakbuhan mo?" pag-uusisa niya sakin. Nagulat ako nang inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

Nanlaki ang mata kong nakatingin sa mga mata niya. "W-what are you doing?" sabay tulak ko sa mukha niya.

"I'm asking you, Reign."

"Bakit ba? Ano naman kung di ako pumasok?" pagtataray ko. Di ko alam kung bakit ayaw kong sabihin sa kaniya.

Tinignan niya lang ako kaya napabuntong hininga ako. "Fine! Tumambay ako sa Cafeteria. Tinatamad akong pumasok. At kung bakit ako tumatakbo nung makita moko? Hinahabol ako ng Guard non. Okay na?"

Hindi na siya nakasagot nang dumating na si Ma'am. "Class, attention please. I have an announcement."

Nagsimula nang magbulungan mga kaklase ko. "I said, Attention please!" Natahimik naman sila.

"Hulaan ko, May camping tayo niyan." bulong ni Van sa tabi ko.

"Let's see." sabi ko lang.

"Sa Darating na Sabado. May Camping tayo. Pero ang gagawin lang natin ay magtanim. We'll also have Mountain Climbing. Lahat ng Grade 10 ay kasali. Pero voluntary lang. You didn't force to join but this is all about your Grades, Class."

"I knew it." napalingon ako sa kaniya. "What?"

"How did you know?" takang sabi ko.

"Kaya kita hindi nahabol kahapon kasi narinig ko yung Faculty members na nag-uusap tungkol dito." nakangiting sabi niya.

"Hindi ka naman tsismoso 'no?"

"I didn't listened intentionally." Napairap na lang ako. Kahit na, sinandya niya pa rin 'yon. Pwede naman siyang umalis.

"Oh, You're late, Mr. Sevilla." napatingin ako sa tinignan ni Ma'am Saderna at nakita ko siya.

"Obviously." sabi lang niya. Walang galang talaga! Bakit kaya hindi ito pinapagalitan ng mga teachers gayong bastos ito?

"Go to your seat. You disturbing my Announcement." sabi lang ni Ma'am Saderna kay Lyster. Oh, Lyster huh? Feeling Close.

Inilibot niya ang tingin samin para makahanap ng bakanteng upuan. Uh-oh! The chair beside me is the only vacant seat! Ano gagawin ko? Baka dito siya umup--- teka, bat ba 'ko natataranta? Siya lang naman 'yan. Saka alangan namang di ko 'to paupuin? Di naman ito nakapangalan sakin.

"Here!" kalmadong turo ko sa katabi kong upuan. Lumingon siya sakin saka nakapamulsang umupo sa tabi ko.

"Ba't diyan mo pinaupo?" bulong ni Van na nasa kabilang tabi ko.

"What's wrong? Bawal ba? Wala nang ibang vacant." sabi ko lang na nakataas ng kilay sa kaniya. Lumingon naman ako sa bagong katabi ko. "Wala nang bakante kaya diyan kita pinaupo. Baka kung ano isipin mo." sabay balik ang tingin sa harap. Nagsasalita na si Ma'am ng kung ana-ano.

"Di ako ganun kababaw like what you're thinking " sabi lang niya. Nakatingin pa rin sa harap.

Nakinig na lang ako sa harap habang nagsasalita si Ma'am. Madami pang sinabi si Ma'am tulad ng mga kailangang gawin at mga dadalhin. "Class Dismissed."

"Sasama ka?" tanong ko kay Van.

"Di ko alam. Ikaw?" napakunot noo ko sa sagot niya.

"What do you mean di mo alam? Di ka sigurado? Bakit?" sabi ko sabay ayos ng gamit at inilagay na sa bag ko. Ganun din siya.

"Family Matters. Kailangan kong dumalo. Pero hahabol ako 'don." sabi niya. Tumayo na siya at sinabit na ang bag sa balikat. "Tara na."

Tatayo na sana ako nang may lumapit na babae sa katabing kong si Lyster na busy sa pagtitipa sa phone niya.

"U-uhm, H-hi? Para s-sayo pala." sabay abot ng paper bag kay Lyster na hindi man lang nag -abalang tignan ang babae. What the heck? Sobrang sungit naman.

"I don't need that." Patay, pahiya si gurl. Buti na lang wala nang tao dito sa room.

"B-bigay ko l-lang sayo yan. Y-you're welcome." sabay alis ng babae.

Napakunot noo ko nang tumayo siya agad at kinuha niya yung bag niya saka lumabas ng room. Take note, iniwan niya lang yung binigay sa kaniya nung babae. Angsama niya.

"Reign, halika na." napahawak ako sa dibdib ko nang magsalita. Kasama ko pa pala si Van!

"My God, Van! Ginulat moko!" sagot ko.

"Pano ka di magugulat? Nanonood ka dyan ng mga kacornyhan." sabi niya sabay agaw ng bag ko sa aking balikat. "Tumayo ka na dyan. Let's go."

Tumayo na ako at hinabol siya. "Akin na yang bag ko. I can handle it." sabay abot ng kamay ko sa harap niya habang naglalalad kami palabas ng building.

Tinabig niyo iyon. "I can handle it either." sabi niya lang. "Sinabihan mo pa ako ng tsismoso kanina, eh, ikaw rin pala." sabay smirk niya. What?

"What are you saying?" patay malisiya ko. Alam ko kase tinutukoy niya.

"You were focus watching the corny scene kanina. What will we call that? Uhm, Eavesdropping?"

"Di ko sinasasya marinig at makita yon!" tanggi ko. There's no way na magpapatalo ako.

"Really? Ganyan din sinabi ko kanina but you didn't believe me."

"Tss." napairap na lang ako saka sumunod sa kaniya. Ayokong makipagtalo sa kaniya, I know him, kahit maliliit na bagay pinapalaki niya. How Immature, Van.

"Where do you want to go?" tanong niya bigla nang makalabas na kami ng building namin.

"Anong where chuchu?" asik ko. Tinatanong pa ba yon? "Obviously, sa dorm na!"

"You witch! Makakalimutin ka ba talaga? O sadyang di mo lang talaga alam unang gagawin mo?" biglang singhal niya sakin.

Tumigil ako sa paglalakad kaya ganun din siya. "You jerk! Don't raise your voice! Magkatabi lang tayo."

Wait, napapansin ko na napadalas yung pagbabangayan namin ngayong araw. Ano nangyari dito?

Nagbuntong hininga siya saka nagsalita uli. "Okay, Your Highness. So, where are you going? I'll go with you." Your Higness? Eww. How Childish.

"Ano ba kasi sinasabi mo? Wala namang kailangang puntahan except sa Campi--" napaisip agad ako at may naalala. "Oh, Grocery. Alright. Dun na lang." Kailangan ko pa lang mamili para sa Camping namin sa Sabado. I heard na baka gabihin kami kaya kailangan ko ng madaming pagkain. Minu- minuto kasi ako nagugutom lalo na sa byahe.

"Psh, you're slow." sabi lang niya at nauna na maglakad kaya sumunod ako sa kaniya.

"Ikaw na matalino! Makaslow naman 'to! Kutusan kita eh!" asik ko sa kaniya kaya nagtuloy tuloy yung pagbabangayan namin hanggang sa makarating kami sa Mall.

Sa huli, ako na ang sumuko. Hell, siya na ang expert sa pang aasar. Nakakainis. Di ko alam kung bakit nakikisama pa rin ako dito kahit na ganito ugali niya. Fine! He's always won when it comes like this. Ano ba namang laban ko dito sa uggoy na 'to? Oh, sanay to sa mga asaran at pikunan. He did not failed to piss me.

I guess, that's really VAN. The Vehicle. Lol.

Akala ( Hopeless Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon