Feb. 10, 2018

10 0 0
                                    

Ang pagiyak ko tuwing gabi,
Kasama ang sunod sunod na hikbi,
Biglang tumigil nang isang sandali.
Lahat ng iyon ay napalitan ng pag-ngiti,
Dahil naramdaman ko na pwede pa tayo magsimula muli.

Natulog ako ng masaya,
Sa wakas, pwede na ulit kita makasama.
Sabik na sabik na akong makita ka,
Gustong gusto ko nang makita ang 'yong mga mata.

Halos ilang buwan akong naghintay sayo,
Dahil ikaw lang naman ang gusto ko.
Muntik na 'ko maghina, pero kumapit ako.
Naniwala lang ako na dadating ang araw na maguusap ulit tayo.

Dito tayo nagsimula,
Natupad na ang hiling ko kay Bathala
Binigyan na niya ko ng pagasa
Para muli kang mahalin at makasama.

Mahal kita. Mahal padin kita.

Valentine's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon