Feb. 13

8 0 0
                                    

Mahal, naaalala mo pa ba,
Nung tayo pa,
Madalas tayong magkasama
Palagi tayong masaya.

Ika-labing tatlo ng Pebrero, naging tayo.
Pinagmayabang kita sa lahat, dahil ikaw ang mahal ko.
Masaya ako, masayang masaya,
Pero ngayon? Para nalang akong nagaaksaya.

Tanging unan ko lang ang nakakasalo
Nitong mga luhang nilalabas ko dahil sayo.
Ngayong gabi, habang nagiisa sa dilim
Walang nakakakita ng simangot kong malalim.

Umaasa padin ako na babalik ka,
Anong magagawa ko? Eh mahal nga kita.
Tangina ang hirap mong kalimutan.
Nilalamon nanaman ako ng kalungkutan.

Masiyahin naman ako noon,
Masaya naman tayo noon.
Pero hanggang doon nalang lahat,
Kailangan ko na sigurong isara ang aklat.

Mahal, naaalala mo pa ba,
Nung tayo pa,
Sabi mo walang iwanan at kalimutan,
Pero bakit mo ko iniwang luhaan?

Asan na?
Asan na ang pangako mong walang hanggan?
Asan na,
Ang sinabi mong "pagmamahalan"?

Wala na ba talaga?
Hindi ko na makita ang aking halaga,
Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng aking luha.
Sinta, mahal na mahal parin kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Valentine's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon