Chapter 7 - Childhood

3.6K 189 14
                                    

Sarah's Pov

Nakangiti akong iniwan si Eris mag isa. I feel relax at least nasabi ko yung bagay na yun sakanya. Kahit na alam kong hindi nya ako natatandaan.

Syempre masyado ng matagal yung samin eh. Sila Avery nga ata hindi na din nila tanda. Ako nalang siguro.

Naka upo ako ngayon sa ilalim ng puno dito sa garden. Iniisip ko pa din si Eris. God. I really like her

Siguro napapaisip kayo sa sinabi ko sakanya no? Haha secret yun bawal sabihin.

"Mag isa ka na naman Sarah" nilingon ko yung nag salita. Si Jamie pala. Sumenyas ako na tumabi sya sakin. Ginawa naman nya.

"What are you doing here? Arent you suppose to be with them?" Sila Avery yung tinutukoy ko. Kami lang naman apat ang mag bestfriends since child pa. Ewan never naman kami nag sawa sa isat isa.

Si Avery sya yung brat samin at puro party ang alam. Kikay din. Si Savannah seryoso lagi tapos parang laging galit sa mundo. Si Jamie sya lang ata mabait samin. Ako? Well tahimik lang hahaha.

"You still like Eris?" Nagulat ako sa tinanong nya kaya napatitig ako sakanya at umiwas din.

"I-i dont know what you are talking about." Lumipat sya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi mo kailangan na matakot. I will never say anything sakanila." Tila nabasa nya kung ano nag lalaro sa isipan ko. Yeah takot ako na malaman nila Avery yun.

Natatakot ako na pag nalaman nila they will judge me and see me as other person.

Napabuntong hininga ako. "Buti you still remember Eris?" Tanong ko sakanya. Ngumiti sya sakin.

"Of course isa sya sa naging matalik nating kaibigan eh." Napangiti ako kasi hanggang ngayob pala naaalala pa din nya.

Kwento ko sainyo ah? Kung paano kami nag kasama at yun basta hahaha.

*Flashback*

Nakaupo ako sa swing habang pinapanood yung mag bata na nag lalaro dito sa play ground.

Nakakalungkot walang gusto makipag laro sakin. Hay. Wala naman kasi sila Avery eh. Sila lang kalaro ko. Tapos ayaw pa nila na may nakakalaro kaming iba kaya ngayon ayaw nila ako kalaro.

"Hi!" Tinignan ko yung batang babae sa harapan ko. Ang cute naman nya.

Naka dress sya at nakapony tail. Maputi sya at mukhang bubbly.

"Ahm ako ba kausap mo?" Tumango sya at ngumiti sakin.

"Hi! Iam Eris. We are new here. I dont know anyone here. Then I saw you. You look lonely so I approach you. Is it okay if I ask you to be my friend?" Then nilahad nya kamay nya sakin. Tumayo ako tinanggap ko yung pag shake hands.

Pero english speaking ah? Hahaha ang cute.

"Sure! And Im Sarah!" Nag laro kami mag hapon hanggang sa sunduin kaming yaya naming dalawa.

2 weeks din na lagi kaming dalawa ang mag kasama. Gusto ko na sya pakilala kila Avery Im sure magiging happy sila.

One day nabalitaan ko umuwi na si Jamie from their province.

"Jamie! You know what? I met a new friend and she's very nice and sweet! Come with me Ill introduce you." Hinila ko agad si Jamie papunta sa playground para makilala na sya ni Eris.

Natanaw ko si Eris na nakaupo sa swing na parang may hinihintay.

"Eriiissssss!!!" Tumayo naman sya at tumakbo papunta sakin. Iniwan ko si Jamie upang salubungin si Eris.

Agad nya akong niyakap. "I already miss you Sarah. But seems like may kasama ka? Are you going to introduce me?!" Tumango ako.

Nag niningning ang mata nya na hinila ako papunta kay Jamie. Nang nasa harap na kami ni Jamie. Nag tatakang tinignan nya kami.

Ngumiti ako sakanya. "Shes the one im preferring to. My new friend Eris. And Eris she is Jamie one of my bestfriends." Ngumiti naman ng sobra si Jamie at nakipag shake hands kay Eris.

Nag laro kami ng mag hapon hanggang uwian na at kami nalang ni Jamie ang magkasabay umuwi.

"Tomorrow ang dating nila Avery. Do you think magugustuhan nila si Eris? Ang nice at cute nya." Tanong nya habang nag lalakad kami.

"I dont know Jamie. But hindi masama if we hope na magiging okay sila tomorrow right?" Tumango si Jamie sa sinabi ko.

Hanggang sa dumating na sila Avery. Pumunta kami ni Jamie sa tree house namin sa garden ng bahay ni Savannah. Pinagawa namin to para may meeting place kami.

"Savannah and Avery namiss namin kayo!" Sigaw namin ni Jamie at niyakap sila.

"Kami din girls. So how are you two?" Natatawang tanong ni Avery. Nag tinginan kami ni Jamie na parang same kami ng iniisip.

Para kaming matanda no? Well tinuruan talaga kami ng mommy at daddy namin na dont be so feeling bata.

"We met a new friend! She is very nice and cute!" Naeexcite na sabi ni Jamie. Kumunot naman noo ni Savannah.

"Who is she?" Tanong ni Savannah. "Eris. Her name is Eris and I will introduce you two sakanya." Ngumisi silang dalawa at sabay na sinabing sure daw.

**

"Stop it Savannah! You should not hurt her!" Pag aawat ko kay Savannah. Anong nangyari? Well naintroduce ko si Eris kay Avy at Sava but mukhang ayaw nilang dalawa kay Eris.

Kaya binubully nila to. At nananatiling tahimik si Eris. She just want to be friend with them.

"Why? I thought she want to be friend with us. Then dapat nag titiis sya." Singit ni Avery. Nilayo na namin sila Avery kay Eris. Tinuro ko nalang kay Eris na umuwi na sya. Ginawa naman nya.

5 days na but Avy and Sava always bully Eris. Hindi na namin sila mapigilan kasi mag susumbong daw sila na hindi namin sila bati.

Wala kaming magawa ni Jamie kundi panoorin ang laging pag iyak ni Eris tuwing inaaway sya.

Naiiyak nalang kaming dalawa sa nakikita namin.

Tumakas ako kila Avery at pumunta sa Playground. Nakita ko ang yaya ni Eris kaya lumapit ako para hanapin siya.

"Ahm Miss si Eris po?" Tinignan ako nito at pumantay sa taas ko.

"Naku ayaw na nya lumabas saka aalis na sila next week. Medyo naging ilag na sya sakanila. Unti unti din parang natatakot na sya lagi especially sa babae. Ewan ko nga sa alaga ko eh. Ay aalis na pala ako. Bye." Hahabulin ko sana kaso nakalayo na ang yaya nya. Hindi kaya nagkaphobia sya? Or trauma? Hala!

*EndOfFlashback*

"Hey" Unti unti kong minulat mata ko at bumungad sakin ang taong gusto ko. Si Eris.

"A-ano. U-uwian na kasi. T-then nakita kita mag isa. K-kaya n-nilapitan kita." Pulang pula ang mukha habang nakatingin sa ibang direksyon habang sinasabi nya yun.

Kahit anong angle napaka ganda nya pa din para sakin. Tutulungan ko sya na mawala takot nya sa kung ano man.

****

Haluu!! Nalate update ko pero nahabol naman. Pasensya ah? May BEEA kasi tapos nagkasakit sa si author bawi ako pwomissshhh. Vote and comment po. Enjoy reading lovveee yyyyooouuuuu!!!

~Userloveyou

Fear Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon